Kerra POV
Nakatago kami sa likod ng puno at kasama ko sa pagspy si Edward.
"Ano bang ginagawa natin dito sa hospital? At bakit tayo nagtatago?" Iritadong tanong niya.
"Psst! Tumahimik kana nga lang at sumunod sakin." Sagot ko at inirapan siya.
"OH MY G! SIYA NGA 'YUN! WAAH! ANG GWAPO NIYA! ANG GWAPO NG SOON TO BE BOYFRIEND KO!"
"Ano? Soon to be boyfriend? Ha! Hindi ka lang baliw..baliw na baliw na baliw. E mas gwapo pa ako diyan oh!"
Lumabas yung lalaki na kumuha ng first kiss ko sa hospital. Papunta siyang parking lot at ang grabeng bilis ng tibok ng puso ko. Ang gwapo niya talaga. Promise! Mahihimatay ako sa lagay ko na ito.
"Uugod-ugod na ang lalaking nagugustuhan mo. Paka pangit, mukhang matanda na. Ang dami kayang wrinkles tapos..."
Aba, aba? Makapanglait sa crush ko..akala mo pakagwapo niya. Ang tanda na daw tapos ang daming wrinkles? Ganyan ba talaga pag may lalaking bestfriend? Lalaitin ang crush mo?
"Alam mo..pare..siya ang nakakuha ng first kiss ko." Sagot ko at gulat na gulat naman siya.
"ANO? FIRST KISS? SIYA ANG NAKAKUHA? PAANO? BAKIT? SAAN? KAILAN? HA! FIRST KISS? TALAGA? WEH DI NGA? SERYOSO?" napatabon nalang ako ng kamay sa mukha. Tumingin kasi samin si crush dahil sa kaingayan ng impakto kong kaibigan. Hinawakan ko siya sa braso at dinala sa cafe, dun nalang kami nag-usap.
♪I walked through the door with you the air was cold,
But something 'bout it felt like home somehow
And I left my scarf there at your sister's house
And you still got in your drawer even now.
Oh, your sweet disposition and my wide -eyed gaze.
We're singing in the car, getting lost upstate...♪
Uminom muna ako ng paborito kong caffe latte bago makwento sa concerned kong bestfriend. Palibhasa kasi NBSB kaya kung laitin crush ko, wagas!
"Nung isang gabi, inabutan ako ng hika ko habang naglalakad tapos buti nalang may bench, napaupo ako tapos may nagtitinda ng lugaw sa di kalayuan..ahm..siguro kumakain siya ng lugaw kaya napansin niya akong hindi makahinga tapos nawalan ako ng malay..binuhat niya ako papuntang hospital tapos paggising ko..wala na siya. Tinanong ko ung nurse kung nakita niya yung lalaking..ahm? Knight and shining armor ko..ang sabi ng nurse..yun daw yung lalaking nagbabantay dun sa babaeng nasa room 305.. sinundo ako ni kuya junn sa hospital at sabi ko sa kanya, mauna na siya sa parking lot dahil susunod nalang ako. Nagpunta akong room 305 at nadatnan ko yung lalaking nakahiga sa couch tapos..*red*red*..hinalikan niya ako..well, nagpunta ako dun para magpasalamat sa kanya kaso 'yun nga..hinalikan niya ako." Paliwanag ko kay Edward
a/n: *Red*Red* means kinikilig o namumula ang pisngi.
"Kahit na..batang-bata mo pa, nakikipaghalikan ka kaagad. Eh di wow!" Sagot niya. Palunukin ko kaya ito ng alambre, makapagsalita akala mo tatay ko.
"Inggit ka lang sakin. Ako, may first kiss na at ikaw? Bleh! Wala pa!" Pang-asar ko.
"Ang tanda naman na nung crush mo..ang pangit! Argh! Kamukha ng lolo ko..kulubot ang balat sa mukha tapos ang haba ng buhok..akala mo nanggaling sa kulungan." Siya yan.
T_T
"Makapagsalita ka ah! Ang gwapo nga niya. Namumula ang labi tapos singkit ang mata tapos ang tangos pa ng ilong tapos matangkad. Oh? Wala ka ngang kalahati sa kanya..paa ka lang..a hindi..talampakan ka lang." Sagot ko sabay inom ulit ng caffe latte.
"Psh! Parang pison ang mukha.."
Konti nalang talaga iiyak na ako. Nakakapikon kasi ito. Ano bang klaseng bestfriend siya? Instead na suportahan ako sa crush ko e parang kinasusuklaman niya pa. Nakakainis! Ibuhos ko kaya sa kanya ang iniinom ko!
Tiningnan ko siya ng masama sabay tumayo at iniwan siya dun mag-isa pero maya-maya'y naramdaman kong sumusunod siya sakin.
"Galit ka?" Tanong niya.
"Ayy hindi. Masaya ako. Nakangiti ako oh, tingnan mo?" Binara ko ang tanong niya at hindi na muli siyang kinausap. Nakakaasar talaga siya. Kapag 'yan nagkagirlfriend..tatadtarin ko ng lait. Mula ulo hanggang paa, hindi ko palalampasin. Lalaitin ko ng bonggang bongga!
* * *
[SOUND OF CLOSING DOOR]
"ATE NANCY!!" pagkakita ko sa babae ni kuya ay agad kong niyakap. Nakaupo siya sa couch nang dumating ako.
"Buti dumalaw ka..namiss kita ng sobra. Dapat kasi dito kana lang din tumira. Ayokong kasama si kuya sa bahay, gusto ko ay ikaw." Natawa lang si Ate nancy sa sinabi ko.
"Sinundo lang ako ni Junn sa hospital. Duty ko pa hanggang ngayon kaso nga makulit ang kuya mo kaya nakapagpaalam ako kay chief ng wala sa oras." Sagot niya.
"Erin.." tawag niya.
"Mmm?"
"Bakit ka malungkot?"
"Si Edward..ang mean masyado. Kinuwento ko sa kanya yung crush ko tapos kung ano-ano na ang pinagsasabi. Nakakaasar." Sagot ko.
"Bestfriend mo siya..concerned lang yun sayo. Wag kang mag-alala, matatanggap niya din ang crush mo. Siguro, nabibigla lang siya at siguro, pakiramdam niya ang unfair mo."
"Bakit?"
"Uhm..baka may pinagkasunduan kayo sa isa't-isa na sabay kayong magkakacrush. Ikaw may crush na, siya wala pa kaya ganun nalang niyang laitin ang crush mo." Napaisip ako sa sinabi ni ate nancy. May pinagkasunduan ba kami? Isip. Isip. Isip. Oh no, meron nga!
Flashback
Nasa ilalim kami ng talisay, nakaupo. First year palang kami sa William University. Maraming gwapo at maraming magandang estudyanteng nag-aaral kaya bawat sulok ng university ay mga nagtitilian sa mga crush nila. And that time..
"Sabay dapat tayong magkaka crush para fair sa ating dalawa." Sabi ni Edward.
"Okay, sabay tayong magkaka crush. Walang mauuna, walang mahuhuli para patas." Sagot ko.
"Promise?" Tanong niya.
"Pinky Promise!" At nag pinky promise kami.
End of flashback
Napakagat ako ng aking labi. Buti nalang naalala ko. Haish! Oo nga pala, ang kalimutin ko naman. Promise pa naman namin yun sa isa't-isa dapat akong magsorry sa kanya tapos ako pa ang may ganang magalit. T_T
Nasa kwarto na ako. Pagkatapos naming kumain ay iniwan ko na si Kuya Junn at Ate Nancy sa sala. Si ate ang girlfriend ni kuya, nurse siya sa William hospital kung saan andun ang crush ko. Araw-araw ko pala si Ate na bibisitahin para makita ko si crush.. ^_^
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Edward.
* The number you have dial is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.*
Nakailang dial na ako pero ganun pa rin ang sagot. Malamang, galit yun sakin. Hay! Kailangan ko talagang magsorry sa kanya but it doesn't mean na itatapon ko na ang crush ko. No way!
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomanceSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover