THIRD PERSON'S POV
Mahigit isang linggo na ang lumipas at balik na sa kanya-kanyang buhay sila Jupiter at si Halo. At talaga namang hindi mapagkakailang namiss siya ng kanyang mga staff lalo na ang makulit niyang nakababatang kapatid na si Vienna. Hindi sila blood related subalit magmula kasi noong araw ng imterview nito'y gustung-gusto na niya itong yakapin. Hindi niya lamang ginawa sa kadahilanang baka magulat ito at mawirduhan sa kanya. Kaya naman kahit sabik ito'y pinanatili nito ang poker face nitong mukha.
Kapapasok pa lang ni Halo sa entrance ng pinapasukang eskwelahan ay narinig na agad nito ang puno ng galak na sigaw nito sa buo niyang pangalan na talaga namang nakapag-pailing sa kanya.
"Halo Selene Cianne Erl Mari Tengco Cajigal!!!" Tawag ng isang first year sa kanya na sa pagkakahula niya'y kilala na niya kung sino
Humahangos na lumapit si Vienna galing sa kung saan at sinalubong nito si Halo ng isang yakap. Muntikan pa silang mabuwal sa lobby. Nagtitiginan ang mga estudyante sa gawi nila. Bakas sa mga mata ng mga ito ang gulat, kaba at takot? Tinapik naman nito ang likuran niyon.
"Geez kiddo, you shouldn't call me by my whole name! It's kinda disturbing." Sambit nito rito habang nangingiting hinarap ito
"Namiss kaya kita, churii na agad!" Pahayag nito na may kasamang ngiti
Kasama nito ang kakambal niyang si Molly. Hindi sila blood related pero turingan nila magkapatid. Madalas kasi silang napagkakamalang magkamukha pero sobrang magkaibang-magkaiba ang ugali nila. Bakas ang kasiyahan sa mukha ng batang staff ni Halo. Naglakad naman ang mga ito patungong opisina.
Rinig na rinig ang pagtama ng hindi kataasang takong sa sahig ng lobby. Na siya namang nakakapagpalingon sa mga estudyante at mga gurong naroon. Nagsusumigaw ng labis na kapangyarihan. Tunog na tunog ang pagtama ng sapatos nito sa bawat madaraanan nito't nag-iiwan ng bakas na siya namang nakakapagpatulala sa karamihan. Hanggng sa makapasok sila sa opisina'y rinig pa rin ang tunog ng kanyang takong na tumatama sa sahig.
Ang ilang miyembro ng SSC na kasama nila sa opisina'y napatingin rin nang siya'y pumasok na. Maging ang milang staff ng Rhetocian ay talaga namang napatigalgal sa kanya at sinundan lamang siya ng tingin hanggang sa mailagay niya ang kanyang mga gamit sa maliit nitong opisina. Kapagkuwa'y inilabas nito ang ilang gamit at nag-umpisang magreview. Nalalapit na ang preliminary exam nila at talaga namang kailangan na nilang magsunog ng kilay para paghandaan ito. Ang opisina nila'y nahahati sa dalawang bahagi.
Bale naghahati sila ng Supreme Student Council ng school at ang Rhetocian. Under renovation kasi ang buong college buildings dahil nagpalit na ng college officials kaya naman lahat ay bago na. Kaya wala pa silang opisina sa ngayon. Isang linggo na rin mula ng matanggap ang bagong staff na si Vienna. Noong mga unang araw ay nagpupunta ito upang maglagi sa opisina. Ang buong akala ni Halo ay napakatahimik talaga nito subalit ilng araw lamang ay nakikipagsabayan na rin ito sa kulitan ng iba pa niyang staff na lagi ring laman ng kanyang opisina.
Natutuwa si Halo dahil may nakita siyang espesyal sa batang 'yon. Sa hinuha niya'y malayo ang mararating nito. Kung maaalis niya lang ang takot, pangamba at mapataas niya ang self-confidence nito'y nakikini-kinita na niya ang mararating nito. Subalit ang mga ito'y pinili na lamang niyang ilihim. Darating ang panahon na ang batang 'yon na aksidente lamang ang pagkakapunta niya sa pangangalaga ni Halo ay malalaman rin ang totoo.
Ang totoo na maaaring makapagpabago sa buhay nila ni Molly lalung-lalo na sa batang 'yon. Sinisiguro ni Halo na sa abot ng kanyang makakaya'y tutulungan niya itong buuin ang sarili nito. At iintayin niya ang araw na titingin ito sa kanyang mga mata at sasabihing "I GOT THIS" sabay ngiti. Ngiti nang isang matapang at determinadong tao na kayang paikutin ang takot sa mga kamay niya't gawin itong kanyang kakampi.
BINABASA MO ANG
Love, Halo Book 1 (Completed)
RomanceIt was all started in the hospital. I have a rare heart condition. I met him there, walking around the wards in his doctor's coat. Checking all the patients that been there. I thought my personality doesn't accepts other feelings. I'm a certified m...