BIRTHDAY

11 1 0
                                    

Tahimik akong naglalakad ng prente sa kalsada na tila pag-aari ko ito. Well, sa gilid naman ako naglalakad at hindi sa gitna. Magalit kayo kung nasa gitna ako, pero wala kaya bati-bati muna.

Kakagising ko lang at bibili sana ako ng makakain ng may maalala.

"Birthday ko nga pala!" Saka ako tumawa at naexcite kung sino ang mga babati sa akin.

Pumasok ako sa favorite bakery shop ko at nag-order doon saka tinignan ang phone ko para sana maghintay ng mga greetings.

Pero nakalipas ang isa't kalahating oras, wala akong natanggap ni isa.

"Baka busy. Sige, sige, may mamaya pa naman, Shelly." Bulong ko sa sarili para pagaanin ang loob.

Naglakad na ulit ako pabalik ng apartment ko at naghihintay pa rin ng greetings para sa'kin.

Pero nakapaglinis na ako ng apartment ko't llahat-lahat wala pa ring mabati. Maghahapon na nga, eh. Hays.

Busy pa ba sila? Hindi man lang makaagaw ng time para man lang sa isang 'Happy Birthday, Shelly'?

Nakaidlip na ako at nagising ng 8 pm.

"Ang tagal ko namang nakatulog?" Naibulong ko na lang at nag-ayos na ng sarili bago nakangiting chineck ang phone ko kaso unti-unti iyong nawala.

"Wala pa rin..."

Lumabas na lang ako para sana mag-isang icelebrate ang birthday ko sa bakery shop kanina.

"Birthday ko, diba? Dapat happy ka lang, Shelly!"

Inenjoy ko lang ang inorder kong cupcakes habang naglalakad ako sa kung saan-saan mapadpad ng paa. Nakatingin ako sa stars dahil dumagsa ito ngayon at ang ganda lang titigan.

Nang sa wakas ay makarating na ako sa lagi naming tinatambayan na bangin kung saan kita ang buong city namin, napaupo na lang ako doon at sumandal sa puno saka tinitigan ang mga magagandang ilaw sa ibaba.

"Hindi kaya nila naaalala?" Tanong ko habang nakatulala pa rin sa magagandang ilaw.

"Hmm. Kung hindi, edi hindi. I-celebrate ko na lang ng mag-isa. Okay rin 'yon, at least nacelebrate ko."

Tulad ng naisipan, mag-isa kong cinelebrate ang birthday ko.

Nagulat pa ako ng magring ng malakas ang phone ko kaya napabangon ako. Pagtingin ko, si Angelise (eyngelis).

"Nakatulog ulit ako? Tapos nagising ng mag-12 am?!" Gulat na sabi ko at sinagot na rin ang tawag.

"Hmp! Ang tagal mong sagutin, kanina pa ako natawag!" Bungad niya.

"Sus, kayo nga hindi ako binati kahapon!" Kahapon since 12 na.

"Ha? Pero hey, punta ka dito. Now na, ha. We'll wait." Nagtataka man, naglakad na rin ako papunta sa bahay nila. Mm, malapit lang naman. Walking distance.

12:13 am na ng makarating ako sa bahay nila Alise at nakitang patay na lahat ng ilaw sa bahay nila.

"Hala, tulog na ata lahat. Bakit pa ako pinatawag?" Nagkibit-balikat na lang ako at dahan-dahang pumasok.

"Uhm.. Angelise?" Pabulong na tawag ko para walang magising.

"Hello!" Napatalon ako sa gulat ng sumulpot bigla si Tita, mommy ni Angelise.

"Tita, ang dilim sa bahay niyo. Hindi ka ho ba nakabayad ng kuryente niyo?" Natawa siya.

"Mapagbiro ka talagang bata ka." At mas napatalon pa ako sa gulat ng may malalakas na boses ang sumigaw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One ShotsWhere stories live. Discover now