Paubaya
"I, Ross, take thee Rachel."
I watched this for I don't know how many pero bakit ngayon lang iba yung feels?
"Hoy, Pare!" Gulat sa akin ni Mark, kaibigan ko, katulad kong floor director.
"Mark." Mahina kong bati sakanya, at tumango.
"Bakit ang lungkot? Comedy 'yang pinapanuod mo, Pare." Tanong niya, at pagpapa-alala.
I sighed.
'Yun na nga eh, it was supposed to make me laugh.
"Lalim nun ha. What happened ba, Pare?"
"Ang weird kase, Pare."
I looked at him. Parang mas na-weirduhan pa siya sa akin.
I chuckled. Kunwaring natawa.
"Bakit ba?" Tanong ulit niya.
"Eh kase, naaawa ako kay Emily dito."
He's about to say something pero di ko na pinasabat.
"If this scene will happen sa totoong buhay Pare, ang sakit nito for her. On your wedding day, Pare. Hindi pangalan mo yung babanggitin nung mahal mo? Ang tangina lang nito, Pare."
I looked at him. I can sense the gulat.
"Well, Pare, everyone was rooting for Ross and Rachel sa umpisa pa lang."
Tumawa ako ng mapait. At least alam niya yung context.
"I know that." I said. "But, Emily doesn't deserve this shit. Sa harap pa ng family and close friends niya?"
"I get it, Pare." Simula ni Mark. I faced him. "Pero Pare, Emily was there para ma-realize ni Ross na si Rachel talaga yung mahal niya."
Putangina.
Sapul.
"Sabi ko nga eh." Kunwari na lang na pagsang-ayon ko.
"Pare, tawag ka nga pala ni Direk. Nakalimutan ko tuloy. Ang gulo mo kase eh. Tama na Friends marathon."
Sabi niya at nagpa-alam na.
Kahit busy sa segment ko sa show, I can't help but think of you.
Actually, iniisip ko kayong dalawa.
Alam ko naman na masaya ka sakanya.
I am just afraid na baka hindi ka niya inaalagaan. Na baka napapabayaan ka na niya.
"Mark." Sigaw ko after our director yelled na good take na.
"Bakit?"
I smiled.
Time na rin siguro na magsabi ako sa isang kaibigan. Maybe this is the start. Para kahit mabagal, kahit paunti-unti maka-move on na.
"Puta ang tagal ah." Mainipin.
"Break na kame."
Confusion is written all over his face.
"Ha? Sinong jowa mo?"
"Ex."
"O. Edi sinong ex mo?"
"Si Julie!"
"Naging kayo ba?"
Di ko alam where it was from, pero parang bigla akong nakaramdam ng sakit.
I nodded. "One year mahigit. Pero, ayun nga. Break na."
"Pucha. Kaya pala humuhugot ka sa Friends. Si Emily ka, Pare?" Tawa niya.
Hayup na 'to.
"Tara! Lunch tayo. Libre ko."
YOU ARE READING
Paubaya
FanficKasalanan ni Liezel at ni Elaine. Kinanta kase nila sa Kumu. Moira, inaano ka ba?