"Oy ate! Uwi na tayo! Sige na!!!!"
"Eeeh! Mamaya na! Sandali na lang. Sige na, please?"
"sige na ate! Uwi na tayo!"
"Wait lang."
Pfft. Kulit talaga nito. Di makapag-intay. Sandali lang nga eh. tsk. Gusto ko lang naman makita si crush.
"Ano pa ba kasi gagawin natin dito sa school ate tsaka bakit tayo nagtatago dito sa likod ng poste? May tinitingnan ka ba diyan?" Sabi ng kapatid ko habang sumisilip doon sa mga naglalaro ng basketball.
"ang ingay mo! Wag ka nga maingay baka may makapansin sa atin. Nandito tayo kasi gusto kong makita si...
O.O
WHAAAAAAAA!! 3 POINTS! 3 POINTS YUN! 3 POINTS!!"
"aray! Aray! Aray ate! Anu ba ate! Mashakit!! T_T" reklamo niya habang hinihimas yung parteng kinurot ko.
"eeeeh! Ang gwapo niya!! Whaaa!!" tili ko na tanging kami lang ni Camille ang nakakarinig.
"saan diyan ate? Yung naka-3points? Hmmmm. Gwapo nga siya. Anong pangalan ate?"
Oo nga pala! Di ko pa alam pangalan ni crush. Malay ko ba. Transferee lang kami dito ng kapatid ko kaya hindi ko pa masyadong memorize ang mga tao.
"ah... eh... hehehe. Di ko pa din alam eh." *kamot ulo*
"ano ba yan ate! Crush mo di mo alam pangalan??! ang weak mo naman! Ang bagal mo!"
"che! Wag ka na nga diyan! Hali ka na! uwi na tayo!"
--------------------------
"WHaaaaa!! May crush daw si Joseph?!! Sino?"
"Oo! Sabi nung pinsan niyang si Bernard!"
"Whaa! Ang swerte nung girl!!!!!"
"sinabi mo pa!! anong year daw?"
"Year 3 nga daw eh. dagdag ni Bernard."
"talaga? So sa class natin?"
"malamang! Isang section lang ang year 3 dito teh! Shunga ka?"
"che!" tawanan naman yung ibang classmates ko.
Ano ba yan. Ang aga aga yan na agad inaatupag nila. Sino ba kasi yang Joseph na yan? Ba't parang big deal tlga kung sino ang crush niya?. Pffft. Mga babaeng ito. Ang haharot!
Natapos na ang recess. Lunch na. pero ang usap-usapan ganun pa din. Anu ba naman tong school na ito! Apat na buwan na akong nandito at sa apat na buwan na yun laging ganyan ang usapan. Pwera ang gwapo ni Joseph, ang hot ni Joseph, ang galing ni Joseph at ngayon eto nanaman. Ano ba yan! Di ba sila nagsasawa sa topic na yan? Sino ba kasi yan? Masyadong mapapel! Siguro kung isinusulat sa dyaryo mga articles about sa knya siguro madaming papel ang nasayang. Pfft.
*kring *kring
Yes dismissal na! makakawala na rin ako sa kulungang classroom na yun. grabe! Sa buong araw yun pa rin ang usap-usapan! Di talga sila napagod. Hay naku.
Asan na ba yung si Camille? Gusto ko nang umuwi. Wala naman atang laro si crush ngayon eh.
"ate!!" speaking of.
"asan ka galing?"
"uhmmm." Nag-isip "sa classroom?"
"ang tino ng sagot mo! Halika na nga!"
Naglalakad na kami ni Camille papuntang gate nang...
"ELIZA!"
May tumawag sa akin. Si ate Mandy kapitbahay namin at the same time kababata ko. close kami nyan noon, ewan ko anong nangyari ngayon. Mabait naman yan at yung kapatid niya classmate ni Camille. Marami siyang kasama. May babae, lalaki, bakla at may mga iilang mukhang bakla.