Epilogue

6 0 0
                                    

Epilogue

"Mukhang problemado tayo, Ma'am Yunique. "

Napaangat ang tingin ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag mo na akong tawaging Ma'am? " Ngiti kong tanong kay Dale. Isa siya sa katrabaho ko rito sa department.

"Hmm, mas angat ang estado mo sa buhay eh kaya dapat kitang tawaging Ma'am. "

Napailing ako.

"Kahit gaano pa kataas ang estado ko sa buhay, hindi pa rin 'yun sapat na rason para tawagin mo akong Ma'am. Kahit mayaman ako, pantay-pantay pa rin tayo, " tugon ko.

Ngumiti siya.

"Kaya gusto kita eh... " Hindi ko alam kung sadyang mali lang ba ang pakakarinig ko o talagang sinabi niya 'yun.

"May sinasabi ka ba? " Paninigurado ko.

"Wala, back to work na! Good luck! " He just gived me a winked at walked back towards his place.

Sa mga nakakatrabaho ko, siya ang laging nalapit at kumakausap sa akin, kapag sa lalaki lang. Hindi kami gano'n kalapit pero magaan naman ang loob ko sa kaniya. He's kind and joker, parehos sila ni Zed.

Napatulala ako nang maalala siya.

He said he's going back, for me. Kailan naman kaya 'yun?

Napaisip ako.

Siguro, may pamilya na siya ngayon. Five years after na rin eh. Kung wala man, edi okay lang. I wish he will be having a lovable and happy family.

Now, punta tayo kay Nyx. I wasn't able to talk to hin last time dahil tinalikuran niya ako. Hindi ko alam kung bakit naging gano'n siya, I just want to talk to him, that's all.

Desperada na akong mabalik ang mga alaala ko. Natatakot akong baka makalimutan ko ang ilan kapag nagtagal ito.

Napahinga ako ng malalim.

Should I need some help from my Kuya?

Pero, ayon lang naman, kaya ko naman siguro.

Pero... Ah basta!

Walang pasubaling tumayo ako sa aking swivel chair atsaka tumungo ng elevator para marating ang office ni Kuya. Lagpas lang naman ito ng limang palapag sa floor ng department namin.

Nang makarating ako, inayos ko ang aking buhok atsaka inihanda ang kamay sa pagkatok.

Nakailang katok ako.

Ngunit, walang sumasagot.

Sinubukan kong inilapit ang tainga ko sa may pinto.

"She came into our shop last week. " I heard someone said.

Napakunot ang noo ko.

May kausap si Kuya Zayne? Sino naman?

"That's a bad news. You know, Nyx. I love my sister and I want her to be fine and good now. Nakikita kong nagiging maayos na siya. As soon as possible, push her away. "

Magmula nang araw na iyon, lagi na akong nakatulala at naglalayag ang isipan. Iniisip ko kung sino ba ang tinutukoy ni Kuya Zayne. Pero, walang duda na ako iyon at isa pa, binanggit niya ang pangalan ni Nyx.

Now, I became more curious. Pansin kong maayos naman na ako ngayon at bumalik na sa dati ang sigla ko. Hindi naman siguro ikakasama ko kung gagawin ko na ang mga gusto kong gawin par maibalik ang mga alaala ko.

Sa totoo lang kasi, napakadami kong tanong na naiipon sa utak ko. Karamihan doon ay naitanong ko na sa kanila ngunit hindi naman nila ako binigyan ng kasagutan.

The Dreamer's Dream(Z Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon