September 09, 2018
Ung mas close pa sila ni mama, di na niya need mag paalam na pumasok sa bahay? Napadalas dalaw nitong si Robbie kasi di niya mapigilan ang sariling mag kwento about kay Marco at Estoya.
Like whenever he discerned something, or may nakalap na namang chismis asahan niyong di makontrol nitong si Robbie ang kanyang bibig.
Rumors started to swell about Marco and Jaime. Ang totoo niyan, hindi naman ganuon ka big-deal yung bagay na 'yun.
But since naka-close nina Robbie sina Marco, naging malapit na din siya kay Estoya. Madalas namin silang nadadaanan ni Jaime yang sina Robbie at Estoya na nag hihintay ng sasakyan papuntang simbahan.
Robbie begun visiting more often telling me about Marco's and Estoya's earlier stories unto my ears.
No need to tell his actual intention bakit niya 'to kinikwento or sinasabi ngayon sakin. He is actually defending Estoya's side. And clearly, he's taking not OUR side.
It was, for me, --I believe, delivered to me to send the message unto Jaime. And so, I am.
"Wala naman daw talagang sila. Like, nothing's official." kwento ko kay Jaime na seryosong nakikinig.
"Sabi ni Robbie, may promise daw kasi yung dalawa sa isa't isa." Paninimula ko sa buong istorya nang mahila ko si Jaime sa hallway ng girl's comfort room.
"Nag promise daw si Estoya na di siya mag ch-chat or mag e-entertain ng ibang guys, likewise sa case ni Marco, di mag ch-chat ng ibang girls."
"But, wala na sila before I entered the story." she made it clear.
Yea. She's got a point.
The whole school actually knew na, that they were officially both single at that time --"no longer together" label, something stuff like that.
I don't find it wrong if Marco will pursue Jaime here.
"Sabi pa ni Robbie, "Support naman ako kay Jaime para kay Marco e,". False! Not TRUE!" I said in emphasis.
"Makikita mo talagang hindi siya support sa'yo. He's taking Estoya's side." ani ko pa.
"Buti nakwento niya bigla?" Jaime curiously asked. Definitely she's tracing some links now.
"That sight of them, Robbie and Estoya, last time? I can clearly see into their eyes na pinag uusapan nila ako." Jaime said. She was referring the yesterday incident nang makita namin sina Robbie at Estoya sa waiting shed.
She doesn't look moved from what Robbie have said about Marco's past.
Like, for me, does it still matter?
It's clear that Estoya is out of the game now.
"Bakit di man lang sabihin yan ni Marco sa'kin?" Jaime asked, assessing her own thoughts, and analyzing the whole picture.
"Bakit di niya nalang sabihin sa'kin kung ano kami?" tanong niya pa.
Ano nga ba kayo kase~
Sabihin mo na din sa'kin~
Or maybe, naguguluhan din siya sa kung anong level na sila.
"Hindi ko pa nirereplyan si Marco hanggang ngayon." She informed.
"Bakit?" tanong ko, pero hindi muna siya agad sumagot.
Matapos ang limang segundo, saka din siya sumagot.
"I'm letting myself breathe at least."
Akala ko di niya pansin ang mga ganiyang concern. Because, di halata sakanya na makialam sa opinyon ng iba: mga opinyon ng mga kaibigan ni Estoya. Akala ko, okay na ung opinyon at suporta ng mga kaibigan ni Marco para sakanilang dalawa ni Jaime.
Now I know that she also cares for Marco's pasts.
--
BINABASA MO ANG
It's Jaime Perez
Короткий рассказThis is a fictional work. All things included in this story is purely from the writer's creativity and imagination. Nothing is made that parallels with the present reality. This only serves for entertainment, and not to offend any of the extreme.