Nagbihis na ako dahil oras na para mag-out parang excited ata ako.. Kasi out na syempre dahh may iba pa ba..
Nghihintay ako kay Ma'am sa labas ng hotel nung nilapitan ako ni Ryan..
"Hey, Hatid na kita" sabi niya at nakangiti pa na kumakamot pa sa ulo.."ah, kasi Ry may pupuntahan pa ako" sakto naman ang paghinto ni Ma'am sa Harapan namin..
Nakita kong na disappoint ang mukha niya nung nakita niya kami ni Ryan na magkausap.
"Ah Ry una na 'ko ha" nagtataka man siya ay tumango nalang siya at kumaway. Alam niya kasj kung kaninong kotse ang sinakyan ko.
"may lakad ba kayo? Baka nakakadisturbo ako" cold niyang sabi.
"Ah wala naman ma'am" awkward kong sagot.
"he's cute, bagay kayo" napa ngiti lang ako sa sinabi ni ma'am ayoko kasing pag-usapan lalo na at nag iba ang aura nya..
We had dinner pero tahimik lang siya, di siya masyadong nagsasalit..sabagay naman ganyan naman talaga siya.
Nahihiya nga ako dahil wala kaming imikan kesa sa nag-uusap talaga kami atleast di mapapanis laway ko..
Nasa business trip na naman kasi si sir, kaya siguro naisipan niya isama ako dahil para lang may kasama siya at di siya maboring.. Sabagay wala naman siya masyadong kilala sa work kaya ako siguro niyaya niya kasi kilala naman niya ako..
Kinakausap ko nalang sarili ko sa utak ko para naman di masyadong boring. Hahaha..
"ok lang ba sayo late kana uuwi di kaba papagalitan?" tanong ni Ma'am K
"ok lang mam, no worries"
Umalis kami at pumunta sa isang park, na nakaharap din sa dagat.. May upuan at medyo konti nlang ang tao, ang makikita mo nalang eh mga Lovers na napaka sweet.. Napakasakit sa matang tingnan haha..
Umupo kami na nakaharap sa dagat at langhap ang preskong hangin.. Nakakarelax naman.. Pumikit pa ako para damahin ang lamig ng hangin.. Ber months na pala kaya pala malamig na ang simoy ng hangin..
Pagdilat ko nilingon ko si Ma'am at iniwas niya ang tingin sa'kin..
"Mas mabuti Ma'am kung ilabas niyo kung ano ang nasa loob niyo, di yun kinikimkim mo ito.. I'm willing to listen" ngiti ko pa sa kanya para naman malaman niya na nandito lang ako na handang makinig. Kahit kasi sa ganung kaliit na bagay matulungan ko siya masaya na ako..
Napabuntong-hininga siya bago nagsalita.
" i Don't love him" napalingon ako at nagulat kasi kung di na niya mahal eh ba't pa siya nagtitiis.
"i want to leave him, but i can't" dun nagsimula siyang umiyak..
"bakit?" tanong ko pa..
"bakit?" tanong ko pa..
"because of my father.." tumango ako dahil parang alam ko na ano dahilan.. Negosyo..
"Minahal ko naman siya. I really loved him pero nung nagtagal na at kinasal na kami, nag iba na sya.. Maliit na bagay magagalit siya, napapagbuhatan pa niya ako ng kamay.. Pag di ako tumulong sasabihin niya wala akong kwenta.." napatiim bagang ako sa narinig ko.. Galit ang nararamdaman ko kay sir, nagbago lahat ng pagtingin ko sa kanya.. Akala ko perpekto siya pero sa panlabas lang pala na anyo niya..
"pag di ko na sya pinapansin sinusuyo niya naman ako, nagsosorry siya pero paulit-ulit nalang hanggang isang araw nagising nalang ako na di ko na sya mahal, napagod na ako.. Pinapakisamahan ko nalang siya dahil kasal kami at dahil sa Tatay ko" ang hirap naman ng pinagdadaanan niya. Wala pala talagang perpekto sa mundo kasi kahit marami kang pera kung pagmamahal naman ang kulang sayo di ka pa din magiging masaya..
Di ko alam pero niyakap ko si ma'am i just want her to feel na nandito ako at may karamay siya..
"I'm sorry" niyakap niya din ako,
At unti-unting bumuhos ang ulan... Agad naman kaming tumakbo na magkahawak kamay pabalik sa kotse niya.
Parehas kaming nabasa sa ulan pero di ko na inintindi yun kasi napako ang tingin ko sa kanya. I don't know but seeing her smile makes me smile too..
"Thank you" ngiti niya sa'kin..
Nanigas na naman ako sa kinauupuan ko dahil kinabit lang naman nya ang seatbelt ko pero napakalapit ng mukha niya sa'kin.. Di ko alam pero dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko baka narinig na niya.
Buti naman at wala ng traffic, nahatid ako ni Ma'am sa'min.. Halos mag 2 am na kasi..
"ingat ka ma'am.. Ok lang ba i-text mo ko pag makarating kana sa inyo" nag-aalala kasi ako mas mabuti sure ako nakarating siya sa bahay nila ng maayos. Ganyan din naman kasi ako sa mga closest friends ko.. Di lang kay Ma'am nu.. Ung utak nyo kung ano lang iniisip..
Napangiti siya sa sinabi ko kaya tumango siya at hiningi ang number ko..
"Melody, "pigil niya bago ako bumaba ng
sasakyan.."Thank you" at niyakap niya ako ng mahigpit. I feel so secure at may kakaibang feeling na di ko alam at di ko ma explain. Basta ang alam ko it really feels right..
Hindi ko in-expect ang kasunod na nangyari..
Hinalikan niya ako sa pisngi..
Nakahiga na ako at nakapikit pero sya pa din nakikita ko.. Yung itsura nya na parang basang sisiw pero ba't napakaganda pa din niya. Mas maganda siya sa wet look na yun.
Nagulat ako dahil biglang nagring ang phone ko, unknown number calling..
"just got home, gonna take a shower pa.. Thank you for this night, Melody" sabi nya sa kabilang linya..
"Go-goodnight Ma'am" atsaka na end ang call..
Masaya akong napasaya ko siya kahit papano.. Pero di ako makatulog kakaisip sa kanya..
I had crushes before naman pero sa mga lalaki ha.. Di ko naman naramdaman yung ganito na halos di makatulog kakaisip..
Maybe naawa lang talaga ako kay Ma'am and i want to be her friend na masasandalan..
Paano naman kasi ako magiging attracted sa babae eh babae din naman ako tsaka napaka straight ko kaya..di ko pa na try ma attract sa babae at isa pa may asawa na si Ma'am..
---
vote vote pls :)
YOU ARE READING
Peculiar Love (gxg one-shot story)
RomanceHow can something so wrong feel so right? -COMPLETED-