Chapter:7

25 2 0
                                    


[Chapter:8] Third Person POV

Isang buwan ang lumipas simula mangyari ang kababalaghan sa eskwelahan nila Francheska Celestine.
Maraming araw na patuloy pa itong nangyayari dahil na rin sa kapabayaan ng gobyerno.



Ang kanilang eskwelahan ay sinimulan ng isarado at wala ng makakalabas...
Ang tanging paraan lamang upang makalabas dito ay makapagtapos ka ng pagaaral. Nilagyan ito ng matitibay na bakal at isang malaking gate upang walang sino man ang makakalabas at makakapasok sa paaralan na 'yon. Wala ring nakakaalam kung saan nga ba ang gate at kung papaano ito buksan.



Maraming nakamasid at nakabihis lang ng kagaya sa mga estudyante, ngunit mayroon itong taglay upang pumatay ng tao na nabibilang sa kanilang baitang. Nararapat lamang na patayin nila ang kanilang kaklase upang mabawasan at patuloy na lumakas ang pwersa ng paaralan.


Hindi pwepwedeng makilala ang mamamatay tao dahil maari silang maparusahan ng bagong punong guro ng eskwelahan. Kagaya ng isang normal na paaralan ay nagaaral pa rin ang mga estudyante. May mga activities at contest din upang mapalayo sa'yo ang mamatay tao na balak ka ng isunod. Sa ganung paraan ng sistema ay maproprotektahan mo ang iyong sariling buhay maging ang pamilya mo na ngayo'y malayo sa'yo.



Nagpatayo ng dorm sa napakalawak na building sa may tapat lamang ng higschool department. Nagpatayo rin sila ng mini market, cafeteria, at kung ano ano pang bagay na maaring magagamit ng estudyante upang magkaroon ng supply.

Pinauwi sila ng araw na yon at agad na inanunsiyo na sinakop na ang kanilang paaralan at wala na ring magagawa ang gobyerno ukol dito... Kailangan na lamang nilang sumunod sa batas at kinakailangan nilang makagraduate para na rin sa kanilang kaligtasan. Nagaalala man ang lahat ng kanilang magulang ay wala na rin silang magagawa.





May isang nagtangkang hindi bumalik matapos ipaimpake ang mga dadalhin ngunit bigla na lamang silang naglaho ng buong pamilya niya. May nagsabing baka napatay na silang lahat at sa takot na rin ng iba ay wala ng muling nagtangkang tumakas.




Dalawa hanggang tatlong linggo na silang tumitira sa dorm dahil agaran itong isinagawa upang dito na rin manirahan ang mga estudyante. Binigyang laya ang lahat ng batang nasa elemantarya at iniwan lahat ng Senior High School Students, Junior Highschool Students, at kalahati ng College Students na may kursong nalalapit sa Agham.



Maraming natatakot na baka ito na ang kanilang huling buhay at hindi na sila makakagraduate pa... Tanging lakas ng loob at kompetensiya na lamang ang pilit nilang pinanghahawakan upang makaligtas sa panahong ito.






Nasa silid sila ngayon habang nagaaral ng signaturang Science ng biglang isang lalaki ang pumasok sa pintuan. Puno ng kaba si Cheska habang tinitignan ang lalaking duguan na at ngayo'y naghihingalo na sa sobrang kasikipan ng tali sa kaniyang leeg. Tanging saklolo ay hindi nila pwe-pwedeng ibigay dahil baka sila ang isunod ng mamamatay tao sa kanilang eskwelahan.



"Close your eyes..." sabi ni Erick habang tulala lamang na nakatingin si Celestine sa lalaking ngayo'y bagsak na, ngunit humihinga pa.


Nakatitig lamang silang lahat dito habang nakatulala na rin si Sir K na kahit nakasanayan na nila itong nangyayari ay gulat pa rin ang laging reaksiyon nila...
Agad namang may dumating na guwardiya at dali daling kinaladkad ang duguan na lalaki hanggang sa maiwan na lamang ang mga bakas ng dugo nito sa sahig.

Binalik naman nila ang kanilang mga atensiyon kay Sir K na muli ng nagtuturo habang nililinis na ng janitor ang dugong dumanak sa sahig sa labas ng kanilang pinto. Sanay na sila sa mga ganitong ganap at wala silang magagawa kung hindi ang manahimik na lamang.




Until We Meet Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon