KAPENG BARAKO

37 3 7
                                    

Nakaubos na ko ng tatlong tasang kapeng barako pero hindi pa rin tumitila ang ulan sa labas. Pang apat na serve na itong nasa harap ko na inuunti-unti ko lang.

Maaga akong lumabas ng condo kanina dahil hindi na ako makatulog sa excitement. First day ko ngayon dito sa Manila at unang gabi din sa opisina na papasukan ko as a new Project Lead. Hindi ako nagmamadali ng maligo at magbihis. Rugged black jeans and plain, pink polo na tinernuhan ko ng white rubber shoes. Pinatungan ko din ng black leather jacket ang pink polo shirt para hindi naman mukhang feminine ang dating. Swabe lang para approachable tingnan at hindi mailang sakin ang mga makakasama ko sa opisina.

I am ready and about to go out nang maalala ko ang folder na dapat kong dalhin. Mga info yun ng mga taong makakasama ko sa project nato. Kelangan kong aralin dahil magiging under sila sa akin. Actually, napadala na ito sa akin ng nasa Batangas branch pa ko at napasadahan ko na mg review ang iba. Meron duong isang nakapukaw ng interest ko at siya din ang naging laman ng panaginip ko kaya maganda ang mood ko pagka gising.

Naisip kong dalhin nalang ang motorbike ko para narin makapag ikot muna at mabistahan ang mga lugar paikot sa condo na ito at matantiya ang oras at daan papuntang opisina. Madami pa kong oras. Isinilid ko na sa compartment ng  motor ang folder at ang wallet ko. Ini-start ko na ang motor.

Habang nagbibiyahe ay hindi ko mapigilang mangiti sa sarili ko. Ngayon lang ako na-attract ng todo sa isang babae, sa picture pa. Sa ID picture na naka-attached sa resume niya ay mababasa mo kaagad sa mukha niya na isa siyang masayahing tao. Nakangiti ang mga mata na para akong hinihigop papunta sa isang positibong lugar. Yung pakiramdam na kapag kasama mo siya ay puro saya lang ang iyong mararamdaman. May kakayahan siyang magpaganda ng mood sa titig niya pa lang. Napakaamo ng mukha pero may maawtoridad na aura. Hindi siya basta-bastang anghel na may pakpak, kundi anghel na may hawak na tabak. Dapat irespeto.
For the physical features, alon-alon ang hanggang balikat na buhok. Bumagay ang mga pares ng positibo niyang mata sa kaniyang mapupula at bahagyang nakangiting mga labi. Natawa ako sa sarili ko ng may maisip na ideyang makamundo. Well, hindi ko maiwasan. Attracted ako sa kanya, inaamin ko. Isa pa iyon sa mga dahilan at nagpa-excite sakin na pumasok ng maaga. Gusto ko na siyang makita ng harapan.

Wala pang five minutes ang nabibiyahe ko ng maramdaman ko ang patak ng ulan. Bad trip. Malinaw naman ang kalangitan ngayon at wala man lang warning na uulan. Unexpected. Naka-white shoes pa naman ako. Pero di bale na malapit na naman ako sa Robinson's Mall kung saan ang opisinang papasukan ko ay nasa second floor.

Malapit na ako sa parking area ng mamataan ko ang coffee shop sa kabilang kalsada. Imbis na dumiretso sa parking lot ng mall ay nagbago ang isip ko at tinawid ang kalsada. Nakasindi ang signage sa harap at mababasa ang salitang Kape Shap, pangalan ng bahay kapehan na iyon. Itinabi ko ang motor sa parking area nila at bumaba na. Muntik ko ulit makalimutan ang folder at wallet ko sa compartment. Dala ang mga iyon, saktong pagpasok ko sa entrance ng biglang bumuhos ng malakas ang ulan. Sakto. Buti nalang.

Alas sais impunto. May iilan ng mga customer. Pinili ko ang pwesto banda sa dulo at masasabi kong pinaka sulok na. Medyo tago pero makikita parin ang lahat ng nasa loob kapag duon ka na nakaupo. Nilapitan ako ng isang babae at tinanong ang order ko.

"Meron kayong kapeng barako dito?" Pabalik kong tanong sa babae.

"Yes sir, bagong gawa lang po. Tamang-tama lang ang dating niyo."

"Good. One cup muna please. Thank you."

"Right away sir." Sagot nito at umalis na.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. I like the ambiance here. Hindi maipagkakailang coffee shop nga, Mapapansin mo kaagad ang mga naka display na iba't-ibang klase ng kape sa counter. Ultimo 3-in-1 na dapat sa tindahan lang binibili ng tingi, ay mayroon sila, mga garapong naglalaman ng iba't-ibang butil ng kape at may iba't-ibang kulay. Nakakamangha ang idea ng may-ari nito. Halatang mahilig sa Kape. Marami-rami ng tao sa loob. Dahil umuulan pa expected na dadagsa ang customer maya-maya lang. Dumating ang order ko at nag concentrate na kong lasapin ang aroma ng kapeng barako.

KWENTONG KAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon