Sana matapos ko'to bago mag summer. :)
Kerk POV
♪Kung hindi ngayon
Kailan ba ang tamang panahon
Para sa ating pagkakataon
Kung hindi ikaw hindi nalang iibig sa iba
Hanggang kailan ba?
Magtitiis nalang ba sa tinginan
Tayong dalawa.. ♪
"Senti ka pare..ang lungkot ng pinakikinggan mong kanta. Paano mabubuhayan ng loob si Terra kung ang lungkot lungkot mo?" Pinatay ni Razec ang music player sabay upo sa couch. Hinawi naman ni Maysel ang kurtina dahilan para pumasok ang sinag ng araw.
"Para kang naninirahan sa kadiliman..paano sasaya si terra sa lagay mo na yan? E daig mo pa ang namatayan. Hindi ka ba natutulog o sadyang binabantayan mo siya magdamag at nagbabakasakaling magising siya? Stress na stress ka kasi sa mukha mo na yan." Sabat naman ni Maysel sabay lapag sa lamesa ng dala nilang pagkain at umupo sa couch katabi ni Razec.
"Pagkaisahan niyo pa ako..akala niyo madali ang sitwasyon ko? Sa sobrang sakit ng pinagdadaanan ko parang may plantsa ang buto ko."
"Naiintindihan ka naman namin Kerk..ang samin lang, wag mong pabayaan ang sarili mo. Parang hindi na ikaw yung Kerk na kaibigan namin. Umayos ka naman dahil kapag nagising si terra..hala baka ayawan kana nun sa sobrang pangit mo na." Sabi ulit ni Maysel
"Umalis na nga lang kayo.." sabi ko.
"Payong kaibigan lang naman pare..at diba sabi mo samin sa last day of summer gigising si terra? E dapat nga maghanda kana sa....kasal niyo. 2 months nalang at summer na. "
Napatigil ako sa sinabi ni Razec. Siguro nga napapabayaan ko na ang sarili ko. Masyado kasi akong nasaktan sa nangyari samin ni Terra. Masyado kong inisip ang nangyari kaya napabayaan ko ang sarili ko at siguro nga, dapat na akong maghanda sa paggising ni terra dahil papakasalan ko na siya. Ihahanda ko na ang lahat para siya nalang ang maging kulang.
"Paniwalaan mo kami kerk..walang mangyayari kung uupo ka lang sa tabi niya, hahawakan ang kamay at iiyak. You regret everything, alam ko 'yun but please..for the sake of the two of you. Be the one to change."
Tumango lang ako sa sinabi ni Maysel.
"Ibalik mo ang dating Kerk na kaibigan namin..tayo na Razec..gagawa pa tayo ng thesis." Sabi ulit ni Maysel. Tumayo na si Razec at tinap ang balikat ko saka tuluyan na silang umalis.
Ibalik mo ang dating Kerk na kaibigan namin. Malaki ba talaga ang pinagbago ko? Hindi na nga ba ako yung kerk na kaibigan nila? Bakit ano ba ako dati? Ano ba ang pinagkaiba ng noon at ngayon?
Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo nang biglang maging tuwid ang linya ng life monitor ni Terra. Halos madapa akong lumabas ng kwarto para tumawag ng nurse.
"NURSE!!!!" nakita nila ang kondisyon ni terra kaya agad silang tumawag ng doctor.
"The defibrillator! 150 joule charge!"
"Clear!"
Nakatitig ako sa mukha niya habang pinapump ng doctor ang kanyang dibdib. Patuloy naman ang pagtulo ng luha ko na bumabagsak sa sahig. Please, wag mo akong iwan Terra. Hindi ko kakayanin. Nagmamakaawa ako sayo. Terra. Please. Naghihintay ako sa paggising mo, marami pa akong gustong gawin na kasama ka. Ayokong iwan mo ako ng walang salita, ayokong maiwan dito ng mag-isa, hindi ko kaya na iwan mo ako, mamamatay ako sa lungkot.
"200 joule charge!"
"Clear!"
Ikaw ang buhay ko Terra...please naman..pakinggan mo ang tibok ng iyong puso.. pakinggan mo ako.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nangyari. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot na mawala ang aking minamahal. Bumalik na sa normal ang heartbeat niya at sabi ng doctor naging critical ang kondisyon niya dahil nahihirapan siya sa pagrecover ng ala-ala niya sa utak.
"Hindi imposibleng hindi ka niya maalala. Basta, Kerk sa paggising niya. Ikaw ang una niyang makita..wag mo siyang bibiglain dahil unti-unti namang babalik ang kanyang ala-ala."
"Thanks, doc."
"Be patient. Wag kang mawawalan ng pag-asa, magigising siya. Trust her. As I can see kaya madali siyang makakarecover ay dahil sayo. 4 years pa sana bago pa siya magising pero dahil sa patience mong pagbabantay sa kanya, nagiging madali ang lahat sa paggaling niya." Sabi ng doctor at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Unti-unti kong inilakad ang paa ko palapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay.
"Akala ko..mawawala kana sakin. Salamat..salamat dahil hindi mo ako iniwan. Salamat at pinakinggan mo ang sinabi ko. Ibabalik ko na ang kerk na minahal mo. Sorry, sorry kung pinabayaan ko ang sarili ko...ikaw kasi hinayaan mo akong maging ganito.." Pinunasan ko ang aking luha.
"Uuwi muna ako sa bahay natin. Puro spider web na ang nakikita ko sa kisame..baka nga multo na ang kasama natin sa bahay. Hmm, okay lang kahit maraming multo sa bahay basta ikaw ang kasama ko, ako ang yayakapin mo kapag natatakot ka at kamay ko ang hahawakan mo kapag..nilalamig ka. Mahal kita Terra at habang buhay kitang mamahalin." Tumayo na ako.
"Okay lang sakin..kung sa paggising mo. Hindi ako ang 'yong hanapin. Okay lang sakin..kahit..hindi mo ako maalala."
Magiging okay ako..kahit masakit.
Hinalikan ko ang noo niya at kinuha ang jacket at tuluyan na akong lumabas ng kwarto.
P.S
Gumalaw ang kamay ni terra pagkalabas niya ng kwarto.
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomansaSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover