Zombie akong pumasok sa trabaho tinawanan pa ako ng mga kasama ko bakit ang laki daw ng eyebags ko, kakaisip ba daw kay Ryan..
"wag kayong maingay baka may makarinig" pagsaway ko sa kanila..
"kailan mo sasagutin si Papa R?" tanong naman ni Jemuel na baklang kasama ko sa FO
Inirapan ko lang siya..
"Ryan kayo ng Ryan eh bago pa nga lang nanliligaw ang tao" sabi ko habang nasa loob ng key room, nagtaka ako bakit ang tahimik nila kaya lumabas ako
Kaya pala dahil dumating si Ma'am at ewan ko kung narinig niya ang sinabi ko..
Poker face nya akong tiningnan at pumasok sa office niya..
"narinig nyo ba ang..."
"oo rinig na rinig namin, nagalit ata si Ma'am dahil nakangiti yun pagpasok tapos nung narinig ka eh sumeryoso agad" patay ako nito siguradong papagalitan ako..
"ang ingay nyo kasi kainisss" reklamo ko pa..
Hanggang sa pag off duty ko di ko na nakita si Ma'am K..
"hatid na kita" sabi ni Ryan, tumango nalang din ako.
"okay kalang? " pag-usisa niya
"okay lang" sagot ko.. Sa buong byahe naman si Ryan lang ang nagkwekwento ng kung anu-ano minsan nakakaaliw syang kasama kasi di ka mabobored pero kahit siya ang kasama ko iba ang naiisip ko..
--
Hindi ako nakapasok ngayong araw, inaapoy ako ng lagnat dahil siguro ito ng isang gabi nung naulanan kami..Buong araw akong nakahiga sa kama, halos di makabangon buti nalang at bumaba na ang lagnat ko ngayon sana maging okay na bukas para maka pasok na ako ulit sayang kasi ang araw..
"Nak may bisit ka, katrabaho mo" sabi ni Mama, alam kong si Ryan yun nagtext kasi siya na pupuntahan niya ako.. Nagbihis muna ako bago lumabas ng kwarto, kaya ko din naman na tumayo..
Nagulat ako nung nakita ko si Ma'am K nakaupo sa sala..
"Ma-Ma'am? Ahm Good evening po" bati ko. Ewan nagulat lang ako na parang masaya dahil nakita ko siya.
"are you okay now?" nilapat pa nya ang kamay niya sa leeg ko dahilan para mapaatras ako.. Para kasing may kuryente..
"Magandang gabi Ma'am" bati ni Ryan na kadadating lang. Parang nagpapanic ako sa kaloob-looban baka kasi kung ano ang isipin ni Ryan, syempre may-ari ng hotel binibisita ang empleyado..
Binigyan niya din ako ng boquet of flowers..
Nakita ko din madaming pagkain sa table dala siguro ni Ma'am.."i will go now, i'm just checking on you.. Baka kasi dahil sa naulanan tayo kaya ka nilagnat.. It's my fault" again signature face niyang seryoso..
"Salamat Ma'am" gusto ko man siyang pigilan, di pwede baka ano pa isipin ni Ryan.
Hinatid ko sya palabas ng gate nakakahiya naman kasi hahayaa ko nalang siyang umalis..
"i think you'll be okay, someone is gonna take care of you.. Magpagaling ka" walang kaemosyon-emosyon niyang sabi..
I do not know lang ha... Parang may ibig sabihin yung sinabi niya.. Di ko lang gets.. Loading ba talaga pag may lagnat?
--
Isang linggo kong hindi nakita si Ma'am K, actually silang dalawa ni sir, baka may business trip. Ewan ko di ko na inalam at di ako interesado yung iniisip ko lang sana ok lang si Ma'am..
YOU ARE READING
Peculiar Love (gxg one-shot story)
RomanceHow can something so wrong feel so right? -COMPLETED-