Chapter 1

15 0 1
                                    


"James" tawag ko sa lalaking nakatalikod sa akin, sa lalaking alam kong mahal ko pa at mamahalin
ko pa rin.

Napaharap sa sa akin at mahahalata mo'ng nagulat siya ng makita niya ako. Galak ata siyang makita ako muli.
Napangiti ako sa ideyang ito ngunit nabawi ng makita ko ang galit ng mukha.

"Ba't ka andito?"  Saad niya na halatang hindi natutuwa sa nangyayari. " Hindi ba sinabihan na kitang ayokong makita ang pagmumukha mo't alam mo namang hinding-hindi kita mapapatawad!"

May kung anong bumara sa lalamunan ko. Hanggang ngayon parin pala'y hindi niya pa din ako napapatawad sa ginawa ko, di ko din naman siya masisisi.

Unti-unti siyang lumapit sa akin. Nakaramdam ako ng kaba gawa ng galit ang titig niya sa akin.

"Tingin mo ba mapapatawad kita gayo'ng inutukan mo ako? Napaka-tigas mo naman!" Galit niya saad.

At naramdaman ko na ang kamay niya sa aking leeg, pahigpit ito ng pahigpit. Na-nahihirapan akong huminga. Animo'y wala siyang paki kahit mapatay niya pa ako sa sakal niya.

Someone's POV:
Napaiyak na lang ako ng napaiyak. Ang sama-sama talaga ni James di na siya naawa kung pwede ko lang siyang hugutin sa libro at salaksalan ng mop sa bibig gagawin ko eh.

Sakit naman pero mas masakit ang ulo ko dahil ilang araw ko na itong pinagpupuyatan.

Naadik na ako sa wakpak app na ito.
Minsan nga di na din ako nakakaligo eh pero oks lang naman at least matapos ko yung story kahit mag amoy tulok na ako HAHAHAHA.

Ako lang naman makakalasap wala naman sigurong papasok sa kwarto ko para lang makisinghot ng amoy ko.

Pero bukas syempre maliligo ako. Birthday ko eh. Batiin niyo ako MWHAHAHAHA.

Ang di bumati kukurutin ko sa bronchi, joks.

Bumaba muna ako kasi alam mo na gutom-gits kanina pa ako basa ng basa ng wakpak ehh. Lagi naman

Pinapagalitan na nga ako ni mama dahil wala akong ambag sa bahay kundi panay tulog lamon lang.

Tas sabi niya kung may balak daw akong patayin ang sarili ko kakapuyak, siya na lang daw ang gagawa dahil ayaw niya daw akong mahirapan. Sweet di'ba?

Pagkababa ko papuntang kusina, walang tao. Umalis? Siguro namili na yung mga yun para sa birthday ko bukas. Asyumera ko no'h? Malay naman kung nakipag-tsismisan lang sa kapit-bahay si mama o'di kaya pumuntan ng trabaho si papa o kaya naman pumunta sa girlfriend, I mean girlfriends si kuya. Di 'ba? Pero feel ko talaga namili yun ng handa ehh.

Nang nasa kusina na ako tumingin ako kung anong pwede kong kainin dito. Wala namang lutong ulam na nakahanda kaya pumunta ako sa Ref na puro - tubig, tubig at tsaka tubig. Huwaw

Wala pala akong makain dito pinaramdam siguro nila sakin na ang tamad na kagaya ako ay mamamatay na lang kung wala sila.

May nakita ako sa may bandang lababo. Isang halaman, mukhang masarap. Cactus aking nalalasap,joks. Pag ako talaga di nila inuwian ito na lang kakainin ko, ito na lang pananin ni mama.joks lang ulit.

Umakyat na lang ako sa taas, bumalik ako sa kwarto ko tas naligo na - nanghinayang ako dapat kasi diba "save water" kung di sana ako ulit naligo edi na save ko ang water tas na save ko din yung libag ko.

Pagtapos ko maligo. Dali-dali na akong lumabas at nagtatalon-talon sa labas, joks again. Syempre nag bihis muna ako no'h.

Sinuot ko ang tradisyonal na puting T-shirt na may maliit na plant na tatak tas shorts, ayoko nang pag-isipan ng mabuti ang ida-damit ko gayo'ong gutom na ako. Baka hindi na ako makatiis at damit ko na lang ang ngatngatngatin ko.

Hinanap ko muna ang susi ng bahay at gate para i-lock ito. Baka malooban to'ng bahay namin manakaw pa yung mga wakpak books ko, biro lang wala pala akong wakpak book.

Pagkalabas na paglakabas ko sa bahay tumambat sa akin ang mahiwanag na kapaligiran, sobrang aliwalas ang sakit sa mata pero di naman nag tagal iyon at natapos din sa loob ng wala pa sa isang minuto.

Naglakad-lakad lang ako sa street at iniisip kung ano kaya ang kakainin ko. Kung street food na lang o luyong ulam o intsant.

Sakto naman at may nakita akong nagtitinda ng street foods, bahala na siya ang nauna kong nakita eh edi siya na alangang maghanap na ako ng lutong ulam o instant foods. Eh andyan na nga yung street foods.

Saya ko, ang mga binili ko ay sampung pisong fishball lam niyo na buy one take one so bale bente piraso yun, sampung pisong kikiam, isang basong kalamares na tig twenty-five yung binili ko. Ito na ang tanghalian ko di naman ako patay-gutom eh wag lang talaga malipasan ng gutom lam niyo diba kanina, kainin ko na sana cactus ni mama eh buti na lang nakapagpigil ako, kundi.

Umuwi na di ako sa bahay at nag basa hindi ng wakpak kundi ng libro, librong pang-acad. Di namang puro wakrak lang ang babasahin ko edi bumagsak naman ako non diba, di lang sa grades ko sa school baka pati din sa sahig ng bahay namin dahil baka mabaril ako ng pamilya ko pag bumagsak ako HAHAHA.

Basa lang ng basa, nakaka-yamot pero kaya pa din, di pwedeng di kaya ano lagot ako. Kahit naman napag-aralan na to'h sa school namin at na-gets ko na to'ng mga paganto-gantong lesson namin di naman sapat yung kinakailangan ko padin maba---.

uGghh ayoko na, tumayo na ako sa study table ko't na pagulong nalang ako sa higaan ko pagulong sa kabilang side sabay hugot sa charge ng cellphone ko sabay basa ulit                   ng wakpak.

Wala naman akong assignment eh, tsaka parang yun na lang basehan ng talino ngayon ang makapasa ng mga kung ano-anong gawain. Kaya naisip kong parang walang saysay ito, paikot-ikot lang naman sa kani-kaniyang topic sa bawat subject eh. Siguro highshool pa lang ako kaya ko nasasabi ang mga ganto pero totoo naman kasi.

Paano naman kung first time ko maintindihan ang Algebra tas bigla lang akong nasaksak sa kanto. Oh pa'no yun.

Napabuntong hininga ako sa naisip ko. Masarap naman mag-aral lalo na kung interisado ka sa topic at gusto mong makatuklas ng mga bagong kaalaman. Pagod lang siguro ako kaya nasabi ko yun lam ny--- teka pa'no ako napagod eh magdamag lang naman ako humilata. Naglakad nga pala ako kanina, napagod ata ang paa ko sa one hundred four step. Tig fifty-two step paalis at pabalik ng bahay.

Default Title - Write Your OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon