Chapter 10 - Night Changes

345 5 1
                                    

Pagkatapos ng team building ay nagpunta ang group namin sa La Trinidad, Benguet para sa strawberry picking activity namin. Kaya lang, habang namimitas na kami ng strawberry ay biglang umulan. Nung una, hindi namin ininda yung ulan kasi medyo mahina naman. Kaya lang maya-maya pa ay lumakas na ulit. Hindi namin maisip kung saan galing yung ulan na yun eh summer? Pero sabagay, hindi naman ibig sabihin nun ay completely wala ng ulan. Buti na lang ay patapos na rin kami sa pamimitas nung lumakas yung ulan. 

Sa pamimitas, pwedeng yung mga hindi pa masiyadong hinog ang kunin mo. Advisable ‘to lalo kung hindi naman kakainin agad at iba-byahe pa. Drew and I agreed to buy two basket of strawberries at hatian din ang bayad, siyempre. Yung isang basket puno ng mga strawberry na hindi pa masiyadong hinog para pasalubong kina Bianca, Josh and Ian. Yung isang basket naman, halo ng mga hinog at hindi pa hinog na strawberry. Paghahatian namin yun ni Drew at kakainin mamaya sa hotel. Yung mga hindi hinog, iuuwi namin at hahatiin para may makain sa kanya-kanya naming bahay. 

Ngayon naman ay nagpahinga muna ang lahat bago mag-dinner. Nagpunta na ko sa room nila ni Ate Lenny para hingiin yung stubs ko for the free dinner for four.


“Hi, dear.” bati ni Ate Lenny pagbukas niya ng pinto. “What can I do for you?”
“Ate Lenny, uh…” I didn’t realize that this might be a bit awkward. Parang nanghihingi ako ng pera.

Naku naman Cassandra, dapat hinintay mo na lang ibigay sa’yo. Yan tuloy para kang namamalimos.


“Hon, who is it?” rinig kong sabi ni sir Pascual mula sa loob ng room.

“It’s, Cassandra.” sagot ni ate Lenny. “Yes, dear? May problema ba?”
“Oh, I think I know why she’s here!” sagot ni sir Pascual dun sa loob. 

I felt relieved. Kahit papano, hindi ko na nga kailangan mag-salita. Maya-maya lumapit na si Sir P sa pinto at iniabot ang dalawang stubs. Dalawa? Hindi ba good for four ito? 

“Salamat po sir! Sorry po pero nagtataka lang ako bakit dalawa lang po ito? Sabi niyo po kasi good for four? Good for two po ba yung isang ticket?” I know I sounded desperate pero mas mapapahiya ako mamaya kung apat ang sinama ko pero dalawa lang ang pwedeng kumain.


“Ay sorry, Cassandra. I forgot to tell you, dalawa lang pala ang stub na nakuha ko. Nagamit na pala namin ni Lenny yung 2 pairs. I’m really sorry. Pero the restaurants really great and I think you’d still enjoy your stay there.”

I was a bit disappointed pero dahil blessing pa rin ito at bakit ako magre-reklamo pa ay nagtanong na ulit ako,

“Saang restaurant po ba pwedeng gamitin ang mga stubs na ‘to?” tanong ko. 

“Sa Carrie’s diner.”

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang apat sanang tao na isasama ko ay sina Drew, Megan at PJ. No-brainer naman na ‘yun. Siyempre si Drew kahit na medyo moody pa rin. Isasama ko rin si Megan kasi gusto ko nga silang i-set up ni Drew. At si PJ. Well, mukha namang worth it siyang isama. Kasi para may kasundo rin si Megan. I noticed na si Megan ang pinaka-close na babae ni PJ sa co-volunteers ko. They always talk and laugh with each other. Though, parang wala namang malisya. Para nga silang mag-kuya eh. So if ever ma-out of place si Megan sa amin ni Drew sa dinner, at least he has PJ. Yun lang, yun lang ang rason bakit isasama ko si PJ.

Anyway, ngayon naman isa na lang ang pwede kong isama. No-brainer pa rin yun, of course. Si Drew isasama ko. Siyempre, best friend ko ‘yun. And I think kailangan kong bumawi sa kaniya. HIndi ko alam kung bakit kailangan pero nararamdaman kong nagtatampo ang best friend ko. Dahil ba sa deal na ginawa ko? Medyo uncool ngayon pero kasi naman, di naman niya kailangan sumama!

Oops, Cassandra, manunuyo ka ng lalaki diba? Calm down. 


Bumalik ako sa kwarto namin kung saan naglalaro sina Megan, Drew, Frieda at Paulo ng Uno cards. Mukhang intense na ang laban dahil medyo naririnig ko ang sigawan nila mula sa labas ng pinto. 

“I’m back!” sigaw ko. 
“Cassandra, ang daya mo tumakas ka.” sabi ni Frieda habang nakatingin sa card niya. 
“Saan ka ba nagpunta, Cassandra? Nakipag-date ka no?” tukso naman ni Megan. 
“Speaking of date…” simula ko at napatingin silang lahat sa akin. “Chill guys, hindi ako nakipag-date kanina. Grabe naman, wala pangang 15 minutes nung nawala ako!” Bumalik na silang lahat sa paglalaro so I cleared my throat and that got their attention again.

The Leading ScorerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon