Tss. Ang liit mo!

161 2 7
                                    

Kenneth's POV

Hi. Im Kenneth Saavedra. Ang gwap-- Wait.. Pinakagwapo sa school namin. 4th year high school. Nag-aaral sa Gabay University. Thats true. Sabi nila yan. Girls chase after me. Wala eh, gwapo. But anyways,iisa lng ang gusto ng puso ko. Si Thea--

"Hoy! Kenneth! Tara,break na. Gutom nako" tss. Si Cj yan, isa sa mga barkada ko.

"Tara tara". Sagot ko

------

*Canteen

"Isang barkada size pizza po. Overload. Tsaka apat na Coke. Magkano po?" Tanong ni Jaypee. Siya yung umorder, isa rin sa barkada ko yan.

"250 pesos Sir"

"Eto, 500." Binigay na ni jaypee ang bayad tsaka kinuha ang sukli. Tsaka bumalik sa table namin. "Ihahatid nlng daw yung order natin". Sabi nya. Tumango naman kami,maliban kay Jerome.

"Matagal pa ba? Putcha! Gutom nako. Hindi ako kumain ng breakfast eh. Tsk!" Angal ni Jerome. Patay gutom din kasi yan kung minsan.

Maya maya, dumating na ang order namin at kumain na kami. Pagkatapos naming mag lunch, balik ulit sa classroom namin.

Uwian na nang makasalubong namin si Theaya. "Theaya, ang liit mo! Hahaha!" Sabi ko sa kanya.

Theaya's POV

Hi I'm Theaya Buenavista. 2nd year high school. Pretty, smart,magaling sumayaw at crush ng campus. Hehehe . I was walking on the hallway with my bff nang may nagsabing "Theaya, ang liit mo!" Tss. Seriously? Alam ko na sino yon, si Kenneth na naman. Kahit na gwapo siya't crush--- Wait.. what? Damn! Wala yon, erase erase, kalimutan nyo nalang!

"Theaya? Okay ka lang?" Tanong ni bff Justy.

"Yeah yeah. Okay lng ako, tara na. Uwi na tayo"

Pag-uwi ko ng bahay, as usual , gawa ng assignments tsaka natulog na. Bukas, birthday ko na. Sana naman batiin ako ni Kenneth kasi a-- Ewan! Makatulog na nga.

-----

Kenneth's POV

Nandito kami ngayon sa M.R Bar. Pagmamay-ari nila Cj. Wala eh, mayaman yon tsaka gwapo rin. Haha. Wala nagkayayaan lng na mag-inuman. Birthday nga pala bukas ni Theaya. Anong gagawin ko?

"Brad, birthday bukas ni Theaya, anong gagawin mo? Well, alam naman naming lahat na crush mo --- mahal pala. So,magtatapat ka na ba? Tanong ni Jerome. Tss. Seryoso siya ngayon ha. Palibhasa may lovelife na eh.

"Oo nga Brad, magpakalalaki kana oy! Magtapat kana. Maunahan ka pa diyan eh. Bahala ka" payo din ni Jaypee, palibhasa pumapag-ibig din eto. Tss. Iba talaga kapag nagmamahal na.

"Tama na nga yan, so gay. Fvck!" Sabi ni Cj na ikinatawa naming lahat.

"Palibhasa wala kang lovelife Cj. Hahaha" kutya ko. Hahaha. Wala eh. Crush niya hindi siya crush. Saklap no?

Basta, bukas nang hapon, magtatapat na ako kay Theaya. Damn! Kinakabahan ako.

-----

*Kinabukasan

Kenneth's POV

Nag-absent kaming apat para mapagplanuhan ang gagawing birthday surprise kay Theaya. Excited na kinakabahan ako eh.

Theaya's POV

Goodmorning! Yehay! 15 na ako! Happy Birthday to me ! Unang kong chineck ang phone ko, ang daming messages puro happy birthday theaya . Tapos, facebook acoount ko naman. Ganoon parin, pero bakit hindi man lang siya nag greet? Tss. Baka mamaya sa school? Yiiieee. Tss. Napaghahalataan tuloy na crush ko ang ugok nayon! Cge na nga! Crush ko sya. Crush ko si Kenneth Saavedra. Okay bye. Maghahanda pako nang makapunta ako ng school ng maaga. Byeee. KFly!

Nasa room na ako. Pero wala pa siya. Pati mga barkada niya wala rin. Nakakalungkot naman eh! Hintayin ko nalang. 3rd subject. 4th subject. Lunch. 5th,6th,7th at 8th subject, wala parin siya. Asan ba siya? Okay lng ba siya? Saan na kaya yon? Naman! Nag-aalala ako.

Uwian na ngayon kaya nawawalan na ako ng pag-asa.

"Bff!! Halika bilis! Sa gym! Bilis! " hysterical na tili sa akin ng bestfriend ko. Sabay hila sa akin patungong gym.

Takbo.....

Takbo.....

Nagulat ako sa nakikita ko ngayon sa gym. Puno ng ballons, red petals, naka hung na pictures ko tsaka tarpauline na may "Happy Birthday Theaya,My Queen"

Sobrang saya ko sa nakikita ko ngayon. Sino kaya may gawa nito? Naputol ang aking pag-iisip ng lumabas ang lalaking gustong gusto ko. Si Kenneth, dala ang isang cake at boquet ng pink roses. Seryoso? Best birthday ever ko ito.

"Uhm. Hi Theaya, Happy Birthday! Ah may gusto akong sabihin" sabi niya

Eto na ba yon? Magtatapat na ba siya na maha--- "Ang liit mo!" Pagkasabi niya non, napuno ng halakhak ang buong gym.

Imbis kiligin, nanggagalait ako sa galit ngayon. "Nakakainis ko Kenneth, akala ko ---" pinutol niya ang sanay sasabihin ko. "Ang liit mo naman para magkasya ka dito sa isipan at puso ko." Nahihiyang pag-amin niya.

Wait? Am I dreaming? Napuno ng hiyawan ang mga taong nanonood sa kanyang pag-amin. "Gusto na kita noon paman din Theaya. Kaya kita tinutukso dahil hindi ko masabi sayo. Wala eh, natotorpe ako pagdating sa'yo. Isipin mo ang gwapong tu---"
"Ang kapal mo Kenneth" putol ko sa sinasabi niya.

"Teka nga,patapusin mo muna ako. Mahal kita. Mahal na mahal. I cant even imagine me without seeing you. Can you be - be -- my --- Tang*na. Di ko masabi eh. Can you be my girl? "

Okay, akoy kilig na kilig na. Sagad sa bones!

"Ang liit mo rin" sabi ko. Haha. Tingnan natin

"Huh? Bakit? Anon---"
"Ang liit mo para magkasya ka rin sa puso't isipan ko. Tsaka Oo. I can be your girl coz Iloveyoutoo Kenneth. "

Walang ano ano'y niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. "Thank you Baby. Iloveyou. Really. "
"Iloveyoutoo "

And we sealed our promise of love with a kiss.

---

Yehay! Tapos na.

Vote. Comment. Suggest. Be a fan

Tss. Ang liit mo! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon