CHAPTER 3

5.9K 79 0
                                    

Tawag

"Mama kailan ba tayo uuwi? Namimiss ko na si chichay" Sinubo ko muna ang huling pagkain ko bago binalingan ang anak.

"Baka bukas anak makauwi-" naputol ang sasabihin ko nang sumabat si Kiro

"Hindi kayo uuwi" Napatingin sakin ang anak ko pansin kong may bahid ng takot ang mukha nya napapaisip tuloy ako kung anong ginawa ni Kiro habang tulog ako.

"M-ma pano si Papa Roldan sabi nya sakin bibilhin nya ako nang polboron tapos sabi niya rin sasabay siya mag laba ng mga damit natin mama" mahabang lintaya ng anak.

Sinulyapan ko si Kiro nang marinig kong suminghap ito. Madilim ang mga mata neto habang nakatingin sa mainit na kape niya.

"Sinabi niya yun?" Wala akong masabi sa anak ko kayang tinanong ko nalang.

Si Roldan kaibigan ko iyon duon sa probinsya mabait iyon sa amin mag-ina bukod sa masiyahin e' matulungin din Ito. Madalas niya rin kaming dinadalaw sa umaga bago siya lumarga para pumasada, tricycle driver kasi ang hanapbuhay neto.

Sa loob nang maraming taon na palaging pagdalaw, nagulat nalang ako isang araw Papa na ang tawag ni Kira kay Roldan hindi ko alam kong sinong nagturo dito pero dahil wala namang masama siguro dun at nakikita ko namang masaya si Kira e' hinayaan ko nalang.

Napalingon ako sa biglang dumating na lalaki, dere-deretso ang lakad neto sa tabi ni Kiro. Napansin kong pilit bumababa si Kira sa pinagkakaupuan niya kaya nilapitan ko ito. Nang makalapit ako agad naman niyang pinulupot ang braso sa tiyan ko. Takot na takot ang anak ko sa dumating na lalaki.

"Mama" hinaplos ko ang mahaba netong buhok habang inaalo.

"Shhh... Wala lang yan anak andito si Mama" alo ko dito. Sinulyapan ko ang lalaki nang mapansin kong nakatingin ito sa amin.

Agad naman itong umiwas nang tingin nang kabawi ito sa pag tataka.

"Boss tumawag si Ma'am Jane pinapasabi na may lakad daw kayo sa Cavite mamayang alas tres ng hapon" Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan nang taong isa sa sumira nang buhay ko noon.

Jane... Di ko inaakalang sa mahabang taon magkakaroon sila nang ugnayan ulit. Hindi na ako magtataka kong meron nga, simula't sapol sila naman talaga dapat e' nabuntis lang ako ni Kiro.

Tumango si Kiro sa kausap habang ang mga tingin ay nasa anak ko na takot na takot sa lalaki. Sinenyasan naman niya itong umalis na.

"Wala na anak ipagpatuloy mo na ang pagkain mo" Agad naman itong kumalas sa pag kakayakap sa saakin at hinarap muli ang pagkain.

Umupo ako sa aking pwesto habang pinagmamasdan anng anak. Kapansin pansin na hindi ito sanay sa pagkain na nakalatag sa hapag.

Nadapo ang tingin ko sa Harap nang biglang magsalita si Kiro.

"Narinig mo naman siguro kung saan ako pupunta Fatima" Tumango ako sa kanya.

"Uuwi din ako pero baka di na ako makasabay maghapunan kaya mauna na kayo" Tumango ulit ako.

"Oo naiintindihan ko" Marahan kong sambit sa kanya.

"Nasa kwarto na yung mga damit mo" Tumango ulit ako sa kanya. Tumikhim siya nang bahagya kaya natuon ang atensyon ko sa labi nya.

Mapupula at mukhang malambot pa rin.

"May pool sa likod kung gusto maligo ni Kira pwede" Sinulyapan ko si Kira na tahimik na kumakain "Maligo ka rin" Napabaling ako sa kay Kiro.

"Hindi na babantayan ko nalang itong si Kira" Tinanguan nya lang ako pagkatapos pinagpatuloy ang pagkain.

Pagkahapon narinig ko na ang tunog ng sasakyan niyang palabas na nang tarangkahan. Naka sulyap lang ako sa bintana mula dito sa kwarto nang aking anak.

Sex Lang Ang Habol Niya Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon