Kabanata 45.1
Unedited. You may encounter typos and grammatical errors. Hoping for your kind consideration.
read at your own risk.
_____________________________________________________________Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung kaya ba ni Wrum ito sapagkat wala pang tauhan si Wrum dito. Patay ang lahat ng tauhan niya dito at hindi ko alam kung kailan pa dumating ang iba pang mga tauhan ni Wrum.
Patuloy pa rin kaming pinapalibutan sa mga tauhan ni Don Guillermo. Kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari sa susunod. Hindi ko alam kung papatayin na ba kami ni Don Guillermo kagaya nang ginawa niya sa mga tauhan ni Wrum.
"Ano na ang gagawin natin Wrum?" nanginginig ang aking tuhod at bumibilis ang tibok ng aking puso na tila ba sumasali sa isang karera.
"Relax." tipid na sagot ni Wrum sa akin. "Walang mangyayaring masama sa iyo sa ngayon at mas lalong walang mangyayaring masama sa pamilya mo."
"Silic," narinig kong sambit ni Don Guillermo. Kaya agad ko itong ibinaling ang tingin sa kanya. "Ikaw ang dahilan kung bakit ako naparito sa ngayon." aniya.
Ano na naman ang kailangan niya sa akin? My God. Wala naman siguro siyang masamang balak sa akin dito.
"Narinig kong pumunta kayo ni Wrum sa Mt. Binabag. To relax your mind." ani Don Guillermo. "At siguro naman akong nakapag-relax na kayo doon sa anak ko."
"The hell! That is not your business!" sigaw ni Wrum kay Don Guillermo. "Hindi mo dapat pinapakialaman pa ang ginagawa namin. I want to repeat it again and again and again. She is mine!"
Napatawa si Don Guillermo sa sinabi ni Wrum kahit na wala naman talagang nakakatawa sa sinabi ni Wrum. Puwera nalang kung ginagawan na niya ng ibang kahulugan ang sinasabi ni Wrum sa kanya.
"I know. Alam kong pinaubaya ko sayo si Silic sa ngayon pero gusto ko siyang tatanungin si Silic sa ngayon." aniya at napaharap muli sa akin.
"What is it Don Guillermo?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Well, alam kong hindi ka talaga magtitiwala sa akin una palang. Alam kong ibibigay mo talaga ang tiwala kay Wrum. I prank you and told you na nasa kamay ni Wrum ang pamilya mo, but still, you end up trusting Wrum." aniya sa akin. "Now I'm going to get your answer. Would willing to be mine in exchanged of the life of your parents?"
Napalunok ako at hindi ko alam ang isasagot ko. We are now talking about life. Siguro ay masosolved na agad ang problema namin kung sasama ako ni Don Guillermo at sa pagkakataong 'yon, hindi na madadamay pa ang aking pamilya. Pero tatakot lang din ako na baka ito ay trap niya lang.
Damn it.
"No. She is not going with you what ever happens." ani Wrum. "She is going to be mine forever."
"I'm not asking you." Don Guillermo
"But she is not going with you." Wrum
"But I am going to take her without your permission. I am going to take her even if she do not want it." aniya. "I am Guillermo. I am your father and I am more powerful than you."
Nagulat ako sa sunod na nangyari. Nakita ko na lang na mabilis na kinuha ni Don Guillermo ang kanyang baril saka agad niyang pinaputukan si Wrum sa hita nito. Gumanti rin si Wrum sa kanyang ama ngunit agad din itong nakailag.
"Wrum!" sigaw ko sa kanya at agad ko siyang hinawakan pata hindi ito ma out-of-balance. Nalaglag na rin ang baril nito sa sahig. Kukunin ko na sana ito ngunit napagtanto kong wala kaming kalaban-laban. Marami sila ngunit dalawa lang kami ni Wrum. Paano naman sila malulupig?
"I am not going to kill you son." ani Don Guillermo. "I just want you to play the bloody game of billionaires." napatawa si Don Guillermo.
"What ever happens, hindi ka sasama sa kanya." ani Wrum at umiinda sa tama ng baril sa kanyang hita. "Kahit na mamatay pa ako sa ngayon, hindi ka sasama. Ipaglalaban kita hangga't kaya ko."
Napaluhod si Wrum at ganon din ako sa kanyang tabi para alalayan siya.
"Tama na Don Guillermo! Dinadamay mo na ang sarili mong anak dito!" naiiyak ko ng sambit sa kanya. "Sa pamilya ka naman namin may galit hindi sa anak mo."
Napangiti si Don Guillermo sa akin. Dahan-dahan itong napalapit sa amin kinaroonan ni Wrum habang nakita kong unti-unting inabot ni Wrum sa kanyang kamay ang baril na nalaglag sa sahig. Ngunit agad lang itong tinapakan ni Don Guillermo.
"I want you Silic in exchange to the life of your family." aniya. "No. Nagbago na isip ko. I want you to be mine while your parents are facing my great revenge!" tumawa si Don Guillermo.
"I'm going to kill you!" sigaw ni Wrum sa kanya. "This is not the end yet. This is just the start of the war!"
Umiyak nalang ako habang si Don Guillermo at Wrum ay tuluyan pa ring nagsasagutan. Ilang sandali pa ay nakita kong humakbang pa si Don Guillermo at agad niyang tinapakan ang hita ni Wrum na tinamaan ng bala.
"What the fvck! Ahhh! The hell!" sigaw ni Wrum habang sinubukan kong pigilan si Don Guillermo na gawin iyon sa kanya. Hindi ko ma-imagine ang nararamdaman ni Wrum sa ngayon.
"Tama na Don Guillermo! Huwag mong gagawin 'yan kay Wrum! Maawa ka!" naiiyak kong pagpigil ni Don Guillermo sa kanya.
Imbes na pigilan ito ni Don Guillermo, ipinagpatuloy niya lang ang kanyang ginawa.
"AHH!"
"Don Guillermo!" sigaw ko at ilang sandali pa ay nararamdaman ko ang kamay ni Don Guillermo sa aking buhok. Mahigpit niya itong hinawakan hudyat para mapatingin lang ako sa taas.
"You are now mine." nakangiti niyang sabi sa akin habang may nararamdaman akong kamay na humawak sa aking magkabilang braso. Ang mga tauhan ni Don Guillermo ang nakahawak sa akin.
Pinatayo nila ako at bahagyang inilayo kay Wrum. Kahit anong gagawing pagpumiglas ko, hindi ko magawa sapagkat malakas sila.
Kahit na nakahandusay na si Wrum sa sahig, duguan ang kanyang hita at tadtad ng suntok ang kanyang katawan mula kay Don Guillermo ay nakita kong unti-unti pa rin itong gumagawa ng paraan para lumaban.
"Lumabas na kayo!" utos ni Don Guillermo sa kanyang mga tauhan at tanging nananatili nalang ay ang apat na tauhan ni Don Guillermo at kaming tatlo nalang.
I'm helpless. Wala akong magagawa kung hindi ang umiyak nalang. Nasaan ba kasi itong mga tauhan ni Wrum. Nasaan na ba sila Wim at Xander? Fvck!
"I'm going to take Silic Wrum. She is no longer yours. She is mine now and forever." ani Don Guillermo sa kanya.
"She can never be yours. Silic loves me and no one can ever replace me." Wrum said habang umiinda pa rin ito sa matinding sakit. "This is not yet the time for me to shine, but when my time comes, I will give no mercy to you and your people."
Iyon ang huling salitang narinig ko kay Wrum bago pa man nila ako tuluyang pinalabas sa mansion. Todo iyak, at nagmamakaawa ako sa kanila ngunit hindi na sila nakinig pa sa akin. Patuloy lang nila akong kinaladkad hanggang sa tuluyan nila akong ipinasok sa van na nararating lang.
_______________________________________________________________
TheDarkProphecy
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...