Chapter 19: The Vacation II
Dia's POV
"I did not bring any work here. Like what I said two days ago take your break."
"Pero---
"It's fine Dia, pagbalik na lang natin saka mo isipin ang mga bagay na 'yun. Just enjoy this three days vacation."
"Okay po."
"Kahapon subsob ka sa pagrereview pagkarating natin. I want you to enjoy this vacation, okay?" Ngumiti lang ako kay Ma'am Vel matapos niya sabihin sa akin ang mga iyon.
Maya maya pa ay umalis na din siya kaya naiwan ako mag-isa dito sa villa. Nabanggit din ni Ma'am Vel kahapon na susunod si Shaine at mamayang hapon nandito na siya, kaya sinubsob ko ang sarili ko sa pagrereview ngunit walang pumasok kahit isa sa utak ko sa lahat ng binasa ko, useless din ang pagiging abala na kaharap ang mga libro. I'm pretty sure na isasama niya si June kaya mas lalo akong naiinis, okay na sana kung si Brenda na lang o kaya si Betty. Paano ko naman ma-eenjoy ang bakasyon na ito kung nandito yung dalawa? Maghaharutan at maglalandian lang sila sa harap ko na parang silang dalawa lang ang tao.
.
.
.
After kong maligo at magbihis ay lumabas na din ako sa villa. Naglakad ako palabas at napangiti ng sumalubong sa akin ang malawak na karagatan.
Mamayang gabi na lang siguro ako maliligo sa pool medyo mataas na din kasi ang araw. Bulong ko sa sarili ng mapabuntong hininga habang naglalakad.
Lumakad pa ako hanggang makarating sa seashore, may ilang speedboat at jetski na nag uunahan pa sa di kalayuan ng kinaroroonan ko.
"Hello?" Kilala ko ang boses na iyon kaya agad kong tiningnan kung saan iyon nanggaling.
"Oh hi? Long time." Nagulat ako ng makita ko siyang nakasuot ng shorts, hindi ko expected na nagsusuot siya ng maikling denim shorts.
"You must be the girl at the dinner party and the girl at the bus station, right?" Tanong niya sa akin.
"And you must be the guy who helped me few weeks ago? And the guy who got nosebleeds?
"No."
"Huh?"
"What I mean is no, I'm not that guy."
"Oh I'm sorry." Napatahimik ako ng marinig ko ang sinabi niya.
Hays naman Dia, napagkamalan mo pa itong lalaking kaharap mo kakaisip kung ano ang pepwedeng gawin sa lugar na ito habang stress ka pa rin sa pagdating nina Shaine mamayang hapon. Bulong ko sa sarili ko habang pangiti ngiti sa kaharap ko. Iniiwas kong magtama ang mga mata namin dahil nahihiya ako sa ginawa ko.
Teka, pero bakit alam niya na nagkita kami sa bus station at sa dinner party? Teka stalker ba ang lalaking ito? Wait! O sucks! Is he...
"I'm not a guy, I'm a girl."
"What?" Gulat kong sambit.
"Oh sorry, here." Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at inilagay sa dibdib niya. Agad ko namang inialis sa dibdib niya ang kamay ko.
Shocks! Ano yung nahawakan ko? Eww! Wait? May dibdib din naman ako ah, mas malaki pa nga ang akin kaysa sa kanya. O gosh, ano ba naman? Extended ba ang kamalasan ko? Sino ba itong babaeng ito na mukhang lalaki?
"I'm Mariel, sorry sa ginawa ko. Pero tama ka ako nga 'yung lalaking nasa bus station at yung dumugo ang ilong sa dinner party, but I'm not a guy or a dude."

BINABASA MO ANG
Unexpected Royal
Misterio / SuspensoPaano kung isang araw malaman mong Prinsesa ka pala ng isang bansa na hindi pamilyar sayo? Siya si Diala Madrigal, dragon kung magalit pero mabait, simpleng babae pero maarte minsan lang naman kapag trip niya, may ginintuang puso at mabuting kalooba...