“Bakit mo ako iniwan? Akala ko ba walang iwanan?”
Isang taon. Isang taon na ang nakalipas.
At tulad ng dati, andito ako sa puntod.
“Pasensya na. wala man lang akong nadalang bulaklak sayo..”
Bakit kailangang mawala siya sa akin?
Ito ba ang kapalit ng mga ginawa ko?
Wala siyang ibang binigay sa akin kundi pagmamahal.
Pero wala akong ibang isinukli kundi pagpapaalam.
Naalala ko tuloy..
***
I am Harriet Sandoval
It’s so easy for me to turn down guys.
Sabi nila ako daw ang perfect definition ng MAGANDA.
And I know, walang doubt tungkol dyan.
Habulin ako ng mga lalaki.
Yung literal na hinahabol.
Kaya madalas akong nagtatago.
At minsan nang tumakbo ako sa hagdan, napapikit nalang ako nung nadulas ako.
Hindi ko alam pero nakita ko na lang ang sarili ko na nakayakap sa kanya.
Pero napatayo agad ako.
Ang school janitor lang naman naming.
“miss ok ka lang ba?”
“hehe, Harriet sa sobrang pagpapahabol mo sa mga guys sa school na to, sa janitor din pala ang bagsak mo.” Sabi ng isang estudyante na di ko naman kilala.
“oo. Ok lang ako. makakaalis ka na.”
No. they won’t see a Harriet saying Thank You to a janitor.
That’s not me.
***
May dumaan na naman sa puntod niya.
Naglagay sila ng mga bulaklak nagdasal saglit at umalis.
Mabait siya kaya maraming tao ang dumalaw sa isang taon ng pagkamatay niya.
Naalala ko tuloy yung ikalawang kabaitang ginawa niya sa akin.
***
“oh Harriet I love your shoes!”
At siyempre super proud ako dahil gandang ganda sila sa bagong stilettos ko.
Siyempre nirampa ko sa buong campus ito nang biglang nasira ang takong.
Gosh! Pagtatawanan ako sa buong campus nito.
Umupo ako sa bench at nag-iisip ako ng paraan.
Nakakainis naman. Bago nga madali naman masira.
“miss ok ka lang?”
Siya na naman.
At mukang kakailanganin ko na naman ang tulong niya.
Hinintay muna naming pumasok ang mga estudyante sa room saka kami pumunta sa janitor’s quarter.
May pandikit daw siya dun at aayusin niya ang sapatos ko.
Pagkatapos niya ayusin ay lumabas na kami.
BINABASA MO ANG
The One that got Away (One shot)
Teen Fictionwhat if the loss of your life took away love from you ?