👻Part 1:👻

1 0 0
                                    


Sa araw-araw kung pamumuhay, may mga nakikita ako na sari-saring tao sa paligid. Sanay naman na ako na makita sila everyday pero....hindi sila yung normal na tao na inaakala nyo.

Kailangan mo lang silang wag pansinin kapag nakita mo sila at wag kang tumingin sa mga mata nila, dahil siguradong hindi kanila ta-tantanan.

[November 7, 2020_Saturday]
May nakita ako kanina na kakaiba, iba sa mga nakikita ko sa araw-araw, kung karamihan sa araw-araw ang lagi kong nakakasalubong ay yung may mga walang paa, duguan ang katawan, ay may mga gumagapang pero iba ang isang to, hindi sya katulad ng iba, hindi ko sinasadya na mapatingin sa mata nya.

Kaya nangilabot ako ng makita ko iyon at nagtagpo ang aming mga paningin, hindi ko maalis ang mata ko sa kanya, isa lamang syang kaluluwa na walang pakiramdam at ang tanging gusto lamang ay manakot ng iba.

Pero ang nakapagtataka hindi nya ako sinundan, imposible...naisip ko na napaka imposible na hindi ka susundan ng mga sumakabilang buhay na, lalo na at alam nila na nakikita mo sila.

Bakit kaya ganun lamang ang pagtingin sakin ng multong nakasalubong ko ?
Bakit nya ako hindi sinundan ?

[Done at 5:39 pm]

Natapos ko nang isulat ang nangyari ngayong araw na kakaiba, sinusulat ko talaga ang mga bagay bagay na nangyayari pero depende yun kung kakaiba, pero kung wala naman din na halaga, hindi na ako nagaaksaya pa ng oras para ilagay sa diary ko.

*****
Normal na araw nanaman sakin ito, wala akong magulang nanglumaki ako, dahil sa nakakaiba ako natakot ang pamilya ko sakin dahil daw may ganito akong kakayahan. Kaya ang ginawa nila pinadala nila ako sa ampunan, pero shempre di nila sinabi ang totoong dahilan kung bakit nila ako pina ampon. Lumaki ako sa ampunan, pero dahil malaki narin naman ako ay umalis na ako doon, binibigyan ako ng pamilya ko ng pera, pero shempre, ipapadala lang nila yun dahil ayaw nila akong makita.

Kahit pina ampon nila tinutulungan parin naman nila ako, yun nga lang may sarili akong bahay kung saan dating bahay ng Lola ko. Masyado daw nakakatakot ang bahay nato, pero dahil sanay na ako na makakita ng mga kung ano-ano, ako na tumira rito.

Pumasok na ako sa school ilang minuto ang nakakalipas, tahimik lamang akong nakaupo at pinagmamasdan ko ang mga kaklase ko, hindi nila alam na may kakayahan akong maka kita ng mga sumakabilang buhay na o mas kilala sa tawag na third eye daw.

Hindi nila pwedeng malaman na nakakakita ako ng ganun, dahil lalayuan nila ako at siguradong kakatakutan nila na yun naman ang ayaw kong mangyari.

At maslalong hindi rin nila pwede malaman na may diary ako na syang ilang taon ko nang tinatago simula noong bata pa ako.

" Good Morning "
Sabi naman nang katabi ko, sya ang katabi ko, lilinawin ko lang tao sya at hindi multo.
Hindi alam ng mga kaklase ko na may mga katabi sila na hindi nila nakikita at pinaglalaruan lang sila. Kung mahuhuli man ako ng mga multong iyon ang ginagawa ko nalang ay bumabati ako sa kung sinong tao ang kanilang pinaglalaruan para hindi nila malaman na nakikita ko sila.

" Good Morning "
Sabi ko naman sa kanya na seryoso lang ang tono.

" Wow ang lamig naman ng bati mo sakin "
Nakangiti pa nitong sabi habang nakaupo sa tabi ko.

" Ah... "
Sabi ko lang, hindi talaga ako palasalita sa mga kaklase ko isang tanong isang sagot lang kung baga.

" Ah....? Aysus...wag ka namang masyadong tumahimik dyan Mian, magsalita ka rin pa minsan minsan hindi ka ba nababagot kapag wala kang kausap ? "

" Hindi "
Sagot ko naman.

" Tss...ah ewan ko sayo Mian, boring mo talaga kausap...kaya walang masyadong gustong kumausap sayo eh, hindi ka masyadong palasalita "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miannes Secret DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon