"Mag iingat ka, Ate Elle. Madaming babaero ngayon. Baka mabiktima ka na naman."
Pinuntahan ako ng pinsan kong si Jazelle nang malaman niyang nag uusap kami ni Billy. Tabing bahay lang naman namin siya kaya madalas ko naman siyang makasama.
"Nakita ko pa lang 'yung Kuya ni Billy nung isang araw, bumili siya sa amin. Malay ko bang kausap mo na pala siya, but to be honest bagay kayo." Ang daldal ni Jazelle buti na lang hindi siya naririnig ni Mama. I told her to lower her voice para safe kaming nagchichismisan.
"Ang saya niyang kausap. Ngayon ko lang naranasan na gusto na namin kaagad 'yung isa't-isa. You know Kitty, right? Siya 'yung dahilan kung bakit ko nakakausap si Billy ngayon." Kinikilig pa ako habang nagkukwento ako kay Jazelle.
Ah, I forgot to tell Martha about this. Kinuha ko kaagad ang phone ko para sabihin sa kanya 'yung kay Billy.
To: Martha
Hey, I have something to tell you.From: Martha
Ano?Kinakabahan ako pero hindi ko naman pwedeng itago sa kanya 'to dahil baka lalo lang siyang magalit.
To: Martha
Hmm, I have crush and taga rito lang rin siya. Don't worry, crush lang naman..From: Martha
Wow, crush lang? Hahaha, just kidding.Sinabi ko lahat sa kanya kung paano kami nakapag usap ni Billy and I told her what's the attitude of Billy. In the end, sinuportahan pa rin naman niya ako. Gusto lang niya na mag ingat ako and this time, I'll protect my heart muna daw.
Kumakain pa si Jazelle kaya nagphone na muna ako. Kachat ko si Billy simula kanina pero nagpaalam akong matutulog muna ako kahit heto ako ngayon nakikipag chismisan. Everytime na kausap ko siya, I can't stop smiling, para akong baliw!
To: Billy
Hindi talaga ako makatulog :(From: Billy
Come here, tabi tayo. Papatulugin kita.Wtf!? Ewan ko kung anong pumasok sa utak niya para sabihin 'yon. Lahat ng sinasabi niya kinikilig ako. Lakas ng tama, Elle! Hindi ko alam kung anong irereply ko sa sinabi niya, bahala na.
To: Billy
Baliw!! HAHAHAFrom: Billy
Pwede naman po e :(In the end, ako pa rin ang nasunod. Hindi pa rin ako natulog, nagchikahan lang kami ni Jazelle. Nagcharge muna ako para mamaya makakausap ko ulit si Billy.
"Uuwi na ako Ate. Basta mag iingat ka, okay? Barkada ni Kuya Kelly 'yan baka malaman ni Mama mo na kausap mo si Billy." Nag paalam na sa akin si Jazelle dahil madilim na, kailangan na niyang umuwi.
Jazelle was right, my cousin and Billy were friends. Isa 'yon sa mga iniisip ko simula nung nakausap ko si Billy. Ayokong malaman ni Mama ito. Besides, I'm not sure with him. I don't have a plan to introduce him to my Mom and Dad. Kapag siguro nakita ko na 'yung ugali niya and if he really love me, why not 'di ba?
Wait, why I'm thinking about this? Do I love him? Hindi naman ah. Maybe, may plano akong mahalin siya. Kung hindi siya mag babago, baka matutunan ko siyang mahalin. Bahala na..
"Elle, let's eat." Tinawag na ako ni Mama para kumain. I have an energy to talk with them now. Kahit wala akong tulog napaka daldal ko pa rin sa kanila. Hindi naman ako ganito dati.
Mabilis akong natapos at pumasok na ako sa kwarto para kunin ang phone ko na chinarge ko kanina.
From: Billy
Kain ka na po.
BINABASA MO ANG
Maybe in a Parallel Universe
Teen FictionIn life, there's a person who will come and will let you feel the best. Like what happened to Adrielle, she felt the love and happiness that she's dreaming for her whole life because she met Billy. Happiness has a boundary. You can never be always h...