Moira pov
Sa mga nakalipas na araw ay laging nagpupunta si sean dito sa bahay para makikain at makipag asaran sakin. Nakasanayan ko naman siya dahil lagi naman yang pumupunta dito. Wala rin kase siyang kapatid kaya madalas siyang nandito sa bahay lalo kapag nandito ako.
Minsan kapag hindi ako nakakauwi ng maaga at ginagabi ako ng uwi ay kinabukasan kahit may pasok siya ng umaga ay pupunta yan dito para itanong kung nakauwi ako tska sya bago dumiretso sa school niya.
Kapag naman wala akong pasok ay lagi siyang tumatambay dito sa bahay maghapon at minsan ay dito pa yan kumakain. Hinahayaan nalang namin dahil okay lang naman samin lalo na kay mama dahil para naman siyang ulet nakapag alaga ng bata.
"Hello Tita may pagkain po ba kayo jaan." si sean na kadadating lang
"Meron jaan." sabi ni mama kaya umupo na sya dito at sinimulang kainin ang cake. Habang ako ay nagcecellphone lang
"Uy eto pala cake e, kanino galing to tita."
"Kay moira sige kainin mo lang." sabi ni mama
"Sige po, uy panget sayo daw galing tong cake.?" tanong sakin ni sean
"Hindi kay Dan galing yan." sabi ko tsaka tumigil sa pag cecellphone
"Ah kaya pala di masarap e." panlalait niya kahit malapit na niyang maubos.
"Hindi masarap e malapit mo na nga yang maubos hindi pa masarap hahaha." balik pang aasar ko sakanya.
"Eh sayang naman kaya kakainin ko nalang." "Pakisabi sa manliligaw mo ang panget ng binili niyang cake parang siya."
"Sus kunyare ka pa kumain ka na nga lang jan." kaya kumain nalang siya ulet hanggang sa maubos sya, hindi daw masarap pero naubos niya pa haha. Pagkatapos niyang kumain ay tumayo na siya at nagpaalam na uuwi na daw sya.
"Tita salamat po sa cake kahit hindi po masarap, pakisabi nalang po kay dan ang panget ng cake niya parang siya." sabi ni sean kay mama
"Hoy biek anong panget ka jan bakit nakita mo na ba si dan?"
"Hindi pa. Pero kahit alam ko naman na panget na yon e dahil panget ka rin."
"Ha tae mo umuwi ka na nga sainyo biek."
"Panget." siya
"Biek." ako
"Sige na po tita mauuna na po ako salamat ulet." sean
"Sige kayo talagang dalawa kayo lagi nalang kayong nag aasaran." mama
"Sige po tita paalam po." tapos umalis na rin sya pero bumalik ulet.
"Oh biek/sean may nakalimutan ka." sabay na sabi namin ni mama
"Wala po tita. Hoy moira panget pakilala mo ko sa manliligaw mo ah."
"Ge shoo na" pagtataboy ko sakanya
"Promise" kulet niya pa sakin
"Oo nga geh na alis na." pagpapa alis ko sakanya haha
"Tch sige na nga." tapos tumakbo na siya ng tuluyan hahahaha. Kapag ganoon yon ay medyo napipikon na talaga yon haha
continue...
BINABASA MO ANG
My 10 Year Gap Boyfriend (short story)
Short Story"If I give up on you I give up on me If we fight what's true, will we ever be Even God himself and the faith I knew Shouldn't hold me back, shouldn't keep me from you..." (Completed) •Tagalog •Romance