"Siguro ito yung love nest mo ano. Dito mo dinadala ang mga babae mo." Tanong ko kay Jeric habang nagpapahinga kaming magkatabi sa kama dito sa condo unit niya. Nakatalikod ako sa kanya habang siya naman ay niyayakap ako mula sa likod, kumbaga naka spooning position kami.
"Love nest?? Grabe ka naman, miss She." Gulat niyang sabi at natawa kami pareho. "Ngayong taon ko pa lang to nabili ang unit na 'to. At kayo palang ang babaeng nadala ko dito. Gusto mo gawin natin 'tong love nest natin?"
Kinurot ko ang braso niyang nakayakap sa akin na parang ahas na pumupulupot sa aking katawan.
"Paano pa ba ang no strings attached nito. Parang ayaw mo na akong pakawalan." Ang sabi ko kay Jeric habang yakap-yakap niya pa rin ako sa kama.
And yes, we just finished making love. Again. I mean sex. Wala ngang love na namamagitan sa amin diba? We're just friends. And magkatrabaho.
"No strings attached, friends with benefits.." Sabi naman niya. "Mga title yan ng movies, miss She, eh."
Pareho kaming naked sa ilalim ng iisang makapal na kumot. Oh diba parang totoong couple? Isang linggo rin bago natuloy ang gusto ni Jeric na lumabas kami. Matagal akong pumayag kasi nag-isip isip pa ako. At ito ngayon, pagkatapos ng dinner, dumiretso kami dito sa condo niya para mag dessert. Pagkatapos nung napag-isip-isip ako, napagtanto kong dapat ito na ang huling beses. Technically, hindi ito cheating kasi wala naman kaming karelasyon sa kasalukuyan. Pero maaapektuhan ang career namin pareho pag nalaman ito ng mga tao.
Natigilan ako sa mga iniisip ko nang hinahalikan niya ang aking le-eg, balikat at hanggang likod ko. And he smelled my hair. Nakayakap pa rin siya sa akin. It feels so good. Nakakarelax lang yung mga ginagawa niyang paglalambing sa'kin.
"Hmm ang bango-bango mo, miss She. Kahit saan.."
Ang higpit pa talaga ng pagkakayakap niya.
"Dito ka na lang sana sa kwarto ko buong gabi."
"Jeric, baka nakakalimutan mo na walang tayo." Prangka kong sabi sa kanya. Mas mabuti na yung diretsohan tayo dito. "At kahit wala rin naman akong asawa o boyfriend na uuwian, kailangan pa rin akong umuwi sa bahay ko."
"Akin ka nalang kasi miss She."
Kinuha ko ang mga braso niya mula sa pagkayakap sa akin at umikot ako para magkaharap na kami sa kama.
"Jeric walang pwedeng ibang mangyari sa atin. Kung ano man ang namamagitan sa ating dalawa, kung ano man itong relasyon meron tayo ngayon, hanggang dito nalang ito."
Umiwas siya ng tingin sa akin at parang nasaktan. "Yun na nga eh.."
"Let's make this conversation casual." Sabi ko para i-break ang tension. "Ayokong maging awkward 'to para sa'tin Jeric. Ano nga pala yung sasabihin mo?"
"Diretsuhin na kita miss She. Gusto talaga kita eh.. Tingin ko mahal na kita-"
"Jeric-"
"Wala akong nakikitang mali miss She. Sana bigyan lang natin ng pagkakataon ang mga sarili natin. Alam ko masaya ka sa akin Miss She. At masaya din ako sa'yo." Sincere na pagkasabi niya habang hinahawakan ako sa pisngi.
"Jeric, napakadali lang sabihin na mahal mo ang isang tao pero hindi naman talaga totoo. Ano bang nakikita mo sa'kin? Ano bang nagustohan mo sa'kin bukod sa.. panlabas na anyo?"
"Yung mabuting kalooban n'yo-"
"Baka naghahanap ka lang ng mother figure?"
"Hindi ganun. Gusto lang talaga kita." Mabilis niyang sagot na para bang siguradong-sigurado siya.
BINABASA MO ANG
Behind The Cameras
Fanfiction(On-going) (Written in Taglish) Isa ka ba sa mga napapataas ng kilay tuwing sina Sheryl Cruz, 46, at Jeric Gonzales, 28, ay may intimate scenes sa kanilang pinagbibidahang teleserye na "Magkaagaw"? Kahit ano pa ang sagot mo, talagang hindi mawawala...