Five more days, yun na lang ang hihintayin ko at makukuha ko na din sa wakas ang laptop ko. Hahaha... kating kati na akong maglaro ng online games. At higit sa lahat ay mas magiging madali na ang paggawa ko ng assignments. Helpful naman yung mga books, pero mas madali lang talaga kung titignan mo na lang sa internet eh. Lalo na kung di ko maintindihan ang nakasulat sa libro, madaling maghanap ng examples online. Di ako makapaniwala na nakasurvive ako ng isang buwan na walang Internet.
Tulad noong mga nakaraang araw, nagpakabait talaga ako. Nakinig ako sa klase, gumawa ng assignment, at lumayo sa kahit ano mang trouble. Akalain mo yun, kaya ko pa lang magpakabait.
Akala ko matatapos ko na ang isang buwan ng walang problema. Kaso biglang may nanyari...
Recess na at excited akong kumain dahil sabi sakin kanina ni Cris na pinagluto daw siya ng mama nya. May ari sila ng isang kainan at napaka sarap magluto ng mama niya. Pero ilang minuto na ay di pa bumabalik si Cris mula sa C.R., sabi nya kasi sabay na kaming pumunta sa puno pagbalik nya. Naisip ko naman na baka mahaba ang pila kaya naghintay pa ako ng ilan pang minuto, pero ang tagal nya talaga. Naiinip na ako, kaya naman naisip kong puntahan sya. Pero bago pa ako makalabas ng classroom, biglang pumasok si Cris. Magulo ang buhok, medyo lukot ang damit, at hingal na hingal.. Ang weird, di ganyan ang karaniwan nyang itsura. 'Sorry, tara! kain na tayo' nakangiting sabi nya.
'Bakit ganyan itsura mo? C.R. ba pinuntahan mo o gera?' pang-uusisa ko sa kanya.
Inayos nya ang buhok nya bago sumagot 'siksikan kasi sa pila kanina eh' sabi nya habang bahagyang tumatawa.
Di ako kumbinsido sa sagot nya pero di na ako nakapang-usisa pa dahil mabilis nyang kinuha ang malaki nyang baunan at nagmamadaling lumabas. Siguro ay gutom na gutom na sya.
Di pa doon natatapos ang kaweirdohan ni Cris. Habang nagkaklase kami, himalang di sya dumadaldal at panay lang ang tingin sa orasan sa harap ng room. At paglabas ng teacher agad syang tumayo. 'C.R. lang ako' mabilis nyang sabi.
'Tara, sabay na ko' sabi ko.
Mabilis syang umiling sabay sabing 'ano tayo? Babae? Laging sabay mag C.R.? Diyan ka na lang' tapos nagmamadaling umalis.
Luh! parang sira, naiihi na rin kaya ako.
Niligpit ko muna ang gamit ko bago lumabas para magC.R.. Kaunti na lang ang tao sa hallway, siguro kasi malapit ng magsimula ang susunod na subject. Kapansin pansin din na wala ng pila sa banyo pero bakit parang di ko pa nakasalubong si Cris na pabalik ng room? Asan na kaya yun? Tapos bigla akong may narinig na kumalabog sa C.R.. Nagmadali akong lumapit dun pero bago pa ako tuluyang makalapit ay isang grupo ng mga lalaki ang lumabas mula sa banyo at nagtatawanan. Pagpasok ko, walang tao sa loob. 'Cris?' malakas kong tanong.
'Oy!' tugon nya mula sa loob ng isang nakalock na cubicle. Halatang may kakaiba sa boses nya. Para syang nagpipigil.
Bahagya akong lumapit at kinatok ang saradong pinto. 'May nanyari ba sayo? Ang tagal mo magC.R. eh' pang-uusisa ko. Nag-aalala kasi ako para sa kaibigan ko.
Mahina syang tumawa pero nasa boses nya pa rin yung kung anong sakit man ang nararamdaman nya. 'Ano kasi... Nakakahiya, pero... nag-eLBM kasi ako' nahihiya nyang tugon.
Nagulat ako.. tokwa yan, yun pala ang dahilan. 'Pambihira ka, nag-alala pa naman ako. Ang kulit mo kasi, sabi nang wag ka ng kumain nung sweet corn kasi ang dami mo ng baon pero di ka nakinig. Hintayin mo ko, ikukuhakita ng gamot sa clinic' sabi ko sa kanya.
'Wag na, kaya ko naman' sabi nya mula sa loob.
'Manahimik ka, ituloy mo na lang yang meeting mo. Babalik ako agad' sabi ko sa kanya bago tumakbo papuntang clinic. Binigyan na rin ako ng bottled water ng Nurse. Pagbalik ko ay nakatayo na si Cris sa harap ng salamin at tinititigan ang kanyang sarili. Ibinigay ko sa kanya ang gamot at sinabihan syang pumunta na lang muna sa clinic para makapagpahinga. Sabi ko rin, ako na ang bahalang magsabi sa mga teachers ng nanyari bago bumalik sa room. Nalate ako at nakalimutan ko na rin na naiihi pala ako.
Isa pang nakakapagtaka kay Cris ngayong araw ay yung pagmamadali nyang umuwi. Madalas kasi kaming magpahuli sa paglabas ng room para iwas sa siksikan tapos dadaan muna sa canteen para bumili ng pagkaing titirahin namin habang naglalakad. Pero ngayon sya ang pinaka unang lumabas sa room. Sa pagmamadali nya nga nakalimutan nya pang isara ang bag nya at di namalayang nalaglag na yung pencil case nya at di na rin ako hinintay. Nagmadali din akong lumabas para habulin sya at ibalik ang gamit nya kaso siksikan na sa hallway kaya di ko na sya inabutan.. Bahala na nga lang, bukas ko na lang ibabalik ito sa kanya.
Pumunta muna ako sa canteen para bumili ng siopao at royal na kakainin ko habang naglalakad pauwi. Medyo tahimik na sa school. Marahil siguro karamihan sa mga studyante ay nakauwi na at ang mga naiwan na lang ay yung mga may club activities at mga tulad kong di agad umuwi at piniling tumambay muna sandali sa school. Palabas na ako ng gate ng maalala ko na may reading assignment pala ako sa English. Sa katapusan pa Naman ang due nun pero maganda ng mauna na akong manghiram dahil limited lang ang copy ng librong iyon.
Nasa kabilang building ang library. Tinignan ko ang oras mula sa aking relo, 3:47 na at 6pm magsasara ang library. May oras pa ako kaya naman ninamnam ko muna ang pagkain habang naglalakad para saktong tapos na akong kumain dahil bawal ang pagkain sa loob ng library. Pero nang malapit na ako sa tawiran papunta sa kabilang building ay narinig ko ang boses ni Cris.
'Itinago ko naman pareho 'yon' nangagatog nyang sabi.
Tanaw ko sila mula sa pwesto ko, nakaluhod si Cris sa lupa habang hinahalughog ang bag nya. Tapos tatlong lalaki ang nakapaligid sa kanya. Pamilyar sila sa akin pero di ko sila kilala. Baka mga taga-ibang section. Nagtago ako sa likod ng pader. Di ko alam kung bakit ko iyon ginawa pero feeling ko eh yun ang tamang gawin.
'Bobo ka ba? Bakit mo winala yun?' mahinang bulyaw ng lalaki. Habang nangingilid ang mga luha ni Cris
'Nasa Pencil case ko lang yun eh, kaso di ko mahanap,' sabi ni Cris na patuloy pa rin sa paghahalughog sa gamit nya.
'Di ba nasa iyo yung pencil case nya,' biglang bulong sa akin nung multo na ikinagulat ko. 'Dali, tignan natin kung anong laman,' pagpapatuloy nya.
Agad kong kinuha ang pencil case ni Cris sa bag ko ng di sumasagot sa kanya. Sa loob ay may USB na may logo ng school at isang bondpaper na itiniklop ng pagkaliit-liit kasama ang mga ballpen at kung ano ano pa. ito ba ng hinahanap ng mga lalaking iyon kay Cris?
Natigilan ako ng biglang napahiyaw si Cris. Kwinelyohan na siya ng isa sa mga lalaki, pulang pula ang mukha nito sa gigil. Kaya mabilis kong ibinalik ang pencil case sa bag ko, pero bago pa ako makapagsimulang lumakad palapit sa kanila at ipagtanggol ang kaibigan ko ay biglang na lang ako hinawakan sa balikat ni RiRi.
'Si Ma'am Perez! Tanungin mo yung title ng libro,' sabi niya habang itinuturo si ma'am na tanaw naming mula sa binta habang naglalakad.
'Huh?' naguguluhan kong sagot sa kanya.
'Lakasan mo! Dali!' malakas nyang bulyaw sa akin sabay tulak ng bahagya. Saka ko pa lang na gets ang gusto nyang mangyari.
'Wait po ma'am! Ma'am Perez, may itatanong po ako,' malakas kong sigaw. Saka ako naglakad ng mabilis papasok sa kabilang building. 'Ma'am Perez!' muling sigaw ko bago lumingon si ma'am sa aking direksyon.
' Yes, Makisig? Anong itatanong mo?' natatawang tanong niya sa akin.
Sumulyap ako sa binta at doon ko nakita ang mga lalaking nagtakbuhan at naiwan si Cris na nakaupo sa damuhan. 'Ano nga po ulit title ng book nagagawan mo naming ng report?' tanong ko kay ma'am kahit alam ko naman ang sagot.
Sinagot naman ni Ma'am Perez ang tanong ko at pinagsabihan ako na huwag na ulit sisigaw habang tumatakbo dahil baka makaistorbo ako sa mga ibang studyante. Nagpasalamat ako at agad na tumungo sa library para manghiram ng libro. At pagbaba ko ay wala na si Cris.
Pag-uwi ko ay agad akong kinuha ang pencil case ni Cris para usisain. Bukod sa USB ay wala namang kakaiba sa mga laman nito. Kinuha ko ang papel at binuksa ito. Laking gulat to ng makita ang nakasulat dito, ito'y sample exams ng science, math at A.P. para sa parating na prelimenaries. Agad kong nilukot ang papel, ayokong tignan ang laman nito.
'Anong gagawin mo ngayon?' tanong ng multo na nakaupo sa kama ko. Ngayon lang sya nagsalita ulit mula kanina.
Humarap ako sa kanya, 'Di ako sigurado, pero kailangan ko ito ibalik sa teachers,' sagot ko sa kanya.
Tumayo si RiRi at lumapit sa akin. 'Mayroon akong idea,' sabi niya habang nakapamewang at nakangiti.
BINABASA MO ANG
Lips of an Angel
Fiksi RemajaNaniniwala ka ba sa mga anghel? Naniniwala ka ba sa isa pang pagkakataon? Naniniwala ka ba na kahit gaano ka pa katalino o kagaling ay marami ka pang pwedeng matutunan? Naniniwala ka bang maaari ka pang makabawi sa na pagkakamali mo sa nakaraan? Ako...