"Sure ka bang okay ka na at pumasok ka na?" Sabi sa akin ni Mira.
"Hello? It's been two days since nung nakauwi tayo! Ano bang akala mong nangyari sa akin? Na-coma? Hahaha" sagot ko naman sa kanya.
Kakatapos lang ng klase namin at naglalakad kami ngayon papuntang school garden. Nakabalik na kami galing Baguio. And two days din akong hindi
Pumasok sa school para masigurado na okay na ako."Teka, nasimulan mo na ba piece mo for final examination?" Tanong sa akin ni Mira.
"Hmm. Hehe. Not yet. Haha wala ako motivation eh." Sagot ko.
So my final exam for Fine Arts subject is about portrait. We need to submit portrait ng isang tao or bagay na may malaking impact sa buhay namin.
"Aba pinapaalala ko lang sa'yo na by the end of the month submission ha? Ano nga pala yung theme ng portrait?" Sabi naman ni Mira sa akin.
"Wala pa akong nagagawa pero may idea na ako. Hmm about Changes daw yung theme eh" Sabi ko naman sa kanya.
Nag roll eyes lang siya sa akin. Iniisip kong portrait ng aso na lang namin ang gawin.
"Oh musta pala kayo ni Calix?" Tanong naman nya.
"Huh? Hmm. Okay naman. Bakit? Ano meron? Dapat ba may update sa amin?" Sagot ko.
"Okay na as in okay? Wala naman. Pansin ko kase hindi sya masyado umaaligid" sabi naman nya.
"Oh 'di ba mas okay nga 'yon para matahimik naman ang buhay ko." Sabi ko naman.
Napansin naming nagkukumpulan yung mga students sa bulletin board na halos hindi na kami makadaan.
"Uhm, excuse me. Excuse po" sabi ko habang pinagsisiksikan ko ang sarili kong makadaan. Ano bang meron at nakaharang mga 'to sa daan nakakainis.
"Uy teka sya 'yan 'di ba?" Narinig kong sabi ng isang lalake.
"Uy oo nga sya yan! Classmate ko yan sa isang subject" sabi naman ng isang babae.
"Excuse ho makikiraan" patuloy pa rin ako sa pakikipag banggaan sa mga studyanteng nakaharang sa daan. At sa wakas ay nalampasan ko na sila.
"Kapatid yan ni August 'di ba?"
Napatigil ako at napakunot ang noo ng marinig ko ang sinabi ng isang lalake. Tama ba ako ng pagkakarinig? Pangalan nga ba ng kuya ko yon? Agad ako napalingon sa kanila. At sa 'di malamang dahilan bigla na lang akong kinabahan. Ano bang meron sa bulletin board!? Halos lahat sila ay nakatingin din sa akin.
"Excuse me teka nga ano bang meron" sabi ni Mira sa mga nakaharang na students. Sabay punta sa bulletin board. Nakita kong halos lumuha ang mata ni Mira nang makita nya kung anong meron sa bulletin board. Kaya agad ko rin itong tiningnan.
Halos manghina ang tuhod ko sa nakita ko.
Nagkatinginan kami ni Mira.. at sabay kaming.."WAAAAAAHHHH!!!"
..napasigaw.
—
Nandito kami ni Mira sa garden. Nakatulala pa rin ako sa nakita ko.
"Aden?! Baka gusto mong magkwento sa akin kung anong ibig sabihin nung nakapost sa bulletin board!" Sigaw nya sa akin.
"Mira sandale nag iisip ako." Hindi ko maiwasang ngatngatin ang kuko ko at mag kuyakoy. Saan ba galing ang mga picture na 'yun!? Hays!
Picture lang naman namin ni Calix nung team building, magkayakap sa loob ng kwarto. Worst part is nakahubad sya! Sa pagkakaalala ko yun yung nabulunan ako dahil sa binigay nya. Ang hindi ko alam eh bakit may picture nun at naipost pa sa school!!
"Aden?! Ano ba. 'Di mo ba napapansin oh lahat ng dumadaan dito nakatingin sa atin at nag bubulungan. Umamin ka nga kayo na ba ni Calix!?" Tanong nya sa akin.
"What?! No!" Sagot ko naman.
"Eh bakit sya nakahubad sa picture na 'yon? Omg! Don't tell me, it's one night stand!?"
Napa-facepalm na lang ako sa level ng thinking ng kaibigan ko.
"Mira ganyan ba tingin mo sa'kin? Tsaka bakit ba ganyan iniisip mo di ba dapat mag focus ka sa part na bakit may picture?? Saan galing yung picture?Kanino galing yun??" Sabi ko naman.
Napasubsob na lang ako ng mukha sa lamesa.
"What a wonderful day!" napaangat ang ulo ko dahil sa narinig kong pamilyar na boses.
"Calix!" Sigaw ko ng makita ko sya. Kasama nya ang Calisto Gang. Umupo sya sa upuan kaharap ko.
"Yes, muchkin?" Sabi nya habang ngiting ngiti. Okay lang ba sya? 'Di ba nya alam mga nangyayari??
"Pwede ba huwag mo ko ngitian? Mukha ba akong natutuwa ha? Nanggigigil ako sa'yo" sabi ko sa kanya.
"Patingin nga nung gigil?" Sabi naman nya sabay tawa.
Gago nga. Hindi ako umimik at tinitigan lang sya.
"Uy nagbibiro lang naman bakit ba hindi ka mabiro" sabi naman nya.
"Mukha ba akong nakikipagbiruan ha? Unggoy ka" sagot ko sa kanya.
"Ano bang kinagagalit mo? Yung about sa Bulletin Board? Nagkalat na yung pic natin sa buong campus, ayaw mo ba nun sikat ka na?" Sabi nya.
"Yun na nga eh, nagkalat na mukha natin sa campus masaya ka pa? Umayos ka nga Calix"
"Bakit ka ba kase naiistress. Ayaw mo ba nun para official na? Yung relasyon natin" sabi nya sabay kindat.
"Siraulo ka na talaga ano? Para sabihin ko sa'yo wala tayo g relasyon baka lang nakakalimoy ka!" Nagulat ako ng tumayo sya sa taas ng lamesa.
"Makinig kayong lahat! I am Calix from Engineering College, leader of Calisto gang, nagsasabing oo, totoo ang lahat ng nakikita nyo sa Bulletin Board. Nililigawan ko si Aden, at sinomang gumawa ng hindi maganda sa kanya, ako at Calisto gang ang makakalaban nyo."
Halos malaglag ang panga ko sa ginawa ni Calix. Nagpalakpakan ang ibang mga studyante at nagbulungan naman ang ibang.
"Ano bang ginagawa mo Calix?? Pinapalala mo lang yung sitwasyon eh!" Sabi ko sa kanya.
"Paanong pinapalala eh nag confirm na nga ako para hindi ka na mastress. At least ngayon alam na nila 'di ba?" Proud pang pagkakasabi niya.
"Alam mo, walang saysay pakikipag usap ko sa'yo. Bahala ka na sa buhay mo" sabi ko sabay tayo and about to walk out.
"ATTENTION ATTENTION! Mr. Aden Del Altamiranos and Mr. Calix Albrecht, please proceed to Guidance Office. Thank you!"
Nanghina ang tuhod ko sa announcement na narinig ko mula sa megaphone ng school. Ito na nga ba sinasabi ko eh!
BINABASA MO ANG
The Best of Both Worlds
RomanceThis story will show us how Aden, a fine arts college student handles the different world of his brother and his lover while dealing with his own world.