sino ba naman ako? :(

43 0 0
                                    

Ang tao, Tanungin mo lang ng WHAT IS LOVE yan, napakadaming sasabihin. Iba't iba tayo ng pananaw dyan. Pero ako, para sakin, LOVE is the act of being STRONG.

Weird ba? Haha. Totoo naman kasi eh. Kapag nagmahal ka, expected namang masasaktan ka, di naman sa lahat ng oras, puro kilig ang umaariba. As long as di ka sumuko sa pag-ibig, well that's what makes you strong. :)

Kahit teenager palang ako, naiinlove na ako. Bawal ba umibig? Kahit crush lang? Pwede naman di ba? God gave us the right TO LOVE, and TO BE LOVED. Akala ko, ang pag-ibig, ay ang simpleng kilig lang na nararamdaman ko everytime na nakikita ko sya. Mali pala ako.

Nagkaroon ako ng isang close friend. Boy sya. Itatago natin sya sa pangalan na BETONG. Hahaha!

Si Betong, ibang iba sya sa mga lalakeng naging kaibigan ko. Magaling sya magpatawa, he can make me smile in a simple joke. Tawa pa nga lang nya nakakatawa na eh. Kahit medjo may pagka Dwarfish sya ng konte, wala ako pakealam. Besides, I didn't like him for his physical appearance.

lagi ko syang kasama sa mga gimik and performances, like dance competition (actually isang beses lang. Haha), mga moni, galaan, at kalokohan syempre.

Habang tumatagal ang pagiging close namin, mas unti unti na pala akong naiinlove sakanya. Yung tipong pagpasok ko sa umaga, sya agad ang hinahanap ko sa room. Tapos, laking tuwa ko pag nakakatabi ko sya. Di ko namamalayan na nakakahalata na pala yung iba. Sa sobrang close namin, marami ang nagsasabing " close na close na kayo ai. " sabe ko naman " oh? Di naman masyado. " tpos sbe nila " oo kaya. Lagi kayo magkatabi tapos tawa pa kayo ng tawa. "

Dun ko lang narealize na Oo, inlove na pala talaga ako. Syempre wala pang nakakaalam non. Sa takot kong masira friendship namin, mas minabuti kong ilihim. Ayokong yumabang sya pag nalaman nyang gusto ko sya. Pero aminin na natin, mahirap itago ang nararamdaman ng isang tao. At dahil dun, nasabi ko na ang totoo sa mga chismosa kong friends. Hanggang sa pinagkalat, at dinaldal, ayun. Nagsimula na ang pantitrip nila.

Actually, di pa naman nya alam yun eh. Pinapahalata kasi ng mga kaibigan ko na may gusto ako sakanya. Nung nainlove ako sakanya naging tahimik ako at medjo mahinhin. Pero sa tingin ko, nakahalata narin sya eh. Dun na nya ako nilandi landi, yung tipong nilalapitan ng bongga, tinititigan, at binobola. But of course di ako tanga, alam ko ugali ni Betong. Pinagtitripan nya lang ako. Di ako nagpapadala sa mga trip nya.

Sa totoo lang, nalulungkot ako. Alam lang nya na love ko sya, eh pagtitripan na nya ako ng ganon? Tska pansin ko, magmula nung nakahalata sya, lumandi sya sa iba pa naming classmates. May payakap yakap pa syang nalalaman skanila, may pa holding holding hands pa. Hayy, wala nalang akong kibo. Anung karapatan ko para mainis? Pag nakikita ko syang nanlalandi ng iba kong classmates, i just stay quiet at dumukdok sa mesa. Mas masakit kung nakikita ko syang ganun. Di ko lubos maisip na yung dati kong kasamang tumawa ng wagas, ngayon tinitingnan ko nalang.

Oo minsan nagkakausap parin kame, maloko parin sya, pero ako di na ako gaanong natatawa sa mga biro nya. Siguro nag iba na talaga ako. Ang tao nagbabago pag nasasaktan. Kahit kadalasan nya akong inookray, tumatahimik nalang ako at napapaisip na " sige lang. Laitin mo pa ako. Para mas ganado akong kalimutan ka."

Noon, Kahit anong iwas ko sakanya, balewala din. Di ko parin mapigilan tumawa pag nagpapatawa sya. Pero ngayon, may araw na nagdaan, na di ko talaga sya kinausap dahil sa lungkot.

Pero may time na masasabi ko na pinaka the best na araw for me. Yun yung tumabi sya sakin at naki-share ng libro. Bale apat kaming nagbabasa sa isang libro. Todo siksikan kami nun lalo na sya. Super close nya sakin nun. Magkalapit na talaga face namin. Tapos nagulat ako nung umakbay sya, kahit di sya nakahawak sa balikat ko, atleast sa likod ng balikat ko. Haha. Nakahawak sya sa sandalan ng bench namin. Bench kasi ung mga upuan namin, hindi solo. Hahaha. Tapos sa sobrang gulat ko napatakip nalang ako ng muka, sabay tawa. Sya din natatawa. Sabe pa nga nya muka daw akong timang. Hahahahaha! Pati yung dalawa kong kaibigan natatawa na nag aayieee pa eh. Tapos tinutulak ko sya pag sinasandal nya ulo nya sa balikat ko. Tapos nagulat talaga ako nung biglang sinabe sakanya ng kaibigan ko na " Ui baket ka namulula ka?! " tapos napatingin ako saknya, oo nga! Namumula yung muka nya, hinahaplos haplos pa nga nya nose line nya eh. Tapos napapangite at tawa sya. Ayun. Nung nakikipag palit ako sa katabi ko, sabe ni Betong " Wag na. Jan ka nalang. Mahihirapan ka pa tumayo sikip oh. "

Tapos after nun nagtabi uli kami, pero this time kaming dalawa nalang talaga. Seryoso usapan namin nun eh. Sabe nya " sabi nila crush mo daw ako." Nagulat ako, Sabe ko naman " wew. Naniwala ka naman?" Sabe nya " ewan. Di ko alam eh. " sabe ko " dapat marinig mo sa mismong tao yung totoo. " sabe naman nya " oo nga eh. Tska malalaman ko din naman yun pag may mga kilos syang kaduda duda eh noh? ". Grabe!! Nagulat talaga ako! Naisip ko agad na kailangan ko na pala mag ingat sa mga kinikilos ko. Tapos bigla nya ako tinanong na " pano kung magkagusto ako sayo, maniniwala ka ba? " sabe ko naman " di." Sabe nya " bakit? " sabe ko, " imposible. Ikaw narin mismo nagsabi dati na di moko magugustuhan. " sabe naman nya, " di, eh pwede namang magbago yun. Malay mo nagsisinungaling lang ako. Eh malay mo din kaya kita pinagtitripan dahil nagpapapansin ako sayo. "

Wala ako nagawa. Nanahimik nalang ako. Kesa naman magreact ako at baka mahalata nya na may feelings ako for him. Tapos bigla uli syang nagsalita, sabe nya " di mo ba ako icoconsider bilang....." Nakalimutan ko cnbe nya jan eh. Hahaha tapos ang sagot ko nun, " HINDE." Sabe nya " oh? Kahit friend lang? " sa sobrang kaba ko nun napahinde nalang din ako. Ayun tapos sbe ko " wala kang utang na loob eh. Pinaiyak mo nga ako dati nung bago mag intrams. " sabe nya " toh naman kinabahan nga ako nung umiyak ka eh. " sabe ko bgla " pambihira naman oh di man lang nagsorry! " sabe nya " eh nahihiya nga ako sayo nun tska nga natakot ako kala ko kasi tatawa ka lang eh di ko alam na mabilis kang mainis sa ganun. Dapat nga lalapitan kita nun. " sbe ko " tse wala ka lang talaga utang na loob. " pero nakangiti ako nun. Haha. Tpos sabay walk out. Hinawakan pa nga nya wrist ko nun eh kaso kinalas ko rin. Haha.

Di ko maintindihan kung bakit ang sweet nya sakin nung araw na yun. Dinala nya bag ko sa next seating arrangement namin sa susunod na subject, tapos may pa lip sync- lip sync na I Love You pa syang nalalaman. Lagi kami nagkakatitigan nung araw na yun. Pero after non, nag iba lahat. Di ko na ikukwento naiiyak kasi ako sa inis pag naaalala ko. Haha. Kaya nung araw na yun, i've decided to snob him forever. Naniniwala kasi ako na ang PAG IWAS ay ang pinaka mabisang paraan para hindi na masaktan.

Mahal ko na sya eh. Biruin mo 7 months na akong may gusto sakanya? Sa pagpasok ko palang sa umaga sya agad ang hinahanap ko sa room. Pg absent sya, nalulungkot ako, mula umaga hanggang uwian. Pero ang daming nagbago sakanya. Lagi na syang absent, tapos sumasama na sya sa mga kaklase kong tamad mag aral. Hayyy. Di ko alam kung bakit ganun. Sana nga lagi na syang absent, para unti unti na akong makalimot.

Alam ko naman na wala akong halaga sakanya. Tanggap ko yun, di naman kasi ako katulad ng ibang babae na pinagsisiksikan sarili nila sa gusto nila. Lumalapit naman sya sakin paminsan minsan, pero never akong nagstart ng conversation sakanya. Laging sya. Di ako choosy or what. Sinasanay ko na kasi sarili ko na wag na syang pansinin.

May mga bagay talaga na kahit nakakalungkot, kailangan mong gawin. Kaya kayo, kung alam nyong imposible nang mangyari ang isang bagay, then wag nyo na ipagpilitan pa. Masasaktan lang kayo. Di ko naman sinasabing mawalan kayo ng pag asa, pero malalaman nyo din naman kung malabo na.

Thank you po sa pagbasa nitong kadramahan ko. Wala kasi ako makwentuhan nito kaya dito ko na nilagay. :)


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

sino ba naman ako? :(Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon