Kabanata 1 : Hotdog o Itlog

110 12 4
                                    


''Judah, parang kinakabahan ako.'' sunod-sunod ang buntong-hiningang ginagawa ni Rocky habang papalapit na ang sasakyan sa bahay nina Lolly. 

''Ano ka ba. Akala ko ba hindi ka na takot?'' hinawakan nito ang kamay niya't marahang pinisil-pisil para huminahon. 

''Oo, hindi na ako takot sa iba pero sa Lolly mo, hindi ako sigurado.'' mula sa pagiging brusko na aura niya, ngayon ay halatang halata na kinakabahan siya.

''Rocky, nandito ako para alalayan ka. At saka si Lolly mismo ang nagsabi na excited na siyang makilala ka.'' 

''Sir, nandito na po tayo.'' sabi ni Manong driver at hininto ang sasakyan sa harap ng main door ng mansion nina Judah. 

Bumaba si siya at saka pinagbuksan niya ng pinto si Judah. ''Wow, ito ba talaga ang bahay niyo? Ang yaman niyo pala talaga Judah, hah.'' 

Hindi maiwasan ni Rocky na mamangha sa mga nakikita niya ngayon. Alam niyang mayaman si Judah pero hindi naman niya akalain na ganito pala kagara ang bahay ng Lolly nito. 

''Mga apo!'' isang masayang matandang babae ang papalapit na sa kanilang kinaroroonan. Malapad ang mga ngiti nito at halatang kanina pa sila hinihintay. 

''Lolly!'' sinalubong ni Judah ng yakap ang Lola na ilang buwan niya ring hindi nakita at nakasama. 

"I missed you so much Judah ko. Bakit parang nangayayat ka lagi mo bang ini-skip ang mga meals mo?'' sabi nito habang ine-eksamin ang mukha at katawan ng apo. 

''HIndi naman po Lolly, ganito na ang itsura ko bago pa ako umalis rito.'' 

''So, ito na pala si Rocky apo?'' tukoy nito sa kanya na nakatayo pa rin sa unang baitang ng hakdanan ng main door. ''Ano tatayo ka lang ba riyan, hindi mo ba yayakapin si Lolly mo?'' 

Parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib dahil sa sinabi ni Lolly sa kanya. Ang mga agam agam at alinlangan sa kanyang isipan kanina'y biglang nabura't napalitan ng saya. Lumapit siya para yakapin ang matanda at saka niyakap din niya si Judah. 


''Alam niyo bang pinahanda ko talaga itong mga pagkain para sa inyong dalawa kasi I'm sure na paulit ulit lang ang kinakain ninyo dun sa apartment dahil mahirap lumabas para mag-grocerry.'' sabi ni Lolly habang sinasalinan ng kanin si Judah sa plato. 

''Oo nga po Lolly. Laging Sardinas lang ang ulam namin doon. Minsan hotdog, minsan itlog.'' sagot ni Rocky. 

''Eh, Rocky apo, ano ba ang unang kinakain nitong si Judah, yung hotdog o yung itlog?'' ngumiti ng nakakaloko si Lolly habang nililipat ang tingin sa kanilang dalawa na magkatabi ng upo sa hapag kainan. 

Naintindihan naman ni niya ang nais ipahiwatig ni Lolly kaya naman sinakyan niya ang pagbibiro nito. 

''Naku, Lolly. Itong si Judah ko, paborito niyang unahin ang hotdog tapos ang itlog. Di ba Judah?'' inakbayan niya si Judah at kinindatan ito kasabay ng nakakalokong ngiti. ''Aray!'' 

Sinikuhan siya nito sa tagiliran kaya naman bigla siyang napangiwi sa sakit. 

''Oy, ikaw Rocky hah. Ang bastos talaga ng bunganga mo.'' mataray nitong tugon. 

''Biro lang, ano ka ba?'' bigla niyang bawi bago pa ito mag walk out. Alam niya na kasi na walk out queen itong si Juju. 

''Oh siya, bago pa kayo mag LQ diyan, kumain na tayo para naman makapag-pahinga na muna kayo.'' sabi ni Lolly. 


''Judah?'' biglang natigilan si Judah sa ginawang pag-a-unpack ng mga gamit mula sa maleta at tinuon ang atensyon sa kanya. 

''hmm?'' 

''Salamat hah. Salamat kasi hindi mo 'ko hinayaan maiwang mag isa sa apartment. Siguro kung naiwan ako dun, baka sa mga oras na ito tawag na ako nang tawag sa iyo para bumalik ka na dun.'' hindi niya maiwasang hindi maluha sa mga isiping iyon kaya gusto niyang ipahayag ang saloobin kay Judah.

Sobrang napakaswerte lang talaga niya dahil hindi siya nagkamali sa ginawang desisyon na sumama kay Judah rito.  ''Akala ko kanina habang nasa byahe pa tayo, hindi ako makakatagal rito sa ambience ng Lolly mo pero kanina habang kumakain tayo, ramdam na ramdam ko na tanggap na tanggap niya tayo, ako.'' 

''Sus, ano ka ba Rocky.'' lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya. ''Si Lolly ang pinakamabait na Lola sa buong mundo. Hindi niya hahayaang maging malungkot pa akong muli. Wala naman tayong ginagawang mali para hindi niya tayo tanggapin. Ikaw, napakabuti mong tao at walang dahilan para hindi niya makita at matanggap iyon.''

''Salamat talaga Judah hah. Huwag kang mag-alala, gagawin ko lahat para hindi mawala ang tiwala ng Lolly mo sa akin. Gagawin ko ang lahat para manatiling masaya ka sa piling ko.'' humarap siya rito at niyakap ito ng mahigpit. ''I love you Judah.'' 

''I like you too.'' yumakap ito pabalik sa kanya. 

''Sabi ko I love you.'' 

''Like ang narinig ko, e'' 

''Ah, like pala hah. Oh eto like.'' dinila- dilaan at hinalikan niya ng hinalikan ang parteng makiliti ni Judah sa leeg. 

''Tama na Rocky! Ano ba!'' habol ang hiningang tumatawa dahil sa kiliti na ginawa niya sa leeg nito. Hindi rin ito makapalag ng maayos dahil mas malakas siya kumpara rito. 

''Teka, tayo na ba? Sinasagot mo na ba ako?'' bigla siyang natigilan sa tinanong nito. 

Ano nga ba ang sagot niya? Sa totoo lang hindi niya pa pinaghandaan ang oras na magtatanong si Judah pero gagawin niya na lang na basehan ang nararamdaman at mga nangyayari sa kanila upang magdesisyon. Masaya siya kapag kasama niya ito at hindi niya maisip isip kung ano ang mangyayari sa kanya kapag wala ito sa tabi niya. 

''Tingin mo ano ang sagot ko?'' 

''Ikaw. Hindi naman kita pipilitin kung hindi ang sagot mo.'' tumingin ito sa malayo sabay buntong-hininga. 

''Oo, Judah. Oo ang sagot ko.'' 

Isang mukhang may malapad na ngiti sa mga labi at maluha-luhang mga mata ang humarap sa kanya. Kitang kita niya sa mga mata nito ang galak sa naging sagot niya. 

''Salamat, Rocky.'' 

''I love you, Judah.'' muli niyang niyakap ang kasintahan ng mahigpit. Unang yakap bilang pormal na magkasintahan. Kasabay ng yakap na iyon ay ang pagiging handa at matapang nilang dalawa sa pagharap sa mundo, sa mga taong nakakakilala sa kanila at sa mga taong pag-uusapan sila. 

''Mahal din kita, Rocky.'' marahan niyang pinunasan ang mga luha nito at saka hinalikan ito sa labi. 

''Tulungan mo ako Judah hah? Kasi hindi ko kayang humarap sa bagong mundo ko ng mag-isa.''

''Hindi mo kailangang matakot at mangamba, haharapin natin sila ng magkasama.'' 

Biglang tumunog ang cellphone ni Judah. Binasa niya ang bagong dating na text message. 

''I went to your apartment and you're not there my Judah. I'm on my way to your Lolly's house.'' text galing kay Glenn. 

Shit! 

Itutuloy...

Kabanata 2: Ako ang Pinili

Thank you everyone for reading! Please don't forget to hit that Star to Vote and leave your comments so I can thank you personally!

See you in the next chapter!

Ikaw Ang Sansinukuban (Quaranthings The Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon