Di Lang Ikaw (One Shot Story)

160 2 6
                                    

Di Lang Ikaw

(A/N: Inspired by Di Lang Ikaw - Juris Fernandez play video on the right side. Inspired din po sa kwento ng Friendship ko. Sa kanya dedicated ang one shot na to.)

--------------------------------------------

“Kahit anong mangyari babe, tatandaan mo lagi na mahal na mahal kita. Na wala akong ginawa at gagawin na ikapapamahamak mo. Huh? I love you sooo sooo much babe.” Sabay halik niya sa noo ko habang nakayakap siya sakin.

Nagpipigil ako ng tawa. Ano kayang nakain neto at nagpapakacheesy? Hindi naman ganito toh. “Blahblahblah! HAHAHA! Kung ano anong pinagsasabi mo babe. Mamamatay ka na ba hah? HAHAHA! Cheesy mo ah!” Sabay hampas ng mahina sa kanang braso niya. “Ito naman! Masama bang lambingin ang pinakamamahal kong baby? Ha? Ha?” Sabi niya habang pinipisil ang baba ko. “Ehh kasi naman babe, ang cheesy mo! Kasuka ka ah!” Pero sa loob loob kinikilig talaga ako. “Basta babe, tatandaan mo lagi na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Higit pa sa buhay ko. Okay?” Sabi niya na medyo nanginginig ang boses.

“Babe, ano ba? Kinakabahan na ako sayo ah? Anong meron?” Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka. “Haha! Wala babe. I just want you to know how much I love you. Okay? Wag mong kalilimutan yun ah?” Bakit parang may lungkot sa mga mata niya nang sabihin niya yun? Baka napapraning lang ako. “Opo. Hindi ko po kakalimutan yun. At mahal na mahal na mahal din kita babe.” Sagot ko sa kanya na medyo natatawa. At muli ay niyakap niya ako ng mahigpit saka hinalikan sa ulo. “Kahit anong mangyari, kakapit lang tayo. Tiwala lang. Lalagpasan natin ang lahat ng problemang darating satin. Mahal na mahal kita.” Bulong niya.

Tandang tanda ko pa ang gabing yun, dalawang buwan na din ang nakalipas. Halos mamatay ako sa katatawa dahil sa pagkacheesy niya. Ang hindi ko alam..

Huli na pala yun.

Yun ang huling gabi na naging masaya kami. Kinabukasan nung gabing yun, pumasok ako sa university na may pagtataka kung bakit hindi man lang ako nakatanggap kahit na isang text galing sa kanya. Tanghali pa ang pasok ko nung araw na yun, at sa pagkakaalam ko umaga ang pasok niya.

Madalas sinusundo niya ako pagkatapos ng unang klase niya. May 1 hour and 30 mins break siya. Hindi rin naman kalayuan ang bahay naming sa university at may sarili siyang sasakyan. Sapat na yun para masundo niya ako sa bahay at makabalik ng university bago mag second class niya, ako naman first class.

Pero hindi niya ako sinundo nung araw na yun. Kaya nagcommute nalang ako papasok. Laking gulat ko nang salubungin ako ng best friend ko pagkakita niya sakin na pumasok ako ng university. Madalas naman kasi nasa canteen ‘to at dun ako hihintayin.

“Iyen, anong nangyari?” Sabi ng best friend ko na si Chichi. “Huh? Anong anong nangyari? Eh?” Tanong ko sa kanya. Kasi maski ako walang idea sa tinatanong niya. “Seryoso ka diyan Iyen? Hindi mo alam?” Tanong niya na parang gulat na gulat. “Hello??? Common sense Chi! Magtatanong ba ako kung alam ko? Like duh?!” Sarkastikong pagsagot ko kay Chi. “So, hindi mo alam na sabay pumasok si Adrian at si Irish?” Napanganga ako sa sinabi niya. Sobrang gulat na gulat.

Di Lang Ikaw (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon