Therra P.O.V.
Pagkatapos ng klase ay dumeretso kami ng canteen ngunit nagsimula nanamang mangulit si yeri tungkol kanina
" Hoy umamin ka nga saakin nakipagaway ka ba?" Takang tanung nito tss ano naman ang aaminin ko sa kanya kalokohan
" Iba ang nakipagaway sa napaaway naiintindihan mo?" Sagot ko sa kanya at saka huminto upang tignan siya
" E! di nakipagaway ka nga letseng to " Sigaw niya
" Bakit ba sumisigaw ka? Malayo ba ko?" takang tanung ko sa kanya
" Ano?" Bigla uling sigaw niya lintek nakkarindi Dahil sa inis ay nagsimula nakong tahakin ang daan sa canteen narinig ko pang nagsisigaw si yeri kasabay nun ay gulat akong napatingin sa braso kong nakapuloputan ng kamay niya
" Lintek ka din magdrama bessy Jinojoke lang naman kita kung makapagwalk out ka para ka namang sumasali ng pageant e ang pangit mo naman letse " Reklamo niya sabay tumawa magisa
' Abnormal ang king ina ' sabi ko sa isip
Sabay kaming pumasok sa canteen at naghanap ng pyesto at kumain ngunit sa kamalas malasan nga naman ay may pasingit talaga sa buhay akalain mo nga namang palaging sumasakto sa kainan ang topak ng presidenteng to. Naturingang Presidente di alam ang salitang break king inang yan
" Ms. Prism Ipapaalala ko lang sayo na kailangan mong umayos bilang istudyante sa paaralang ito " Paalala ng presidente
' E kung ipaalala ko sayong snack break ngayon baka usong kumain muna di ba'
" E ano naman pake ko? " Nagtatakang tanung ko at saka hinarap siya
' Lintek na to kapag talaga ako nagkaulcer dahil sa pabida mo ipapasara ko talaga ang king inang canteen nato ' inis na sagot ko sa isip
" Ano? Kahapon ay hinayaan ko ang pangbabastos na ginawa mo sa buong Student council at ngayon nalaman kong may binully ka " Mababakasan ang galit ng presidente saakin at saka ko hinatak ang neck tie niya
" Binully? Iharap mo sakin ngayon ang tinutukoy mo para magkaalaman tayo " Pagdadahilan ko saka nila inilabas ang babaeng tinutukoy nila
' Eh? Yan yung sumabunot bigla sa buhok ko kanina di nga ako nakaganti lintek kala ko tuloy mababawasan ang anit ko kanina'
" Siya" turo ng isang student council lintek tignan mo nga naman talaga ang trip ng babaeng to ako pa naging masama
" E ano naman ang ginawa ko sayo?" Nagtatakang tanung ko sa babaeng kakapasok lang sa eksena
" Eh? You...." Nauutal na panimula nito lumapit naman ako sakanya at saka hinawakan ang mukha niya at sinipat ito
' Ni wala ngang galos ang mukha nito Hindi man lang mamili '
" May Nakaaway ako kanina lang kung kasali ka edi ikaw ang sumakit saakin at hindi ako ang sumakit sayo " Nakangising tanung ko at saka yumuko upang bumulong sa kanya
' Alam kong magaling kang umarte kaya pagbibigyan kita simulan mong umarte para naman hindi masayang ang effort ng boss niyo kase pag yan napahiya siguradong drop out ka " Nakangising pagpapaalala ko sakanya kaya bigla na lang siyang umiyak at saka ako lumapit sa presidente
"What the hell did you do? " Galit na tanung nito
' Pinayuhan ko lang kaso umiyak ng dahil sayo 'sarkastikong sabi ko na lang sa aking isip
BINABASA MO ANG
Trapped into Bad Girl's Love [Completed]
Teen FictionCién University isang prestigous school kung saan mga matatalino at mapeperang istudyate ang mga nakakapasok sa paaralang ito Anong mangyayari sa paaralang ito kung makapasok ang pinaka walang galang at masungit na babae sa loob ng paaralan? Hindi...