7

83 7 4
                                    


Maaga akong pumasok para maabutan at matanong ko pa sila kuya guard sa may locker room..

Pero wala talaga, mas lalo na akong nawalan ng pag-asa kung sino ba talaga ang may gawa nito. Naiiyak na naman ako sa inis..

Di rin bumisita si Ma'am sa Hotel parang napaparanoid na ako.. Di na ako mapakali, gusto ko sana siyang tawagan o itext kaso natatakot ako baka magkasama sila ni Sir at mas lalo pang lumala kung ano man ang nangyayari ngayon.

May feeling ako kung sino ang kumuha ng pictures pero wala akong patunay.. Tsaka natatakot ako na baka nakarating na din kay Sir ito..

As usual wala na naman akong maayos na tulog haggard na ang fes ko..

"beh pinapapunta ka ni sir sa office niya" sabi ni Jemuel na halatang kinakabahan din para sa'kin.. Tumango lang ako at nagtungo sa office..

Wala kasi si Ma'am ngayon, si Sir lang ang dumating..

"magandang hapon sir" bati ko sa kanya..

"dederetsuhin na kita Ms. Melody, alam ko ang ginagawa ng asawa ko, at alam kong nasisiyahan lang siya sayo" banggit niya..

"ako yung nagpakuha ng mga litrato" dugtong niya. Parang sumisikip ang dibdib ko.. Ito na nga ang kinakatakutan ko..

"wala po kaming ginagawang masama sir" paliwanag ko..

" i know kaya habang maaga pa eh puputulin ko na bago paman kayo may magawa, at baka nakakalimutan mo may asawa siya".. Tumango ako..

"do you love her?" tanong niya.. Walang lumalabas sa bibig ko.. Pero unti-unti nang tumutulo ang luha ko.

"is that a yes?" sabi pa niya..

"i'll give you a month para makapaghanda at umalis, magpasa ka ng resignation" umiiyak na ako, di ko kasi alam na hahantong sa ganito.. Kasalanan ko din naman.

"ok sir, and i'm sorry" tumango siya at ngumiti..

"pero please, wag na wag mo siyang sasaktan.. Susundin ko ang gusto nyo at Lalayo ako".

---

Hindi ko na pinaabot ng isang buwan kinabukasan ay ngpasa na din agad ako ng resignation..

Hindi ko mapigilang mag-isip kung okay lang ba siya, kung di ba siya sinaktan ni Sir..

I need a job pero kailangan kong lumayo para sa kanya. Wala din naman kasi tong patutunguhan kahit Mahal namin ang isa't-isa..

I guess tatanggapin ko na ang offer ni Tita sa ibang bansa.. Baka sa paraang ito ay makalimot ako..

--

Tatlong linggo palang ang nagdaan eh pumayat na ako, i can't eat, i can't sleep.. Lagi nga akong tinatanong nila Mama kung ano ba ang nangyari at bakit daw yun agad ang desisyon ko..

Sinabi ko kasi sa kanila na napag-isip isip ko na tanggapin nalang ang offer ni tita na nasa california.. Pero hindi kumbinsido si Mama..alam niyang may di ako sinasabi at may pinagdadaanan ako..

Habang nag-aayos ng gamit ay pumasok si Mama sa kwarto..

"nak, magsabi ka na ng totoo" ngumiti ako sa kanya.. Pero di ko alam kung paano ko sasabihin..

"sa tamang panahon ma" tumango lang siya at niyakap ako, naiintindihan nya naman ako.

May na receive akong text

"Nasa ** hospital ako, please come room 134.. I need to see you, i missed you so much..- K"

Ibang number ang gamit niya.. Kinabahan ako ba't nasa hospital siya anong ginawa sa kanya ni Sir..

Pinuntahan ko agad ang sinabi niyang hospital at room.. Nakita ko siyang nakahiga..

Umiiyak siya pero nakangiti.. Niyakap ko siya agad..

"i missed you so Much, Melody" iyak pa niya. Napaluha na din ako dahil sobrang miss ko na din siya..

"anong nangyari?" pag-alala ko pa..

"i feel dizzy tsaka nagsusuka ako, at nanghihina" mahinang sagot niya..

"pero okay na naman ako ngayon" dugtong pa niya..

May kumatok sa pinto at pumasok ang doctor..

"

Congrats

Mrs. Aguila you're 3 weeks pregnant" nanlumo siya sa narinig niya. At kahit ako nasaktan sa narinig ko pero kasi may asawa naman siya kay normal na mabuntis siya..

Humagulgol siya ng iyak paglabas ng doctor..

"no, hindi pwede" iyak pa niya, niyakap ko siya habang umiiyak na din.

Ang sakit sakit kasi na ang taong mahal mo ay di mapapasayo at hindi kayo magiging masaya na magkasama.. Kasi kailangan talagang mag-iba ang inyong landas na tatahakin kahit na mahal nyo pa ang isa't isa..

Siguro nga minsan di sapat ang Pagmamahal lang..

"it's a blessing" sabi ko pa habang umiiyak..

Niyakap niya ako ng mahigpit..

"i wanna be with you Melody"..

"but we can't be together K, alam mo yan.." hinalikan ko siya sa noo..

"mag-iingat ka palagi, at ingatan mo ang magiging anak mo" ngiti ko sa kanya..

"Mahal na Mahal kita K, ikaw lang una't huli kong mamahalin"..

"Karen!!" sigaw ni sir..

"sir please, buntis si Ma'am.. Please wag nyo syang sasaktan.. Aalis na ako at di niya na ulit ako makikita but make sure tuparin niyo pangako niyo" umalis ako at iniwan sila pero hagulgol ni Ma'am ang narinig ko..

Tumakbo ako habang umiiyak..

Minsan siguro ang Love ay di lang sa dalawang taong magsasama habang buhay, kundi sa taong nagparaya para sa kapakanan ng taong mahal niya..


==

update soon, di pa natapos pag edit :)

Peculiar Love (gxg one-shot story)Where stories live. Discover now