Kabanata 6

13 0 0
                                    

Kabanata 6: Truth

"Pinag handaan te?" Bungad agad saakin ni Cath ng maka pasok ako sa loob ng kotse nila.

Inirapan ko na lang sya. Nagulat ako ng bigla akong maka tanggap ng text mula kay Jerome.

From: Jerome
Hey? San na kayo? Malapit na mag start.

"Atat ba sya ghorl?" Nagulat na naman ako dahil nakikibasa na pala ng text si Cath. "Sabihin mo ghorl, malapit na tayo sa village nila. HAHAHAHAHA excited makita ka." Pang aasar nya.

"Shut up, Cath."

To: Jerome
Malapit na daw kami sa village nyo.

Message Sent!

Nang makapasok kami sa loob ng village nila ay nakita ko ang mga malalaking bahay na halatang mayayaman ang may ari. So, mayaman din ang pamilya ni Jerome? Siguro nga kase ang course nya e piloto.

Nang maka rating kami sa adress na binigay ni Jerome, ay nakita ko na sya sa labas halatang may inaantay.

"Tignan mo sis, excited talagang makita ka HAHAHAH" sabat na naman ni Cath na halatang nang aasar.

"Ewan ko sayo Cath," pag tataray ko sa kanya.

Pag baba namin ay sinalubong agad kami ni Jerome.

"Finally, dumating na kayo. Come inside." Pag aaya nya kaya pumasok na kami ng tuluyan sa kanila.

Isa lang masasabi ko kundi Wow! As in wow! Ang laki kase ng bahay nila nakaka mangha. Oo, hindi malaki ang bahay namin at hindi rin maliit katamtaman lang pero etong bahay nila Jerome? Ang laki!

Busy ako sa kakatingin sa buong kabahayan ng biglang mag salita si Jerome.

"You look good, simple yet beautiful." Napatingin ako sa kanya. Ramdam ko na naman na nag init ang pisngi kooo!! Ano ba to? Kinikilig ako? Naka tingin din sya sakin! Omayghad!!

"Ehem! Tao ho ako! Yoohoo!" Pang aagaw pansin ni Cath kaya natawa na lang ako.

"Ikaw din Cath, maganda." Pag puri tin ni Jerome sa kanya.

"Ay? Yun lang talaga sasabihin mo? Bakit yung kanya mahaba? Sakin maikli?" Natawa naman kami ni Jerome sa kanya.

Cath was wearing a white dress na may color beige na belt at pinatneran nya ng silver na heels. Simple lang din ang make up nya katulad ko. Pero mas maganda ako HAHAHAHA

"Tara na sa loob, nag sisimula na ang party." Sabi ni Jerome.

Sa may garden area nila ginanap yung party kaya medyo malawak ang espasyo. May mga nag kalat na baloons sa lapag, naka dikit sa dingding. May unicorn din at Ben 10 na characters na naka print sa balloons. Iba yung nabili ko huhu sana magustuhan nila yon.

'Brina and Brent @7'

So yon pala ang pangalan ng kambal, Brina and Brent what a nice name.

Puro bata ang nakikita ko. Tanga, shempre Children's party nga e!

Totoo ang sinabi ni Jerome nag sisimula na nga ang party, nag sisimula na ang mga pa games nila kaya ang mga bata ay hindi mag ka mayaw sa saya. Sana ol masaya.

Giniya kami ni Jerome sa isang round table para maka upo kami.

"Uhh, Jerome eto regalo ko sa mga kapatid mo." Sabay lahad ng regalo sa harap nya.

"Later, ikaw mismo mag bigay sa kanila nyan." Sagot nya.

"May I call the attention of all the family members, please come here in front. And everyone! Sing the Happy Birthday song!"

Sa Kabilang BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon