Sa iisang university kami nag-aaral ng lalaking crush ko. Hindi ko alam ang kanyang pangalan pero alam kong Fine Arts major siya. Kahit Computer Science major ako at malayo ang department namin sa department nila, lagi pa rin akong nagpupunta sa building nila para makita siya. Madalas kaming magkasalubong at magkatinginan pero hindi kami nagpapansinan. Kilig na kilig ako kapag nakikita ko siya, lalo 'pag ngumingiti siya at lumalabas ang dimples niya sa magkabilang pisngi.
Naisip ko na marahil hanggang pangarap nalang ang makasama ang lalaking crush ko, kasi malamang meron na siyang girlfriend. Naisip ko na malamang hindi niya ako mapapansin at nagugustuhan kasi hindi kami magkakasundo sa mga hilig at gustong gawin. Hanggang daydreaming na lang ako. Ang masama, ni hindi ko man lang alam ang kanyang pangalan.
Isang araw sa canteen, kasama kong kumakain ang mga kaibigan kong sina Jell at Maita nang biglang lumapit sa amin si Ruel, ang bading naming classmate. Ni hindi pa siya nakakalapit at nakakaupo pero sumisigaw na siya na parang isang kilometro ang pagitan namin sa isa't isa.
"Joice! Tita! I have news for youuu!"
Pumipilantik pa ang mga daliri ni Ruel habang nagsasalita.
"For me? Bakit, ano 'yun?"
"Na-excite na rin sina Jell at Maita.
"Ano bang news 'yun?" tanung ni Maita.
"Sige na, sabihin mo na!" sabi naman ni Jell.
"Okey sige, sasabihin ko na! One, two, three..." OA pang sabi ni Ruel.
"May nagkaka-crush sa'yo, Joice! Taga-Fine Arts!"
Kumunot ang noo ko."Sino naman?"
"Ay grabe papable siya! Ang cute niya, Tita!"
"Eh sino nga 'yun? Anung name niya?" Excited si Jell.
"Wancho. Ay ang cute niya talaga! Talagang papable!"
"Wancho?" pinandilatan ko si Ruel. Wala akong kakilalang Wancho.
"Baka naman may bigote 'yan ha! Remember ayaw ni Joice ng balbas-
Sarado ha!" sabi ni Maita.
"No! Walang bigote si Wancho."
"Teka, paano mo nalaman na may crush 'yung Wancho na 'yun dito kay Joice?"
"Pinag-uusapan ng tropa niya si Joice. Sumabad ako sa usapan. Sabi ko friend ko si Joice. Tapos sinabi ni Elmer na crush nga ni Wancho si Joice!"
"Sino naman 'yung Elmer?" tanong ko.
"Kaibigan ko. Classmates kami sa isang minor subject. Bestfriend niya si Wancho."
"Grabe!" Umiikot-ikot ang mga mata ni Maita.
Naintriga ako bigla.
"Pwede mo bang ituro sa'kin ngayon kung sino ang Wancho na 'yun?"
"Hay malas mo lang. May trangkaso pa raw ang papa mo! Yesterday pa siya maysakit. Pero bukas sure na papasok na."
Tinukso agad ako nina Maita, Jell, at Ruel. Hindi naman ako agad nagpadala sa tukso nila. Bagamat kinikilig akong malamang may nagkakagusto sa akin, nananatili pa ring nakatuon ang aking atensyon at paghanga sa lalaking matagal ko ng crush na hindi ko alam ang pangalan.
"Just wait until tomorrow, tita Joice! Papasok na siya. Uy magpaganda ka ha."
"At bakit? Ipapakilala mo ba 'yung Wancho na 'yun dito sa friend natin?"
"Actually, matagal nang gustong makipagkilala ni Wancho sa kanya. Kaya lang, nahihiya. Kaya tomorrow, napag-usapan daw nila ni Elmer na pagpasok niya, ipapakilala ka sa kanya. At saka sabi ni Elmer kanina, kokontakin niya ko sa cell ko kapag ipapakilala ka na niya kay Wancho.
Hindi ko na masyadong inisip ang mga bagay na 'yun nang gabing iyon. Ang inisip ko, 'yung crush ko. Sana makita ko na sya ulit, dalawang araw ko na rin kasi siyang hindi nakikita. Miss ko na siya.
Lunch break, kinabukasan. Nasa iisang table kami nina Maita, Jell, at Ruel ng may ma-receive na text message si Ruel. Nang basahin niya, bigla na lang siyang nagtitili.
"Galing kay Elmer! Punta na raw sila rito sa canteen. Kasama na si Wancho! Ayyyy!!! Ayan na ang papa ni Joice! Reply na 'ko sa kanila!" Kilig na kilig si Ruel.
Kumabog nang mabilis ang dibdib ko. Segundo lang ang lumipas at may lumapit nang dalawang lalaki sa table namin. Nabigla ako nang makita ko ang crush ko. Nginitian niya agad ako. Siya ba si Wancho?! O si Elmer?! Katabi niya ang isa pang lalaking inakbayan ni Ruel at ipinakilala.
"Friends, siya si Elmer," pagpapakilala ni Ruel. Ipinakilala niya kami isa-isa. "Si Maita, si Jell, at siyempre, si Joice."
"Hi to all of you! Nga pala, best friend ko, si Wancho," sabi ni Elmer.
"Hello everybody!" nakangiting sabi ni Wancho. Nagtama agad ang paningin namin.
Oh my God! So all this time, ang crush ko at si Wancho ay iisa?! Yes! Yes! Yes!
"Wanch, shake hands naman kayo ni Joice!" sabi ni Elmer."Oo nga naman," sabi pa ni Maita.
Lalo pang kumabog ang dibdib ko nang ilahad ni Wancho ang kamay niya sa harap ko. Siniko ako ni Jell para matauhan at abutin ang kamay ni Wancho. Para akong nakuryente nang abutin ko ang palad niya.
Sumama sila sa table namin. Tumabi si Wancho sa akin kaya lalo akong kinabahan. Sa sobrang nerbiyos, kaba, at kilig, hindi ko halos nagalaw ang aking pagkain.
After lunch, nu'ng bumalik na kami sa kanya-kanyang classroom, walang ibang laman ang isip ko kundi si Wancho. Hindi parin ako makapaniwala na ang lalaking matagal ko ng crush ay si Wancho din naman pala, na may gusto rin sa akin.
Kinagabihan, nag-usap kami sa text. Matagal-tagal rin ang naging palitan namin ng mensahe. Nagkasundo kaming magkita kinabukasan.
Nang sumunod na araw, maaga akong pumasok sa university. Nagpaganda ako para sa kanya. Nagkita kami sa lobby at tumambay sa isa sa mga upuan doon. Tinulungan niya ako sa assignments ko. Pagkatapos, iginuhit niya ako gamit ang charcoal pencil. Ibinigay niya iyon pagkatapos. Labis naman ang kilig at pasasalamat ko.
Mula noon lagi na kaming magkasama. Sinusundo niya ako sa klase, tapos kumakain kami sa labas. Minsan, pumupunta kami sa mga painting exhibits o sa mall at nagpapalipas ng oras. Naging madalas rin siya sa bahay.
Isang gabi ng sabado, dinalaw niya ako. Meron siyang dala-dalang bulaklak at tsokolate. Habang nag-uusap kami sa garden, nag-propose siya.
"Crush na kita noon pa, Joice. Kapag nakakasalubong kita sa university, nagtatangka akong makipagkilala sa'yo kaya lang..." Tumitig si Wancho.
"Nahihiya ako. Ang seryoso mo kasi. Nang malaman kong kaibigan ka ni Ruel, nakiusap ako sa kanyang ipakilala niya ako sa'yo."
Natawa ako.
"Ako rin," lakas-loob kong sabi.
"Ikaw rin? Anong ikaw rin?" naguguluhan niyang tanong.
Hindi ko na pinigilan ang sarili ko.
"Crush na kita noon pa..." sabay yuko ko.
Sa sobrang tuwa bigla niya akong niyakap.
"Oh, Joice! I love you!"
"Wanch..."
Hinalikan niya ako sa labi nang marahang marahan. Napapikit ako. Tila naramdaman ko pang nagpalakpakan ang mga bituin sa langit. Nakisaya rin sila kasi ang lalaking pinangarap ko noon ay nagkatotoo na.....
VOTE AND COMMENTS!!!