6

72 8 0
                                    


Nakakainis lagi nalang siya iniisip ko..grrrr Wala pala akong pasok bukas kaya keri lang na magpuyat..

"nak" tawag ni Mama sa'kin..

"nak gising" napaka aga naman ata mang gising ni Mama

"huyy gising, may bisita ka" mejo pasigaw na niyang sabi

"hmmmm" at muling pumikit ang aking mga mata..

Magkahawak kamay kaming naglalakad at nagtatawanan sa isang park, maraming street foods at maraming tao pero wala kaming pakialam kung sino man ang makakita sa'min as long as masaya kaming dalawa. Halos hindi ko marinig kung anong mga pinagsasabi niya sa'kin dahil sobrang saya ko na nakikita ko siyang masaya dahil sa'kin..

Pero bigla kaming napahinto nung may kotseng humarang at dinampot si Ma'am K. Wala akong magawa dahil marami sila at puro lalaki ito..

"Ma'am K" sigaw ko pa habang umiiyak..

-- "ssshhhh, hey" nakahinga ako ng maluwag na panaginip lang pala ang lahat.

Nakangiting babae ang nakita kong nakaharap sa'kin. Nagulat ako at nagtago sa'king kumot.. Bakit siya andito sa kwarto ko nakakahiya naman..

"ba't di ka pumasok?" tanong niya habang pinagpawisan na ako sa ilalim ng kumot.

"day-off ko po ngayon Ma'am" at di ko na kinaya kaya kinuha ko na din ang kumot sa mukha ko..

"ba't pala kayo nandito Ma'am sino Nagpapasok sa inyo?" tanong ko pa..

"Your Mom, ayaw mo daw kasi magising.. Kaya pala coz you're dreaming of me" smirk pa niya..

Naramdaman kong uminit ang mukha ko sa hiya,

"what are we doing in your dream?" paglapit ng mukha niya.. Hindi naman ako makapagsalita dahil napakalapit ng mukha niya at malamang sa malamang bagong gising pa ako, baka amoy imbornal tong bunganga ko..

"let's go, i'm hungry" tiningnan ko ang orasan at mag aala una na pala...

"get up, i want to eat.. Or you want me to eat you" taas kilay pa niyang sabi.

Ano daw? Di ko gets..

--

Nagtatalak na ang nanay ko nung bumangon ako buti di narinig ni Ma'am K nasa kusina kasi kami pareho..

"nakakahiya sa kasama mo, sabi niya may usapan pala kayo.. Napaka mantika mo talaga matulog" nilingon ko lang siya sa sinabi niya.. Di ata sya nagpakilalang boss ko.

Tsaka may usapan daw kami? Usapan na siya lang nakakaalam..

"sa'n tayo pupunta Ma'am" nilingon niya ako pero di niya ako sinagot..

"how was your night last night? Madiin niyang tanong.

"masaya naman" sagot ko.. Totoo naman..

Nabigla ako sa biglang pagpreno niya.

"Ma'am ok kalang?" mahigpit ang kapit niya sa manebela..

"may biglang tumawid" di na ako umimik at siya din naman..

Nakarating kami sa Batangas, Beehive farm and kitchen to be specific.. Parang malayo layo nga ang napuntahan namin..

Gutom na gutom na ako ang layo ba naman ng biyahe namin..

Kung nature lover ka eh magugustuhan mo talaga dito.. Sariwang hangin at refreshing nakakawala ng stress..

Pagdating namin eh nakahanda na ang foods.. Napakaraming foods pang limang tao ata to..

Peculiar Love (gxg one-shot story)Where stories live. Discover now