Third Person's POV:
Matagal nang may gusto si Xyril kay Yannie pero wala pa siya sa radar nito. Isang araw naglakas loob siyang lumapit kay Yannie habang mag-isa itong nanananghalian sa Canteen.
“Ahmmm…..Hi Yannie!” bati ni Xyril
“Hello!” sagot naman ng dalaga
‘uy pogi!’ sabi sa isip ng dalaga
“Pwede ba kong maki-share ng table sayo?” nag-aalangang tanong ng binata
“Okay lang!” nakangiting sagot ng dalaga
“ako nga pala si Alexander Gabriel Evans! Xyril for short ” pakilala ng binata
“nice to meet you Xyril! Ako nga pala si ----“
“Yannie Smith.” pangunguna ni Xyril kay Yannie
---
“Ahmm Xyril mauna na ko ha may klase pa kasi ako eh!”
“Ah ganon ba? Sige bye!-----ahh Yannie!” pagpigil ni Xyril kay Yannie nang magsimula na itong maglakad.
“oh?”
“pede ba tayong lumabas this weekend?” nahihiyang tanong ni Xyril
“sure! ” sagot ni Yannie
-
Nagsimula nang magkakilalanan ang dalawa at di nagtagal ay nagsimula na ring manligaw si Xyril ngunit hindi pumayag si Yannie dahil kaibigan lamang ang tingin niya sa lalaki, kahit sa kabilang banda ng isip niya ay gusto niya rin ang binata.
-
Dumaan ang mga buwan at tuluyan na ngang nagkakilalanan ang dalawa at tuluyan na ring nahulog ang loob ni Yannie kay Xyril. Ngunit hindi na ganon ang pagtingin ng binata para sa dalaga dahil may iba na itong napupusuan. [a/n: wag na po nating pangalanan nakakatamad eh haha tsaka konti lang naman yung part niya ditto! Thanks] Tinanggap ito ni Yannie at nagpasyang itago na lamang ito at kalimutan. Ngunit nabigo sya, habang tumatagal ay lalo lang siyang nahuhulog nang nahuhulog kay Xyril.
-
Isang araw, lumapit ang bestfriend ni Yannie sa kanya.
“Yannie, pede mo bang iabot itong liham kay Xyril alam mo namang gustong gusto ko siya diba?” tanong ng bestfriend nya
“Talaga bang kailangang ako ang mag-abot niyan? Pede naman sigurong ikaw na mismo?” alanganing sagot ni Yannie sa bestfriend nya
[a/n: kahit magbestfriend po sila di po alam ni bestfriend na may gusto si Yannie kay Xyril! Thanks.]
“ihh…nahihiya ako friend eh. Sige na pls! Ililibre kita ng lunch bukas! Promise!” Bestfriend.
At dahil sa mahilig sa libre si Yannie napapayag siyang iabot ng liham kay Xyril. Kaya hinintay ang uwian bago ibigay kay Xyril ang liham para wala masyadong tao.
“Xyril, may nagpapabigay nga pala!” sabay abot ng liham
“Thanks!” binuksan agad ni Xyril ang liham at binasa. Nagulat nalang si Yannie nang biglang tumakbo palabas si Xyril at naiwan ang liham kaya pinulot niya ito at binasa.
“Sa harapan mo nakatayo yung babaeng gusto mo. Sana masaya ka!” basa niya.
Nang maalala ni Yannie ang itsura ni Xyril nang mabasa yon, kanyang napansin na maaaring hindi totoo ang nakasulat kaya nagpasya siyang sundan si Xyril. Pero naisip niyang sana hindi nalang niya ginawa iyon dahil nadatnan niya ang lalaking mahal niya, oo mahal dahil kahit sa maikling panahon na iyon natutunan na niyang mahalin si Xyril, na kayakap ang BESTFRIEND niya at doon niya napagtanto na ang babaeng gusto ni Xyril ay ang bestfriend niya. Kaya ngumiti na lang siya at lumakad palayo, palayo sa taong mahal niya.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CHARAAAA!!!! hahahaha sana po nagustuhan niyo. pero kung hindi ok lng po hehe. first time ko po kasi eh. feel free to leave your comments po khit bad or good comments ok lng po hehehe :)
BINABASA MO ANG
Clichè (One Shot)
Teen FictionHello po! First story ko po to haha. Napagtripan lang nmin ng mga kaibigan ko na gumawa ng story haha. Sana po magustuhan niyo. I will appreciate kung mag-iiwan kayo ng comment. Thanks a lot.