Chappiee 2

58 3 0
                                    

Freya's POV

Nagising ako ng maaga, dahil may naririnig akong ingay sa labas ng kwarto ko.

Kaya tumayo na lang ako at ginawa ang morning rituals ko.

Ang aga-aga ang iingay. Tsk.

Pag-baba ko may nakita lang naman akong apat na mga impakta. Sino pa nga ba? Edi si Rianne kasama sila Marie, Ley, at CJ.

"Magandang umaga, mahal na Prinsesa." Rianne, using her sarcastic voice. 

"Tsk." me

"Ang tagal ah." Marie

"Eh ano ba kase ginagawa niyo dito? And sino ba nag-sabi na pumunta kayo dito? Ha? Sagutin nyo nga? Sino?" Sarcastic na pagkaka-sabi ko.

Natahimik naman sila. Tsk. Wala naman pala sila.

"A-ahhhmm, w-wala lang. May sasabihin lang kame, tsaka may kailangan tayong pag-usapan." Cj.

"And so? Tungkol saan naman ang kailangan nating pag-usapan?" Me

"About sa nangyare kahapon." Rianne.

"Anong kahapon?" Me

"Haler? Yung pagkaka-gusto sayo ni France." Marie

"Oh? Ano naman meron dun?" Me

"Wala ka man lang bang naramdaman sa narinig mo?" Ley

Napatahimik naman ako dun, at napa-isip. Ano naman meron dun? Eh wala namang bago? Hay nako, hindi pa rin ba sila sanay? Bahala sila.

"Tsk, syempre wala. Pake ko kung may gusto sya sakin? Anong magagawa ko? Kung may gusto sya sakin, well I don't give a fuck. Hayaan natin sya, wala rin naman syang magagawa kung hindi ako interesado sa feelings nya." Me

"Tsk, ano ba yan. Pati ba naman kuya ko, babalewalain mo rin Freya?" then Rianne sighed.

"Kaya nga. Oo tanggap ko, mga  kuya ko binalewala mo. Alam ko naman kase na wala ka talagang nararamdaman sa kanila and never magkakaroon. Pero Freya naman, pati ba naman si France? Also known as the almost Perfect Guy?" Marie

Sa totoo lang, meron naman akong naramadaman nung narinig ko ang mga salitang yun mula sa kanyang bibig, ngunit hindi pa ako sigurado and I can't tell this to them. I just can't.

"Pano, kung sabihin kong oo? Wala rin akong nararamdaman para sa kanya." Me

"Ibang klase." Bulong ni Cj pero narinig ko. Tsk.

Sa kabilang dako naman.

Third Person's POV

Habang sila'y naguusap usap hindi nila namalayan na may mga nakikinig pala sa kanila.

"Tsk, tsk, tsk. Sinabi naman na namin sayo eh. Na pati yang nararamdaman mo mababalewala lang din nya." Marc

"Oo nga. Kaya pre, habang maaga pa kalimutan mo na yang nararamdaman mo." Mir

Ramdam ng mga kaibigan nya ang sakit na nadarama niya dahil nga sa kanilang narinig. Pero kahit na ganun, mas nangibabaw pa rin ang pagka-gusto niya sa babae.

Ngunit maya maya lamang sinabi niya sa sarili niya na, 'Siguro nga tama sila, dapat lamang na kalimutan ko na tong nararamdaman ko towards her, kaya simula ngayon lalayo muna ako. Kahit na alam ko, na hindi ko kaya. Kakayanin ko para sa kanya.'

-------------------------- -------------------------------------------

Hold On? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon