Chapter 14

1K 32 0
                                    

Ella POV

Tinawagan ko si papa at pati rin pala siya sinabihan na ni Lolo, kinakabahan na ako para bukas hindi ko alam kung bakit.

After ko maligo ay dumiretso ako sa kusina para kumain, tinatamad akong mag luto kaya nag noodles nalang ako. para nga akong walang gana kaya lang kailangan kong kumain. nagulat ako ng umupo sa harapan ko si Theo.

"Ella okay ka lang ba?" tumingin naman ako sakanya ng seryoso.

"pag sinabi ko bang hindi ako okay, matitigil ba ang kasal? diba hindi."

"bakit ka nagkakaganyan? kala ko ba okay na, ikakasal lang naman tayo sa papel diba." inis na sambit ni Theo, hindi ko napigilan ang luhang dumaloy sa mga mata ko.

"I'm sorry Theo, nahihirapan lang talaga akong tanggapin na ikakasal na ako. para kasi sakin ang kasal ay sagrado at gusto kong ikasal ako sa taong mahal ako at hindi sa napipilitan lang sakin." nagulat ako ng hawakan ni Theo ang kamay ko, para bang kinuryente ang katawan ko sa ginawa niya. napatingin ako sakanya.

"Ella wag ka na mag-alala, I know we can manage this." ika nito at saka ngumiti, biglang gumaan naman ang pakiramdam ko sa sinabi ni Theo. pinunasan ko ang mga luha ko at saka nagpasalamat sakanya.

Kinabukasan...

Ito na ang araw kung saan ikakasal na ako, kinakabahan at the same time nalulungkot, mahirap ang magkaroon ng asawa, lalo na at kilala pa si Theo as Grandson Of C.E.O

"are you ready madam?" tanong ng make up artist sakin, ngumiti lang ako at saka tumango. maaga kaming sinundo sa bahay ng mga bodyguards ni Lolo, nagkahiwalay lang kami ni Theo ng makarating na kami dito sa hotel.

sinimulan na nila akong ayusan, habang inaayusan ako ay may videographer ang kinukuhanan ako, para siguro sa pre-nup video.
after ng ilang minuto ay natapos narin sila sa pag mamake- up sakin.

nagulat ako sa pinagbago ng itsura ko, napakaganda ng pagkakagawa sakin ng mga make up artist. parang pati ako naiinlove sa sarili ko.

"Madam you look like a Goddess." pang-eechos ng make up artist sakin, ngumiti lang ako sakanya at saka nagpasalamat. hindi ko akalain na may igaganda pa pala ako.

"Madam Ito na po ang wedding gown niyo." napanganga naman ako ng makita ko ang susuotin ko, napakaganda nito, pinalalamutian ng makikintab na bagay, long sleeve style ito na bagay na bagay sa make up at hairstyle ko.

"magpalit na po kayo madam." hinawakan ko ang wedding gown ko at nagdadalawang isip na isuot, dahil sa sobrang ganda at para saakin hindi Ito nababagay sa katulad ko.

"Madam suotin niyo na po."

"Ate Ito po talaga, mukhang hindi babagay to sakin." nahihiyang sambit ko.

"madam bagay po yan sainyo at saka sikat na designer ang gumawa ng gown niyo." mas lalo akong nagulat sa sinabi ni ate.

"Talaga po ba." tumango lang Ito sakin. inumpisahan kong buksan ang zipper sa likod ng Gown at saka isinuot Ito, tinulungan narin ako ng mga kasama ko sa pag-aayos para maisuot ko ng mabuti ang Gown. sobrang bigat ng Gown kaya medyo nahirapan ako sa una. after ko sa gown ay ang white heels na may 2 inches na takong ang ipinartner ko sa Gown.

"Perfect." sigaw ng isang bakla na make up artist ko. iniharap ko ang sarili ko sa salamin at saka napabilib sa ayos ko. ang ganda, para bang natupad ko ang isang pangarap ko. yun ang makasuot ng ganito ngunit wrong timing ang pagsuot ko ng ganitong mamahaling wedding gown dahil ikakakasal ako sa taong walang pagmamahal na nararamdaman sakin.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon