Kabanata 8
Nagpalit na ako ng damit. Habang sinusuot 'yong binigay ni Wayne, hindi ko mapigilan pamulahan ng pisngi. Paano naman kasi, pasok na pasok sa size ko lahat ng damit. Isama pa yong underwear! I don't know bakit may kasama pang underwear!
Medyo nakabawi naman na ako sa nangyari, naligo rin ako kaya gumaan ang pakiramdam ko. Ngayon lang pumasok sa isip ko 'yong nangyari kanina. Lalo na yong pag buhat saakin ni Wayne! I'm sure maraming nakakita na buhat buhat ako ng kanilang boss!
Pero bakit ba iniisip ko pa yan? As if kailangan pa i-big deal iyon Athena! Baka nga sanay na yong mga tao nya rito na laging may binubuhat ang boss nila.
Pinalipas ko muna ng kalahating oras bago nag pasya na lumabas. Papasok ako sa trabaho ko. Hindi excuse ang nangyari kanina para um-absent ako. This is for my grades, kapag wala 'to hindi ako makaka-graduate.
Bumungad saakin ang walang katao taong opisina. Napahinto ako. Ibig sabihin, extension room ito ni Wayne? Hindi ko na kailangan itanong pa kung kaninong office ito. Isang malaking painting ng lalakeng naka america, bagamat seryoso ang mata nitong nakaharap sa nag pipinta ay masasabing maloko. At isa lang naman ang kilala kong maloko!
Talagang dapat may pa portrait na painting yong lalakeng iyon hah? I shook my head. Well it's his office. Ibalandra nya yong gwapo nyang mukha.
Malawak ang kanyang office. Manly ng design at tamang tama lang 'yong mga gamit na nakaayos. Lumapit ako sa table nya. May Macbook na hinayaan na lang nakabukas, ballpen na nakalapag sa ibabaw ng mga papeles. Mukhang biglaang napalabas ang may ari kaya hindi na naayos.
Nilibot ko pa ang paningin ko, hanggang sa mahinto sa napakalaking wall clock. My eyes widened when I saw the time! I'm almost 1 hour late!
Dali dali ako lumabas. May babaeng maganda na nag taas ng tingin saakin, ngumiti at lumapit.
"I'm Regina, Mr. Monterial's secretary." pakilala ng magandang babae. "Pinapasabi po ni Mr. Monterial na hintayin nyo po sya sa lobby sa baba."
"Bakit daw? Kailangan ko pa pumasok. Pwedeng pakisabi na lang sakanya?."
Umiling yong secretary ni Wayne "Hindi po pwede Ma'am. Hintayin nyo raw dapat sya sa lobby."
Nag tataka man ay tumango na lamang ako. Remember Athena, sya ang nag ligtas sayo kanina kaya sundin mo na lang! Bumaba na ako at naupo sa lobby. Oras ng trabaho ngayon kaya kakaunti lang ang mga dumadaan sa harapan ko.
Ngunit kahit kaunti lang sila ay pansin kong napapatingin sila saakin. Inaalala na ako 'yong babaeng binuhat ng boss nila. Tumikhim na lamang ako atsaka kinuha ang magazine na nakakalat sa ibabaw ng lamesa.
Kung normal ba araw lang ito ay baka kanina pa ako nag hahalo ng semento. Kaso hindi eh, marami ang nangyari. Lahat ng mga iyon ay nakakapagod. Parang gusto ko na lamang muna mag pahinga sa apartment ng ilang araw.
I sighed then just forced myself to read the magazine even there's no interesting on it. Ilang flip pa ng page bago ko binaba ang magazine.
Ano pa ba kasi ang kailangan ni Wayne? Nakalimutan nya atang may pasok ako ngayon.
Isang oras na ang nakakalipas. Alam ko dahil naka-harap saakin 'yong malaki nilang wall clock. Wala pa rin yong nag pahintay saakin. Pumikit muna ako bago tumayo. Kanina pa ako naasiwa, panay sila ay napapatingin sakin. Ganon ba ka-big deal 'yong pag buhat saakin ng boss nilang pa-VIP?
Nag lakad ako paakyat sa secretary ni Wayne. Mas ok na umuwi na lamang ako. Tama namang hindi muna ako pumasok ngayon dahil sa nangyari.
BINABASA MO ANG
Seducer Series 4: Wayne Monterial (ON HOLD)
General FictionGo find it but let me tell you this , if you were in my position. you still believe in love if that fucking love hurt you? -