The Gleaming of Hope in Christmas

7 0 0
                                    

The Gleaming of Hope In Christmas:

"MALAPIT nanaman ang pasko!" masayang wika ni Tomi. Palagi siyang masaya sa tuwing sasapit ito ngunit may kaakibat din na lungkot.

Dahil sa murang edad niya ay nasa daan siya palakad-lakad. Palagi lang siyang nasa tapat ng isang simbahan. Kapag may praise and worship na nagaganap ay pinapayagan siyang makibahagi sa mga ito. Nahihiya man ay tumutuloy siya sa loob ng simbahan.

Pagkatapos ng worship service ay may meryenda na pwedeng kainin. Masayang-masaya siya na makakain ng hindi galing sa napulot sa kung saan na pagkain. Sa taong kagaya niya na ang lansangan na ang tirahan ay balewala na kung saan galing ang ilalaman sa kanilang tiyan. Ang importante ay maitawid nila ang bawat pagkalam ng kanilang sikmura.

"Marami akong natatanggap na regalo tuwing pasko mula sa hindi ko mga kilalang tao. Hindi ko na kailangan pang bumili at mainggit sa ibang bata na nakikita ko. Tuwing pasko lang ako nagiging masaya." Biglang lungkot ang mukha ni Tomi. Pasko din kasi ng mawala ang kaniyang mga magulang. Kahit gusto man niyang kamuhian ang pasko ay hindi niya magawa.

Dahil kasi sa pasko ay bago ang mga suot niyang damit at palagi siyang maraming pera at nakakain ng masarap na pagkain galing sa mga taong may ginintuang puso.

Sa edad niyang sampu ay marami na siyang nasaksihan sa kalye. Kung saan maraming buhay na naglalakad at marami na ring binawian ng buhay. Isang beses ay sa kaniyang harapan mismo. Kaya nasanay na siya sa ganitong sitwasyon.

Mga batang gumagamit ng mga hindi dapat gamitin katulad ng marijuana, rugby at kung minsan ay droga. Kaya malalakas ang loob ng mga batang ito na nasa lansangan. Kung minsan panga ay napag-tripan siya ng mga ito. Buti nalang ay may mga pulis na naglilibot sa lugar kaya hindi siya nagalaw ng mga ito.

Laking pasasalamat niya at may mga pulis kung hindi baka kung saan na siya pulutin.

Isa pa sa nagpapalungkot sa kaniya ay kapag may nakikita siyang mga pamilya na masayang magkakasama...

"Anong gusto mo Myla?" malambing na tanong ng isang ginang sa kaniyang anak. Habang nakatingin sa kaniyang anak habang may masuyong ngiti na naka paskil sa kaniyang mga labi.

Sumagot naman ang batang babae sa kaniyang Mama. "Gusto ko pong pumunta sa Jollibee, Mama!"

Binuhat naman ito ng kaniyang Papa at hinalikan sa pisngi at ito ang sumagot sa anak. "Oo naman! Kung ano ang gusto ng aming prinsesa 'yun ang masusunod." Masayang naghalakhakan ang pamilyang ito.

Naiinggit ang batang puso ni Tomi sa pamilya na nakikita niya.

Sana ganiyan din ako. Malungkot na saad ni Tomi sa kaniyang sarili. Ilang beses na niyang hiniling na sana ay buhay pa ang kaniyang mama at papa. Namatay sa isang aksidente ang kaniyang mga magulang at tanging siya nalang ang natira.

Dumaloy ang mga butil ng luha sa kaniyang pisngi habang pinagmamasdan ang masasayang mukha ng bawat pamilya sa kaniyang harapan. Pinilit niyang pigilang ang mga kumakawalang luha sa kaniyang mata ngunit patuloy lang ito sa pag daloy.

Kagagaling niya lang sa simbahan, kakatapos lang praise and worship service ng mga ito. Kaya pagkatapos niyang kumain ay umalis na agad siya. Hindi na siya nakapag paalam sa pastor na palagi siyang iniimbita sa loob ng simbahan.

Nagtungo na ulit siya sa munting bahay na kaniyang tinutuluyan, sa isang abandunadong bahay na sira-sira at hindi pa nagagawa ng may ari nito. Malapit ito sa kakahuyan, kaya hindi pansin ng mga tao.

Dito na lalong kumawala ang bawat luha na kahit anong pigil niya ay patuloy parin sa pagdaloy. Ilang pahid man ang gawin niya ay hindi parin tumitigil. Katulad ng pag asam niya na sana, sana isang araw
ay bumalik muli ang kaniyang pamilya.

The Gleaming Of Hope In Christmas(oneshot, Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon