Ang pag-ibig hindi 'yan isang bagay na dapat pinaglalaruan, hindi rin ito isang pagkain na kapag ayaw mo ay hindi mo kakainin, at lalong hindi ito isang laruan na kapag ayaw mo ay ipapamigay mo na lang at itatapon.
Sa pag-ibig may dalawang taong nagmamahalan, hindi pweding isa lang ito ay dapat binabalanse ng dalawang tao.
Ngunit, paano nga ba kung sa isang pag-ibig bumigay ang isang nagmamahal.
Biglaang napagod?
Biglang nawalan ng tiwala?
Bigla na lang nawalan ng gana?
Masakit isipin na sa isang iglap mawawala ang lahat, na sa sandaling pagpikit ng iyong mata tapos na ang lahat, at sa huli isang salita lang tinapos niya na ang lahat.
"Hanggang dito ba naman binabasa mo pa rin 'yan?" si Vien isa sa pinakamatalik kong kaibigan.
At siya lang naman ang nakakaalam ng buong storya sa buhay ko. Naging human diary ko na rin.
Andito kami sa pinakamagandang tambayan dito sa probinsya. Sa taas ng bundok kung saan makikita ang halos kabuuan ng bayan namin.
Habang tinatanaw ang ganda ng kalikasan natagpuan ko na lang ang sarili ko na muling umiiyak.
Dali-dali kong pinunasan ang luha ko at huminga ng malalim. Lia, okay lang 'yan. Wala na, tapos na. Pangungumbinsi ko sa sarili ko.
"Sabi ko naman sa'yo 'wag na tayo pumunta rito e" si Vien na hinihimas pa ang likod ko.
Andito lang naman kami sa paborito naming lugar ni Vien na paborito ring naming lugar ni Nico.
Tumayo ako at lumapit sa kung saan pwede magzipline. Hinawakan ko ang bakal at lumapit sa pinakadulo, puro puno, kay ganda.
"Mahal mahulog ka diyan" nilingon ko si Nico at ngumiti ng napakalaki sa kaniya.
Matagal na kaming magkarelasyon ni Nico, walong taon na. At sa walong taon, walang nagbago saamin. Siya pa rin ang Nico na nakilala ko noon.
"Ano ka ba mahal, ang layo-layo kaya" inirapan ko ito at lumapit sa hawak niyang bag.
"Tara na bumaba anong oras na rin" napalingon ako sa kaniya at binigyan ng nagtatakang tingin.
Tumingin ako sa orasan ko at nakitang alas kuwatro pa lang ng hapon at hinihintay namin lagi ang sunset. Nakakapagtaka lang na nagmamadali ito ngayon.
"Mahal alas kuwatro pa lang, at wala ka namang gagawin sabi mo" sabi ko tsaka binuksan ang bottled water.
Hindi sumagot si Nico kaya nilingon ko ito at nakita kong nakatanaw ito sa malayo. Huminga ako ng malalim at niyakap siya sa likod.
"May problema ka ba mahal?" huminga ito ng malalim at kinalas ang pagkakayakap ko sa kaniya.
Humarap siya sa akin pero hindi makatingin sa mata ko. Aligaga pa ito.
"Mahal bakit?"
"Kasi a-ano" huminga ito ng malalim at hinawakan ang kaniyang ilong.
Alam ko na ito.
"Kung may kasalanan ako mapapatawad mo ba ako?" huminga ako ng malalim at hinawakan siya sa baba niya.
"Syempre naman mahal" tinitigan ko siya sa mata at nakita kong tumulo ang luha niya.
"Mahal sorry, sorry mahal" niyakap ako nito at umiyak sa balikat ko.
Ramdam ko ang hirap na nararamdaman niya dahil sa paraan niya ng pag-iyak.
Bago ito, sobrang bago.
Umiling ako at niyakap siya ng mahigpit. Hinagod ko ang likod niya at hinawakan siya aa batok.