"Astrid,sino ba kasi yon ha!"
"Bakit ba ayaw mo magkwento?"
"Parang tanga naman 'to,iiwanan talaga kita dito!"
Napaka ingay ni Shin,nakakarindi.
Hindi makapag hintay.Nandito kami sa grocery para mamili ng mga kailangan sa condo tapos tanong siya ng tanong kung sino iyong kasama ko kahapon.Nakita nya pala na may naghatid sa akin kagabi sa ibaba.Sinabi ko na kaibigan ko lang iyon pero ayaw naman niyang maniwala,parang timang.
"Teka girl,kakalma ka ha.Sandali maghintay kang makauwi tayo,puwede?" sabi ko sa kanya sabay abot ng mga prutas na kinuha ko.
"Sus ano ba 'yan,pwede naman dito,ang arte!"
"Pag itong hawak kong mansanas pinasok ko diyan sa bibig mo,tatahimik ka panigurado" naiiritang sagot ko sa kanya habang hawak ko yung mansanas at inilalapit ko sa mukha niya.
"Nakakatakot ka naman,para kang tiger" sabi niya habang tumatawa at saka umalis sa harapan ko.
Ilang oras pa ay naka balik na kami sa condo.At dahil hindi ko mauuto si Shin,eto nanaman siya sa tabi ko para mangulit.Panay nanaman ang tanong kung sino iyong kasama ko kagabi.
"Kaibigan ko nga lang,napaka kulit"
"Bakit ayaw mo sabihin yung pangalan?I knew it Astrid!"
"Leigh.Leigh Altejos,sana masaya ka na ha?"
Hindi na siya umimik at bumaling na lang siya sa cellphone nya.
"Gutom na ako,ano gusto mo girl?" tanong ko sa kanya pero ni hindi man lang ako binalingan ng tingin.
Kita mo na ang ugali nito?sarap hambalusin ng mukha e.
"Bahala ka sa buhay mo,huwag kang kakai-
"Siya ba 'to?" sambit nya na hindi man lang ako pinatapos sa sinasabi ko.
Nakaharap sa akin ang cellphone nya at pinapakita ang litrato ni Leigh.
"Oo,siya nga.Ano nanaman iyang binabalak mo?"
"Kaibigan mo lang naman kamo siya diba?Ehem,baka naman." nagpaparinig pa si tanga tapos may pa fake na ubo pa.Magka tb ka sana,charot.
"Hay nako tigil-tigilan mo nga ako jusko,kawawa siya sayo."
"Grabe ka naman sa akin,sige na please"
"Papayag ako kapag natupad mo na yung pangako mo sa akin last month"
YOU ARE READING
Inside the wall
Teen FictionSabi nila na may mga bagay na kahit gusto mo ay kailangan mo ng bitawan. Pero para sa akin,hindi. Bakit ka bibitaw kung alam mong mahal mo pa?Bakit?Kasi pagod ka na? Then rest. Tapos laban na ulit.Wag mong sayangin yung pag-ibig na mayroon kayo dahi...