Chapter 9

8.4K 298 2
                                    

K E V A N

Ang sakit ng ulo ko, parang pinupukpok ng martilyo na parang binibiyak. Ayaw ko pang gumising, inaantok parin ako at di pa naman tumutunog ang alarm ko kaya siguradong may oras pa'kong matulog.

Teka, sabado ngayon ah. Ibig sabihin, matutulog lang ako buong araw. Pero teka, bakit parang may iba? Parang hindi ito ang kama ko ah? Kinapa ko ang mga unan ko. Bakit wala? May naririnig akong nag uusap. Mahina lang ang bosses nila pero alam kong nag-uusap sila malapit sa'kin.

Dinilat ko na ang mga mata ko. Ano ba yan, nakakasilaw! Nang naka adjust na ang mga mata ko sa liwanag, inikot ko ito sa paligid at nasa isang kwarto ako na di pamilyar sakin. Nasa kama ako na napapalibutan ng mga kurtinang kulay berde, at sa tabi ko ay may oxygen tank. Nataranta ako.

Nasa hospital ba ako?

Ano bang nangyari?

Bakit ako nandito?

Naalala ko naman bigla ang nangyari sa practice. Natamaan ako sa mukha ng siko ni Loraine. Kinapa ko ang mukha ko, masakit, medyo namamaga. Kasalanan ko din naman. Di ako naka focus, kaya hindi ko nagawang mag adjust agad. Ito tuloy nakuha ko.

Pero bakit sa hospital talaga ako dinala? Ano bang nangyari? Ang alam ko lang, nahilo ako. Nawalan ako ng malay? Sino nag dala sakin dito? Anong petsa na?

Ang dami kong tanong. Bababa na sana ako ng kama ng may biglang pumasok.

"Kuya Kevan!" sigaw nito. Hinarap ko siya at nakita ko si Loraine. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya, at naka benda ang kaliwang siko nito.

"Kamusta na pakiramdam mo? Okay ka na ba?" tanong niya. Lumapit siya sakin at nakita kong pumasok naman kasunod niya si Denver, ang captain namin, at si Timmy.

"Ah eh, okay naman ako. Masakit lang ang ulo ko," sabi ko sa kanila. Umupo na lang ako sa gilid ng kama. "Ano ba ang nangyari? Bakit sa hospital niyo pa talaga ako dinala?"

"Ididerecho ka na nga sana namin sa punerarya eh," sagot ni Timmy. Agad naman siyang naka tanggap ng pagbatok mula kay Denver.

"Aray ko! Wala namang ganyanan," reklamo nito. Tumawa lang sina Loraine at Denver. "Pero Kevan, wag ka sana mabibigla sa sasabihin namin," dagdag pa ni Timmy.

Lumungkot bigla ang mukha niya. Bigla akong kinabahan. Ano ang ibig niyang sabihin? Anong nangyayari sa'kin? Ang bilis ng pintig ng puso ko. Nagtataka namang nakatingin si Denver sa kanya.

"A-anong ibig mong s-sabihin, Timmy?" nauutal kong tanong sa kanya. Grabe ang kabang nararamdaman ko.

"Kasi Kevan," nambibitin pa talaga to oh. "Ma-malapit ka na daw..."

"Ano?" naiinip kong tanong. Ano ba, sabihin na kasi agad.

Mamamatay na ba ako? May taning na ba ang buhay ko? May malubha ba akong sakit? Ang daming pumapasok sa isip ko.

"Ma-malapit ka na d-daw...lumabas dito. Hinihintay na lang ang discharge papers mo," nakangisi niyang sabi. Binatukan naman siya uli ni Denver.

"Aray! Nakakarami ka na ah!" napakamot siya ng batok. Nakahinga naman ako ng maluwag. Ito talagang si Timmy, palabiro talaga kahit kailan.

"Timmy, umayos ka!" seryosong sabi ni Denver. Humarap na siya sakin.

"Inayos na lahat ni coach. Nakausap narin namin ang doctor, okay ka naman daw. Di naman seryoso ang natamo mong head trauma. Kailangan mo lang daw magpahinga. Baka hinimatay ka lang sa nakita mong dugo."

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon