August 15, 2018 earlier than the previous...
"Napansin niya raw na crush ata ni Jaime si Pau."
Kausap ko si Marco, tsaka niya nabanggit ung about sa pinsan niyang si Mark Paulo.
"Oo. Alam ko crush niya~" tugon ko naman.
Iniwan ko muna silang mag usap sila nina Neil para sabihan si Jaime.
Agad kong tinawag si Jaime nang makita ko siya, "Uyy, alam ni Marco na crush mo si Paulo" sabi ko nang makalapit sakanya.
Tsaka siya napa tili nang naihatid ko ang balita. "What?"
"Sabi ni Marco,"
"Sinabi ni Paupau yon kay Marco?" pag lilinaw niya.
Wow. Paupau?
Close ata talaga sila.
"Oo." tugon ko.
"Shet!"
Dinala ko siya sa labas, agad din naming nadatnan si Marco kung saan ko siya iniwan.
"Ayan, sabi mismo ni Marco." lantad ko.
"Na ano?" tanong ni Marco.
"About sa pinsan mo,"
"Ahh. Oo. Sabi niya, parang daw may gusto ka sakanya."
Tsaka napasigaw na naman si Jaime na parang natalo, or napaslang sa isang K-drama.
"He said that?!" di niya makapaniwalang tanong kay Marco. Si Marco na nakangiting inaabangan ang susunod na reaksyon ni Jaime.
Nang tumango si Marco, tsaka nag wawala si Jaime sa luob at di na bumalik.
Napansin ko kung paano ngumiti at paano titigan ni Marco si Jaime.
At bakit nga pala napadalas ang pag tambay niya sa harapan ng room namin?
--

BINABASA MO ANG
It's Jaime Perez
Historia CortaThis is a fictional work. All things included in this story is purely from the writer's creativity and imagination. Nothing is made that parallels with the present reality. This only serves for entertainment, and not to offend any of the extreme.