13

230 7 0
                                    

Graduation

"Congratulations, sweetheart!" mommy greeted me the moment I approached them down the stage.

Sinalubong din ako nila daddy at kuya. Pareho silang may bitbit na bungkos ng bulaklak. Niyakap ko silang tatlo bago ko tinanggap iyon.

Today is our graduation day. I've been waiting for this day to come. At sa wakas, tapos na rin ako sa college. Sobrang saya ko na parang sasabog ang puso ko anumang oras.

"Congrats, Amara. I'm so proud of you," dad said then he hugged me again.

"Thank you mom and dad. I love you so much!" I answered back.

Si kuya naman ang lumapit sa akin. Akala ko pa naman ay yayakapin niya ulit ako pero ginulo niya lang pala ang buhok ko. Hindi na talaga nagbago.

"Congrats, bunso! Proud brother here!" he said.

"Thank you, kuya. Graduate na ako lahat-lahat wala ka pa ring jowa. Hay naku," pang-aasar ko sa kaniya kaya biglang bumusangot ang mukha niya.

"Hindi pa kasi handa ang taong gusto ko," biglang sambit niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"So, may pinopormahan ka na? Sino?" agad kong tanong.

Wala naman kasi akong nakikitang lagi niyang kasama. Ni wala rin siyang ikinukwento sa amin. O baka naman magaling talaga siyang magtago?

"I will tell you, kung sasabihin mo sa akin kung anong relasyon n'yo ng Jordan na 'yon?"

My brows furrowed and I immediately moved away from him. Mang-aasar na naman siya, e.

"Tama na nga 'yan, umuwi na tayo para makapag-celebrate. Halika na," saway ni mommy sa aming dalawa.

"Pero, Amara, hinihintay ko rin ang sagot mo," biglang sabi ni daddy kaya namula na naman ako.

"Wala naman kaming relasyon. Bakit ba iniisip niyo 'yan?" pagtanggi ko.

Totoo namang wala kaming relasyon ni Jordan. Madalas lang kaming magkita at magkausap pero hanggang doon lang 'yon. Kahit naman gusto ko siya, hindi niya pa rin iyon alam. Hindi pa rin naman niya sinasabi na gusto niya ako.

"Amarantha!" Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita si Lucy. She ran towards me and we hugged each other.

"Congrats to us! Worth it ang pagtulog ko sa library," biro niya at sabay kaming tumawa.

"Well, congrats talaga sa atin at natapos na rin tayo. Goodluck to the both of us," I said then I hugged her again.

Lucy has been a good friend to me. Ni hindi ko na nga ma-imagine ang college life ko kung hindi ko nakilala ang babaeng 'to.

I'm very thankful that she came to my life. I would never know what my life could have been if we didn't met each other.

"Sige na. Mukhang aalis na kayo. Ingat at goodluck. Love you!"

"Love you, too. See you when I see you," I said.

Nagtungo na kami ng pamilya ko sa kotse. Bitbit ang bulaklak na mula kay dad at kuya pati na rin ang diploma ko. Ang gaan pala sa pakiramdam kapag alam mong graduate ka na. Parang ang dami kong gustong gawin sa buhay ko. Ang dami kong gustong subukan.

Begging For Your Love [Isla Felice Series 2] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon