Chapter 19

165 4 0
                                    

Sarah's Pov

Ever since that day when i talked to Eva i've been so angry. It's nothing like i've ever felt before. I feel like i've been defeated by a mere nobody. At hindi ko matatanggap ang pagkatalong ito.

Ilang beses sinubukang tawagan si Marcos pero hindi ko na talaga sya macontact. Tuluyan na nya kong iniwasan dahil sa walang hiyang babaeng 'yon. Hindi ako makakapayag na maiwan lang akk ng basta-basta.

"Sarah, lasing ka na naman." that's my bestfriend Claire.

"Yup! I'm drunk as a skunk! Hahaha!" I slurred.

I downed another shot of scotch then poured my glass for another. Ilang araw na rin akong nagkukulong dito sa kwarto ko at walang ginawa kung hindi ang mag-inom.

My emotions are overwhelming me. Swallowing me into the blackness of the oblivion. I was tossed aside like some trash!

"Sarah you have to stop this. Sinisira mo ang sarili mo dahil lang isang lalaki. He's not even worth it." She stated.

I scoffed with she said. Not worth it?! She has no idea how worth it Marcos is. He's unlike any other man in this world. He's special.

"But i want him. I want him and i will get him. Whatever it takes." I said determined.

"He's already in love with another woman. You have to let him go." She added.

Wala akong pakialam kung nauna man sa'kin ang babaeng 'yon. Marcos is mine and mine alone. Hindi nya deserve ang isang lalaking kagaya ni Marcos. Ako ang dapat ang mahalin ni Marcos. Ako lang dapat.

"No! I won't! I will never let him go! I will take him from that bitch Eva one way or another!" Naibato ko ang basong hawak dahil sa sobrang galit. "He's mine Claire! Do you hear me?! He's mine!" I threw everything my hands could reach dahil sa sobrang galit.

"Sarah, calm down. Hey!" Awat niya sa'kin.

"No! Leave me alone! Get out! Get out! I said get out!" I pushed her as hard as i could.

It's happening again. I'm starting to loose control again. I tried so hard to get better but because of Marcos i'm starting to loose it again. I can't bare this pain. I just can't.

Sa gitna ng pagwawala ko i heard footsteps rushed towards me. Then everything started to fade away as the sedative they stuck in me took effect. I fell into a deep sleep.

------

Jack's Pov

Inip na inip na akong makaalis sa pesteng lugar na ito. Hindi ko na kayang tumagal pa dito. Pero lahat ng subukan naming paraan para makatakas pumapalpak. Ang bobo kasi ng mga kasama ko. Nakakainis.

"Jack may dalaw ka." Tawag sa akin ng jail guard. Dalaw? Pero kakaalis lang ni Mama ah.

Hindi ko inaasahan ang taong makikita ko sa visiting area. Huling nakita ko sya ay nung ten years old sya.

"Francheska? Anak!" Lalapitan ko sana sya para yakapin pero umiwas sya.

"Hindi ako nagpunta dito para makipaglapit sa'yo. Gusto lang kitang makausap." She said.

I felt a slight sting in my chest because of the coldness she's showing me. Pero hindi ko pinahalata 'yon. Umupo ako sa upuang kaharap nya.

"Ano bang gusto mong pag-usapan natin?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit nagawa lahat ng 'yon kay Mama?" Hindi ko inaasahan na 'yon ang una nyang sasabihin. Pero dalaga na sya. May isip na rin sya ng mangyari ang lahat ng 'yon.

"Hindi ko alam." Simpleng sagot ko

"Hindi mo alam?! Binaboy mo ang Mama ko! Sinaktan mo sya ng sobra-sobra! Winasak mo sya! Tapos sasabihin mo sa'kin na hindi mo alam kung bakit mo nagaw?!" Puno ng galit ang mga mata habang nakatingin sya sa'kin.

"Oo. Hindi ko alam. Kung 'yan lang ang gusto mong malaman umalis ka nalang." Walang ganang sagot ko sa kanya.

"Napakasama mo! Wala kang puso! Sana hindi nalang ikaw ang naging Papa ko! Sana hindi ka nalang pinakasalan ni Mama! Sana Mamatay ka na! Mamatay ka na!"

Hindi ko nagawang magsalita hanggang sa makaalis sya. Ang sarili kong anak hinihiling na mamatay na ako. Hindi akalaing ganito kasakit ang malamang matindi ang dinadalang galit ni Francheska para sa'kin.

"Dapat lang sa'yo 'yan. Wala kang kwentang ama." Bigkang nag-init ang ulo ko dahil sa narinig ko mula sa jail guard.

"Ganun ba?" Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko.

Walang humpay ang ginawa kong pagpapakawala ng suntok sa kanya. Lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko sa kanya ko ibinunton. Nang maawat kami duguan na ang mukha nya. Parang sasabog ang puso ko sa tindi ng sakit na nararamdaman ko.

"Masyado kang pasaway. Ipasok nyo 'yan sa bartolina." Narinig kong utos ng warden.

-----

Francheska's Pov

Walang tigil ang pagpatak ng luha mula sa buong byahe hanggang ng makauwi ako sa bahay. Sobrang tanga ko dahil inasahan kong baka nagbago sya dahil sa haba ng panahon na nakakulong sya.

"Francheska? What happened?! Why are you crying?" Tito Marcos approached me as soon as he saw me at the living room.

"Wala po. Wala po ito." Sinubukan ko syang iwasan peri hindi nya ko hinayaan.

"Francheska. What happened? Did someone hurt you?" Nag-aalalang tanong nya sa'kin.

"Pinuntahan ko si Papa sa kulungan." I said between my sobs.

"What? Why?" Gulat nyang tanong.

"I wanted to understand why he did all those terrible things to Mama. I wanted to understand his side. I wanted to give him a chance." Mas lalo akong napaiyak.

"What happened? Anong sinabi nya sa'yo?" Tanong nya sa'kin habang inaalalayan nya ko paupo sa sofa.

"Ang tanga ko para isiping baka nagbago na sya. Na baka pinagsisihan na nya ang lahat ng nagawa nya. Napakasama nya!" I cried harder.

"Sweety, sometimes people are hard to understand. They are what they are. Hindi lahat ng tao nagbabago. All we can do is accept the reality." I heard him say.

"Kahit ba para sa'kin? Ako na anak nya? Hindi ba ko sapat para magbago sya?" Naguguluhang tanong ko.

"Don't you ever base your worth from how your father is a person or as a man. You are worth it. Period. Always remember that, okay?" He said while brusing my hair. "I know that i will never be able to replace your father but i promise you. I will do right by you and your mother. Gagawin ko ang lahat ko ang lahat para mapunan ang mga pagkukulang ng Papa mo."

Yumakap ako kay Tito Marcos at umiyak ng umiyak sa dibdin nya. Inilabas ko lahat ng sama ng loob ko, lahat ng hinanakit ko. Tama si Tito Marcos. Kailangan ko ng hayaan si Papa. Kailangan ko ng tigilan ang pag-asang magbabago pa sya.

Hindi magbabago ang isang tao kung ayaw nya. Walang makakapilit sa isang tao para magbago kundi ang sarili nya lang. Dapat ko ng kalimutan na meron akong amang nakakulong. Hindi na sya magbabago. Malinaw na 'yon sa'kin ngayon.

Behind Closed DoorsWhere stories live. Discover now