Chapter 02
Dondrick keep running on my mind even, 2 weeks na ang nakalipas mula ng birthday ni Rosalie.
Hindi ko alam kung bakit sa simpleng paguusap namin nayon na halos 30 minutes lang ay tumatak na agad siya saakin.Tinulungan ko si Franco na buhatin ang plates na hawak niya.Architecture ang kinuha nya.While me I'm taking up Business Management.Sa totoo lang gusto ko mag PolSci kaso di ko din Ata kakayanin iyon.
"Pumasok kana,ako na magdadala ng plates ko" ngumiti si Franco saakin habang kinukuha saakin ang plates nya.Gusto ko pa sana syang tulungan magbuhat noon dahil madami syang dala kaso mahuhuli naman na ako sa klase ko.
"Sige,papasok nako,goodluck!" Tinapik tapik ko ang balikat nya bago ako nagmadali sa paglalakad papuntang building namin.Buti Hindi paako ganon ka late Sakto lang ang pagdating ko.Natapos ang mga klase sa umaga kaya Lunch time na.Wala pang text saakin si Franco.Hindi ko tuloy alam kung sabay kaming kakain ng lunch o mauuna nako.Ayaw ko naman syang tawagan dahil Baka may klase pa siya.
Sa huli ay nagtext nalang ako na mauuna nalang ako sakanya at pinaalalahanan ko din sya na maglunch.Nagpasya ako na sa Jollibee nalang kumain ng lunch.Habang nakapila at tumitingin sa mga available na pagkain ay may kumalabit saakin.
"bakit?"Hinarap ko ang kumalabit saakin at nakita ko ang nakangiti na Dondrick. Napaatras pako ng mapansin ang lapit nya saakin.
" Sabi ko na ikaw yan eh"Tumawa sya pagtapos sabihin yun.Parang 2 linggo lang ay sya ang laman ng isip ko ngayon andito natalaga sya sa harap ko,tumatawa gumagalaw pa.
Mabilis akong nagorder ng akin kaya nakaupo agad ako pero halos maubo ako ng makita ang umupo sa harap ko.
"Sabi ko ilibre moko pagnagkita tayo eh" kunwari syang ngumuso.
Napakurap kurap ako."Pero OK lang,Next time nalang hehe"
I didn't say anything, Hindi ko din manguya halos ang kinakain ko.Gosh!Ano ba ito?.
Nilapit bigla ni Dondrick ang Kutsara nya saakin.Ano nanaman ba?!
Kinunutan ko sya ng noo."Patikim ako" tinuro nya ang sundae ko gamit ang kutsara nya.Kinagat ko ng madiin ang labi ko.Naiinis ako pero nacu-cutan parin ako sakanya!.
"Bumili ka ng saiyo"-inirapan ko sya .Pero di nya inalis ang kutsara sa harap ko.
" Ang sungit mo"
"Akala ko Hindi ka masungit,kase nung sinabi ko yung EXO ngumiti ka.Pero" umiling iling pasiya.
We are not close. So bakit ako magpapakabait sakanya.
Ayoko sana magsalita ng maalala ko yung nangyari nung gabi sa Rooftop."Pano mo nalaman pangalan ko?"
Nanatili ang tingin ko sakanya,ganon din sya,ngumiti sya ng kaunti.
Na parang nagiisip."Basta."
"Bibigyan kita ng Sundae,kung sasabihin mo"
Tumawa sya pagkasabi ko non.
"Anong tingin mo saakin,uhaw sa sundae?" Tumawa pa sya lalo.Lumalabas ang dimple nya dahil doon."Hindi ako bata,gusto kolang na kausap ka kaya kunwari nanghihingi ako mg Sundae".Nginitian nya paako pagtapos non.Nagsimula na ulit syang kumain habang ako,Sinusulyapan sya.
"Kumain kana Janessa" Pakiramdam ko ay tumaas ang mga balahibo ko ng tawagin nya ako sa pangalan ko.Never ko itong naramdam kahit, sino ang tumawag saakin noon dati ay Hindi ako nakaramdaman ng ganito pero ,Bakit Sya?
"Paano mo nalaman pangalan ko?Akala koba Hindi mo alam?Bakit Gusto moko kausap?Crush mo baako?" Pakiramdam ko ay Hindi ako huminga ng sabihin ko ang mga iyon sakanya. Napatingin sya saakin bago ako sinubuan ng pagkain nya.
"Gutom lang yan"
Sabi nya bago pangisi ngisi na sinubo ang pagkain gamit ang kutsarang pinansubo nya saakin.Inis akong tumayo doon at iniwan sya.
"Janessa!" Pagtawag nya saakin napatingin tuloy ang mga tao saakin.
"Hoy!"
"Huminto ka!"
Nakakahiya sya.Ang ingay nya!
Lumabas ako sa Jollibee ng nakabusangot ang mukha.Nakakainis sya.Feeling Close!
Kainis yung mukha nya!Bakit kailangan nya akong subuan!Close ba kami?Gosh so Epal!"Hoy!Ano bakit kaba umalis doon!"
"Wag Mo nga akong kausapin!"
"Ha?"
"Sabi ko wag moko kausapin!"
"Ham and Cheese"
Kumunot ang noo ko Hindi ko nakuha yung sinabi nya nung una pero Maya Maya lang ay nagets ko din."FC" bulong ko.
"Sorry"
Napalingon ako sakanya ng manahimik sya at lumayo ng kaunti saakin.Nasaktan Ata sya sa word ko.
Inusig ako ng konsensya pero di ako makapagsorry.Kasalanan nya naman eh!Huminto ang jeep na sasakyan ko papuntang school akala ko sasakay sya pero Hindi sya sumakay.Parang pumwesto lang sya sa likod ko para alalayan akong Sumakay sa jeep.
Umandar na ang jeep at Hindi ko na matanaw ang muka nya.Pero alam Kong nakatingin sya sa jeep na sinasakyan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
A Night On the Rooftop
General FictionA night that lead them together,and a night that will also make them apart.