5

78 6 0
                                    


Pauwi na ako at kasama si Ryan paalis na sana kami nung biglang huminto sa harapan namin ang sasakyan ni Ma'am

"Melody, i need to talk to you!" ma awtoridad niyang sabi..

Tiningnan ko lang si Ryan at tumango naman sya , alam na din kasi niya ang pinagkalat ni Sarah. Speaking of that biatch di ko pa nakakausap yun, sabi ni Jemuel siya nalang daw bahala..

Sumakay ako at pinaandar niya ang kotse.. Di ko alam nasaan kami basta naka park lang sya sa isang tahimik na lugar..

"why didn't you tell me?" nilingon ko siya..

"bout Sarah?" dugtong pa niya, naabuntong-hininga ako..

"sorry, di ko lang gusto madagdagan problema mo" nakayuko ko pang sabi..

"look, kung di ko pa tinanong si Jemuel, di ko pa malalaman.." inis niyang sabi..

"i'm not guilty kasi wala naman tayong ginagawa kaso baka masira pangalan mo dahil sa'kin.. Lalo na't amo kita at empleyado mo lang ako.."

Wala siyang sinagot bagkus ay hinawaka niya ang mukha ko at hinalikan..

Walang gumagalaw sa'min pero yung mga paru-paru sa tiyan ko ay nagliliparan..

Until she started moving, hanggang sa sinasabayan ko na siya sa paghalik..

Para akong dinuduyan o nililipad ng hangin.. This feels great..

"i Like you Melody" she said in between our kisses..

----

Am i dreaming or nabingi lang ako sa sinabi niya..
Our lips parted and saw her smiling.. Ako naman eh nag-iisip padin sa sinabi nya at kung bakit ko hinalikan yung boss ko..

Malaking kasalanan yan ang nasa utak ko ngayon..

"Sorry Ma'am" dito na ako na guilty sa ginawa naman..

"don't be.." pinaandar niya ang sasakyan niya, nakarating kami sa bahay ng walang imikan.

Huminto siya at nilingon ako atsaka nagsimulang magsalita..

"i feel so secure and comfortable when i'm with you.. You give color to my world again Melody, i don't know why but all i know is that i like you.. I'm happy when i'm with you, at kahit makita lang kita ay masaya na ako.." ang sarap pakinggan ng mga sinabi niya. Parang gusto ko siyang halikan ulit..

"baka dahil ako lang ang nandito para sayo Ma'am kaya siguro yan ang nararamdaman mo, mawawala din yan.. Tsaka parehas po tayong babae" pagdadahilan ko pa.. Kasi baka naman talaga nalilito lang siya..

"i'm sure of what i feel Melody" pagdiin pa niya.

"di ko alam ma'am i never been into a relationship, i had crushes but ka relasyon wala pa.. And mas lalo kong di maintindihan eh parehas tayong babae"

"Gender does'nt matter to me, but if sayo Oo rerespetuhin ko yun.. And sorry for liking you" deretso ang tingin niya sa daan.

Nasaktan ko ba siya.. Di kasi ako sure eh, tsaka may asawa siya at parehas kaming babae..

"Una na po ako Ma'am" paalam ko sa kanya di siya tumingin pero tumango lang siya kaya umalis na ako.. Masakit na makitang nasaktan ko siya.

Lagi nalang ako walang maayos na tulog.. Di ako nakatulog kasi alam kong nasaktan ko si Ma'am K.. Di ko pa din kasi alam sa sarili ko kung ano tong nararamdaman ko, this is new to me..

---
2 weeks guys, 2 weeks na hindi ko siya nakit.. Hindi siya bumisita sa hotel.. Parang ang bigat bigat ng pakiramdm ko na gusto kong iiyak ang lahat..

I missed her, i really do..

"oh kwento na" sabi ni Jemuel. Tinaasan ko siya ng kilay..

"wag mo ng i deny, i know di ka okay" i trust Jemuel.. Siya din ang kinausap ni Ma'am bout kay Sarah. Si Sarah ay nasa ibang hotel na assign.. Buti naman sa kanya..

I told Jemuel everything, napangiwi siya sa narinig niya.. Pero napangiti din na kinikilig..

"di ako sigurado Jem sa feelings ko, natatakot ako sumugal kasi alam mo na sitwasyon" tumango siya..

"si Papa R?" tanong naman niya..

"mas masaya akong kasama si Ma'am" yun lang ang nasagot ko.

"confirmed seeesss, you're inlove" hinampas ko pa siya..

"paano? I mean you know we can't be together" tumango na naman siya ng nakasimangot..

"yun nga lang" ano magiging kabit ba ako? My goshhhhhh

Bakit kasi ganito pa nararamdaman ko, at bakit sa kanya pa.. Bakit sa may asawa pa..talo na agad ako eh..


Walang araw na hindi ko naiisip si Ma'am K simula nung last naming pagkikita..

"Mel, parating sila Ma'am" sabi pa ni Jemuel na nagsasabi naman ng totoo, parang lumiwanag ata mukha ko..

"oi wag magpahalata haaa" baklang tow talaga kainis..

Binati ko sina Ma'am at Sir.. Super ngiti pa ako pero nanlumo din after kasi naka poker face lang si Ma'am na walang ka emosyon emosyon ang mukha..

Di ba siya excited makita ako..
Assuming ko naman..

Kumatok ako at pumasok sa office nila..nadatnan ko sila na sweet ni sir.. binigay ko ang papers sa kanya ng di siya tinitingan pero nakita ko sa braso niya na may pasa siya..

Di sila na ang sweet..sana all sweet kainis..

Hanggang gumabi ay iritado na ang mood ko, kaya inaya ako ni Ryan magdinner, so sumama ako..

Nagtatawanan kami nung dumaan siya sa harapan namin pasakay siya ng kotse nila..

Kung nakakamatay lang ang tingin patay na ata ako ngayon..

Masaya naman na natapos ang gabi ko kasama si Ryan atleast kahit papano may nakalimutan akong isang tao..

"Ry, thank you pala" pagpapasalamat ko sa kanya.. Hinatid niya din ako sa bahay..

"masaya akong makita kang masaya" ngiti ko pa..

Papasok na sana ako pero nagulat ako nung hinalikan ako ni Ryan sa labi..

It feels weird, dahil wala akong naramdaman na kilig or something sa tiyan ko.. Ibang-iba sa halik ni Ma'am K.

Napaatras ako at awkward na nagpaalam sa kanya..

Tama nga kaya si Jemuel?

Am i inlove with my boss? Inlove ba talaga ako sa babaeng may asawa na? I mean sa taong di pwedeng mapa sa'kin..

Ngayon nga lang nainlove 'tong puso ko di ko pa pwedeng maangkin..

Again naalala ko naman ang paghalik ni Ma'am K and nararamdaman ko pa din ang pagiging overwhelm ko, compare sa halik na binigay ni Ryan..

Peculiar Love (gxg one-shot story)Where stories live. Discover now