[ Lei's POV ]
Flashback
"Tapos mo na bang isaulo yang kanta?"
"Hindi pa nga eh"
"Gusto mo tulungan na lang kita?"
"Ah hindi na"
Andito ako ngayon sa library kasama si Nikka.Sa totoo lang hindi naman mahirap kabisaduhin yung kakantahin namin para sa music video.
Kanina pa kasi ako hindi makapagconcentrate kasi iniisip ko si Krystel.Hindi ko alam kasi parang namimiss ko siya.Yung mga kulitan at bangayan namin.Kasi pansin ko parang hindi na kami masyadong nagbabangayan.Minsan iniiwasan ko na siya.Nakakabaduy mang isipin para sa mga lalaking gaya ko,pero kasi parang ang awkward pag kasama ko siya.
Parang bigla akong tinamaan ng kahihiyan sa kanya.Kung dati kasi wala akong pakialam kong ano ang pinaggagawa ko sa kanya.Pero parang mas malala na yung feelings ko sa kanya ngayon.F*ck this feelings.Lagi nalang akong di makapagconcentrate dahil sa kanya.Pwedeng pamura ng isa pa?
Sh*t what should I do? namimiss ko na siya.Gusto ko siyang masulo pero hindi ko man lang siya makayang ayain na makipagdate sa akin.Nakakabakla naman oh!
Dapat kasi umamin na ako noon palang,noong wala pa siyang gusto
Ang torpe ko kasi,siguradong pagtatawanan lang niya ako pag aamin ako sa kanya ngayon na mahal ko siya.
Hindi ko siya masisisi kong manhid siya kasi yung mga pinapakita ko sa kanya ay hindi sapat para malaman niya na may gusto ako sa kanya.
"Ah Nikka bukas nalang natin ipagpatuloy"
"Ha?"
"May pupuntahan pa ako.Sige bye"
Tumakbo na ako papuntang Music Room.I really need to see her,if not mababaliw na talaga ako kakaisip sa kanya.
.
.
.
Napailing nalang ako ng makita kong bukas ang pintuan ng Music Room.Pambihira di man lang sila marunong magsara ng pintuan.
Isasara ko na sana yung pinto pero napansin ko na si Krystel at Zowin lang ang nadito.Nakaupo sila doon sa sofa,hindi naman nila ako kita kasi patalikod sa akin yung puwesto ng sofa.At mukhang seryoso yung pinaguusapan nila.Nagtago muna ako kasi gusto kong makinig sa pinaguusapan nila.
"Ikaw ah ! may tinatago ka pala.Hindi mo naman agad sinabi"
"Eh sorry"
"Ang swerte siguro niya kasi mahal mo siya.Kwentuhan mo naman ako tungkol sa kanya."
napailing nalang ako sa gustong malaman ni Krystel.Alam ko na kung saan ang patutunguhan ng usapan ito.
Nagsimulang magkwento si Zowin tungkol sa babaeng mahal niya at nagtanong tanong lang si Krystel.Gusto ko na ngang basagin yung paguusap nila at ilayo na lang si Krystel kasi alam ko naman na hindi si Krystel ang tinutukoy niya.At sigurado akong alam din yun ni Krystel kasi nakikita ko naman sa mukha niya na ayaw niya yung sinasabi ni Zowin.
Sa tuwing kinukwento niya si Zowin sa akin,hindi ko mapigilang magselos.Gusto ko ngang sabihin kay Krystel na kong maaari wag na lang niyang gustuhin si Zowin,dahil kong pinagpatuloy niya ito.Siya lang din ang masasaktan.Dahil hindi na siya kayang mahalin ni Zowibln kasi may nagmamayari na sa puso niya.
"Si Danica yun no?"
Ngayon alam na niya at siguradong nasasaktan siya ngayon.Ang torpe ko kasi,ang bagal ko kasing kumilos.Ni hindi ko man lang siya nailayo sa sitwasyon niya ngayon.
Nagkwentuhan lang sila.Gaano man ang kagustuhan ko na ilayo na si Krystel sa kanya hindi ko magawa kasi ako na ata ang dakilang torpe.Ni simpleng bagay na dapat kong gawin para hindi siya masaktan hindi ko magawa.
"Alam mo,bagay kayo ng bestfriend ko.Gusto kita para sa kanya"
Dakilang sinungaling.
"Patulong naman sa panliligaw sa kanya hanggang sa mapasagot ko siya"
Pagkasabing pagkasabi yan ni Zowin.Gusto ko na siyang sugurin at pagmumurahin.May nasasaktan na nga ang kapal pang humingi ng pabor.Pero wala,hanggang salita lang ako.
Pumayag si Krystel pero may kondisyon.Pagkatapos nilang pagusapan ang tungkol doon nag paalam na si Krystel na umalis.
Hindi pa nga nakaalis si Krystek pero bigla siyang yinakap ni Zowin sa likod.Nagsitaasan naman halos lahat ng dugo sa mukha ko.Nakita ko kong paano bumagsak ang luha ni Krystel.Naikuyom ko ang mga palad ko.Sobrang inis at galit ang una kong naramdaman.Tumayo ako sa pinagtataguan ko at susugurin ko na sana si Zowin pero may pumigil sa akin.
Hinawakan ako ng mahigpit ni Kenzo at sinenyasan na sumunod nalang sa kanya.Naisip ko naman na baka kung ano pang magawa ko kay Zowin kaya sumama nalang ako sa kanya.Gustong gusto ko mang basagin ang pagmumukha ni Zowin,tsaka nalang kasi wala naman siyang alam na nasasaktan na niya si Krystel.
-------
( A/N: Si Charlene Mayumi Quiape yung pretty girl.But in reality,si Juniel po siya)
BINABASA MO ANG
You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)
Novela JuvenilIsang Ordinaryong pagmamahalan ang meron sila.Gaya ng ibang love story ang istorya ng pag-iibigan nila.Maraming susubok sa kanilang samahan.Sa lahat ng pagsubok nila,iisa lang ang itinatak nila sa kanilang isipan.Understanding,naniniwala sila na kap...