2

108 7 0
                                    


Ilang araw na din di ko nakikita si Ma'am K, ewan ko ba parang araw-araw ko na siyang gustong makita, kung dati si sir ang gusto kong makita ngayon si Ma'am K na.. Di ko na din crush si sir na disappoint ako sa nalaman ko, wala pala talagang perpektong tao.. Ang pinagtatakahan ko lang eh ba't natitiis ni ma'am si sir..

"Good afternoon Ma'am and Sir" bati ng mga kasamahan ko, biglang kumabog ang dibdib ko kasi alam ko kung sino ang dumating..

Agad naman na nagtama ang paningin namin ni ma'am at parehas din naman kaming napayuko nung napagtanto namin ito.

"Good afternoon Sir" ngiti ko pa..
"Good afternoon Ma'am" pilit ko din ngiti.. Tumango lang siya at yumuko ulit.

Dumeretso silang dalawa sa opisina nila which is nasa likod din ng Front Office. Di na katulad dati na pag nakita ko si sir ay kinikilig agad ako ngayon iba na..sa twing nakikita ko si ma'am kumakabog na ang dibdib ko na hindi ko malaman ano tong nararamdaman ko, siguro ay naaawa ako sa sitwasyon na. Hindi nya deserve na saktan, physically and emotionally and i don't know why ba't gusto ko siyang protektahan, pero wala naman akong magagawa empleyado lang ako..

"oiii di ka ata kinilig nung nakita si sir, okay kalang ba?" tanong ni Sarah kasama ko sa FO..
Napangiti nalang ako sa sinabi niya dahil nahalata pala niya.

"oo okay lang may iniisip lang" pagkatapos ay nagexcuse muna ako sa kanya at pumunta ng CR.

Nag re-touch muna ako dahil pinagpawisan ata ako kanina.. Di pa rin sya mawala sa isip ko.

"Hayyyss" buntong hininga ko sa harapan ng salamin habang ngrere-touch..

"is everything fine, Melody?" hindi ko alam at hindi ko napansin na may tao pala. Then i saw her standing beside me with her poker face again..

"ah o-opo Ma'am okay lang po.." ba't nauutal pa ako, ganun ba ako kinakabahan? Hayss.. Chill Melody..

"how are you?" tanong niya habang nghuhugas ng kamay.

"ok lang po ma'am" sagot ko..

"ikaw po?" tiningnan niya ako sa salamin at ngumiti ng pilit.

"always okay" saka kumindat at tumalikod palabas.

Hinawakan ko ang dibdib ko na parang lalabas na ata ang puso ko sa sobrang kaba. Di ko talaga maintindihan kung bakit bigla ako nakaramdam ng ganito. Ngayon lang ako kinakabahan ng sobra dahil sa isang tao..pati kili-kili ko pinagpawisan ehh...

Alam mo ba kung bakit? Di mo din masagot nu? Single kasi tayo haha charot lang..

Bumalik nako sa FO at lumipas ang oras di ko namalayan na mag o-out na pala ako sobrang busy eh maraming guests.

"Melody, sabay na tayo" tawag ni Ryan sa'kin.. Housekeeping Supervisor ng hotel. Gwapo, maputi,singkit at gentleman.. Feeling close kasi to sa'kin.. Sabagay friendly din naman ako..

"sure.." same kasi kami taga Paranaque kaya okay na din at may kasabay di boring mag commute..

"Dinner tayo, treat ko" sabi ni Ryan. Syempre bilang food is lifer ako di um-oo na rin ako..

"sure ka jan ha, nakakahiya naman sayo" pabiro ko pang sagot.

"oo nga," pa cute pa niya.. Infairness cute naman siya.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Ryan, akala ko kasi normal dinner lang like sa carenderia or street foods, yan kasi mga bet kong pagkain dahil makakatipid ako.

Nagtaxi kami at huminto sa isang sikat na chinese restaurant. Parang nakaramdaman ako ng hiya di ko naman kasi inexpect na dito niya ako dadalhin..

"oi ba't dito tayo, may kamahalan dito ah" sabi ko sa kanya habang siya ay ngumiti lang at sinabing pumasok na kami sa loob.

----
The dinner went well, masarap ang mga pagkain at madaming inorder si Ryan di ko nga naubos eh, pero yung part na tinanong niya kung pwede bang manligaw sabay bigay ng boquet of flowers eh napatango nalang ako.

Nakakahiya naman kung sabihin kong hindi o ayaw ko tapos punong-puno pa ng pagkain ang bunganga ko edi tumango nalang ako..wala naman ding masama, kasi single single siya at single din naman ako.

Try ko naman di naman ata mahirap magustuhan tong si Ryan..

--

There is this excitement inside of me everytime naiisip ko na papasok ako sa trabaho..

Everyday routine na talaga na bibisita ang mga amo namin kaya sanay na din kami. Mababait naman sila as an employer at wala naman problema.

"Good afternoon Ma'am" bati ng mga kasama ko, ito na naman ang kaba na nafefeel ko, pwede na ba ako kumanta ng kaba by totsie guevarra haha charot.

"Good afternoon Ma'am" bati ko din sa kanya..

"Good Afternoon Melody" bati niyang pabalik but naka poker face pa din.

Nilingon ako ng mga kasama ko, pagka pasok ni Ma'am K sa room ay agad na lumipat sila sa'kin..

"aba himala ata si Ma'am bumati, at sayo lang talaga" tawa ni Sarah
"ano kaya nakain ni Ma'am?" tanong naman nung isa.. Di ko nalang sila pinansin at ipinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko.

"oi Melody ibigay mo naman to kay Ma'am yung papers na need niyang pirmahan.." pag-uutos ni Sarah

"oh ba't ako eh diba ikaw lagi nagbibigay nyan sa office nila.." pagrereklamo ko pa..

"sige na naman eh, nakakaasiwa kasi si Ma'am napaka seryoso, total naman ikaw lang binati niya kanina" inirapan ko lang siya tsaka hinablot ang mga papel..

Narinig ko pa siyang tumawa pagtalikod ko.. Padabog pa akong naglakad.. Nakakainis naman, eh umiiwas nga ako.. Sino ba iniiwasan ko? Dba wala..

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok..

"Ma'am ito pala yung mga papeles na kailangn mong pirmahan" nagulat pa siya na ako ang nakita niya..

"Ah, Salamat Melody" pagkabigay ko sa kanya ay tumalikod na ako para umalis.

"Hatid na kita mamaya" napalingon ako kay Ma'am and her reaction is like waiting for me to answer her..

"ako po ba Ma'am?" napasmirk siya sa sagot ko na tanong din tsaka tumango..

"i just want to talk to someone" na gets ko na baka malungkot o may problema na naman siya.

"Okay Ma'am" ngumiti ako sa kanya telling her that i'm willing to listen in whatever problem she's facing. Char english haha!



--

sorry sa mga typos hehe.

Peculiar Love (gxg one-shot story)Where stories live. Discover now