Kabanata 7

38 7 0
                                    

"Sino nagdikit neto? Sumagot kayo!"

Napalunok ako habang tinitigan ang iba't-ibang klaseng poster na nakadikit sa hallway ng canteen.

Naramdaman kong nag-init ang pisngi at gilid ng mata ko. Ang aga-aga ng bungad neto sa'kin.

This thing! Pinagtatanggal ko iyon at ginusot. Wala akong pakialam sa iniisip ng iba.

Poster kong kasama si Eugene d'un sa labas ng theater, poster kung saan niyakap ako ng apat pagkatapos naming manalo at poster kung saan natumba ako kasama ni Ben at maraming pang larawan kung saan kasama ko sila.

Bukod sa lirato ay may nakalagay na "caption" na "How to be a flirt? Tips. Met Georgel!"

Naiiyak na ako. Sino naman ang may gawa nito? Pinipigilan ko lang ang sarili kong maiyak. Ang sakit!

Hindi pa tapos iyong isyu kay Ben, ito na naman? Ako na naman?

"Hey! She is that girl on the poster right?"

"Yeah! And also she is that girl na nakaaway lastly nina Ben"

"At 'yung representative d'un sa Grade 10"

"Ay oo nga noh?"

"So totoo pala na marami siyang isyu"

"Gosh.. Shame to be her"

Hanggang sa tuluyan na talaga tumulo yung luha ko.

"The hell you're looking at? Is the view entertaining?" sumbat ko.

Shame to be me...

May humila sa'kin nang sobrang lakas. Dinarag niya ako paalis ng sitwasyon.

"Ano ba?! Uso hilaan? Ang sakit na nga ng utak ko pati pa naman pisikal?" sabi ko kahit natulo ang luha ko

Hindi niya ako sinagot. Pumunta kami sa garden, sa dulo ng canteen.

"Dylan, ikaw lang pala"

Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko. Tinitigan niya ako sa mapanghusgang paraan. Nadidismaya pa siya pero niyakap niya rin ako sa huli.

"Wag ka ngang umiyak di ka na bata. 'Wag kang pabebe" sabi ni Dylan

"Mas pabebe ka letche!"

"Cry baby na Grade 10."

Tumigil ako ng pag-iyak, pinipilit kung kumalas sa pagkakayakap niya sa akin ngunit mas lalo niyang hinigpitan.

"Maari ka na sigurong bumitaw noh.."

Walang sagot.

"Dylan hoy naririnig mo ba ako. Kapag may nakakita sa atin dito mas lalala ang iisipin nila" sabi ko

Bumitaw siya pero 'di siya makatingin sa akin. Nakatalikod lang siya. Pinunasan ko ang luha ko.

"Ayos ka lang ba?" sinserong tanong niya sa akin pero 'di pa rin siya nakaharap.

My Life Of DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon