Fourth

586 14 2
                                    


4 - Simon Gomez


"Ah..." Sabay ayos ng upo n'ya. Nakangiti s'ya pero halatang di sya mapakali dahil pinagmamasdan ko s'ya.

Kaharap ko ngayon ang 'subject' ko para sa project. Isa siya sa mga naging kaklase ko sa minor subjects ko.

Simon Gomez. 4th year. BS Biology. Walang girlfriend as far as I researhed. Wala din pinopormahan.

Sa loob ng isang linggo na pagsunod ko sa kanya, nakita ko na mabait, responsable at mapagkaka-tiwalaan ko naman sya. Naalala ko na naging close din naman kami papaano dahil nagkaroon kami dati ng group presentation.

He's nice and a gentleman to boot. Although, he's a bit plain in appearance and there's no significant thing in his image. Matangkad sya sa akin, nasa 5'5"o 5'6" ata sya samantalang ako naman ay nasa 5'3" lang. May tamang pangangatawan, di mataba at di rin mapayat. At ang kutis nya, mas maganda pa ata sa akin. He got a nice tan!

Pero, ohmaygawd, Gale?! That was two years ago!! Antagal na nun at ngayon na lang ulit kayo nagkita.

I groaned inwardly.

"Okay ka lang? Baka nagugutom ka na? Bibili lang ako ng makakain natin." He said, worried. Tapos tumayo na sya at naglakad papunta sa mga stalls.

Nung naka-alis na sya, ini-untog ko na ang noo ko sa lamesa. Paulit-ulit.

Kasi naman, nababaliw na ata talaga ako. Ano ba itong ginagawa ko? Come on, Gale. Don't question yourself anymore. Andito na! Don't you ever back out.

Pinanood ko si Simon na inilapag mula sa tray ang pagkain na binili nya. Ilang pirasong cupcake at dalawang iced tea. Pinagmasdan ko ang pagkain na nasa harapan ko at muling tumingin kay Simon.

Ngumiwi siya at ngumiti sa akin. "Ayaw mo?" tanong nya at napakamot sa noo nya.

Umiling ako.

Tumikhim sya. "Ano, Gale? May sasabihin ka ba? Kinakabahan kasi ako dahil kanina ka pa nagsasalita." sabi niya at uminom ng iced tea.

Huminga ako ng malalim. It's now or never, ever!

"Simon, pwede ka bang maging boyfriend ko?" tanong ko sa kanya at mataman ko syang pinagmasdan.

Mabilis nyang nilunok ang ininom nyang iced tea. At panay ang pagkurap habang nakatitig sa akin. Iniisip ko na baka hinihintay nya na sabihin kong joke lang o kung ano. Pinanatili ko ang pinaka-serious face ko.

"Seryoso ka?" Isang di makapaniwalang sabi nya habang nanlalaki ang mata na patuloy sa pagkurap.

Ibinaling ko ang mata ko sa pagkain nya. Pasensya na, food. Mamaya muna kayo.

"Oo o hindi lang ang gusto kong marinig sa'yo, Simon."

Kung papayag ka ba o hindi?

Kung oo, itutuloy ko na kabaliwan na ito.

At kung hindi naman, well... di talaga meant to be.

Nang di sya sumagot, nagsalita na ulit ako. Kinakabahan pa rin kaya ako.

"Simon, I hope I'm correct that you are not romantically involved with anyone. I mean, wala kang girlfriend or pinopormahan as of now. Tsaka I never heard such talk. Also, I know that you're a decent guy. You're nice and a gentleman. Masipag ka naman, di ka pala-away or may vices. Tsaka-"

My blabbering was cut when he raised his hands.

"Okay." He said, simply.

"Okay?" I repeated, dumbfounded.

"Pinuri muna ako, makakatanggi pa ba ako?" He said, grinning cheekily at me.

Good heavens, may boyfriend na ako?!!!


--------------

Looking forward to your feedbacks, awesome readers!


Thank you so much!

The Boyfriend Project (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon